GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, January 31, 2008

Group Pic With Richard Gutierrez

[From left to right: Nelle, Jhune, Chard, Ali's Sister, Anne, Ali, Rayne
At the back is Joy Ann, and Ali's Sister Bf.. lol]
++++++++++++++++++++++++++++++++
++++++++++++++++++++++++++++++++
Finally, the RGGFC were able to meet last Sunday, January 27, 2008. During SOP's Birthday Bash for our dear Richard Gutierrez. Though, hindi naman lahat nakarating since we came from different places, oceans separate us apart but our group is still solid and intact and proud to be in Richard Gutierrez Global Fans' Club Family.

Richard and Raymond Gutierrez celebrate 24th birthday belatedly
Bong Godinez
Wednesday, January 30, 200801:23 PM


Work hard. Play hard.

Richard and Raymond Gutierrez—the identical, handsome twins of Annabelle Rama and Eddie Gutierrez—did exactly what the adage says as they belatedly celebrated their 24th birthday last night, January 29, at the One Esplanade Place, SM Central Business Park in Pasay City.

The twins were born in Beverly Hills, California, on January 21, 1984.

Coinciding with the special event is Richard's 7th year anniversary in show business. As a present and thank you to all of the young actor's fans and loyal supporters, a special program under the guidance of GMA-7 Production Manager Redgie Acuña-Magno was held at the same time. The event will be aired this coming Sunday, February 3, at 7:00 p.m. on the Kapuso Network.

DADDY'S WISH. Proud dad Eddie Gutierrez, who led the toast for his birthday boys—reminiscent of the TV commercial they did for a liquor brand last year—was obviously very pleased as he watched Richard and Raymond being swarmed by showbiz and non-showbiz well-wishers.

"Well, I wish them good health kasi they won't be able to function well if they are not healthy," smiled the former matinee idol when asked by PEP (Philippine Entertainment Portal) for his birthday wish for the twins.

"So sana umiwas sila sa drugs, and take care of their health, and go to the gym, and pray and love their fans," he added.

One of the highlights of the evening celebration was the lie-detector test. Richard and Raymond took turns on the hot seat with either of them posing questions. This was of course inspired by John "Sweet" Lapus's "Don't Lie To Me" segment in the Sunday showbiz talk show, Showbiz Central, where Raymond is a co-host.

A kilig moment transpired during a Q&A with Richard when separate VTRs of Anne Curtis and KC Concepcion played on a huge screen plastered on the stage wall. Anne, as many know, is an ex-flame of Richard, while KC is one of the actresses presently being linked to the Kamandag lead star.

Speaking of Kamandag, a special dance number was also presented by Richard, together with the sexy women of the said series led by Ehra Madrigal, Maxene Magalona, and Jewel Mische—who is also romantically linked to the young actor.

Joey de Leon, Ogie Alcasid, and Janno Gibbs also took center stage to personally greet Richard and Raymond on their special day.

As soon as the program ended, the real party began, turning every corner of the wide venue into a dance floor.

Some of the celebrities spotted by PEP were Joyce Jimenez, designer Mich Dulce, Jay-R, Arnell Ignacio, Rhian Ramos, Ramon Christopher, Bianca King with rumored boyfriend Champ Lui-Pio of the rock band Hale, and Mark Anthony Fernandez, among many others.

Richard Gutierrez grateful for a successful career at a very young age
Nerisa Almo
Thursday, January 31, 200803:54 PM


At a young age, Richard Gutierrez seems to be the one of the most successful young actors in local showbiz today.

Only 24 years old, 'Richard already headlined several toprating TV shows, like Mulawin (2005), Captain Barbell (2006), and Lupin (2007), and the ongoing Kamandag. He also had several blockbuster movies such as Let the Love Begin (2005), I Will Always Love You (2006), The Promise (2007), and two installments of Mano Po movies (2003 and 2005).

With these, Richard is, of course, very thankful for all the blessings that come his way in his showbiz career.

At the press conference of his Valentine movie, My Best Friend's Girlfriend, last night, January 30, Richard talked about his and twin brother Raymond Gutierrez's
post-birthday party held the night before, January 29, at One Esplanade Place, SM Central Business Park in Pasay City.

The celebration, which coincided with Richard's 7th anniversary in showbiz, also served as a thanksgiving and a reunion party for his close relatives and friends in show business. Richard added that the party was actually a birthday present from his mother network, GMA-7.

"Sobrang saya," said Richard describing how he felt during the party. "Doon ko lang nakita ulit na magkakasama kami—mga taong mahal ko, mga taong espesyal sa akin.

"Basta ang saya-saya ko lang kagabi na speechless ako. Noong nandun ako sa stage, parang hindi ko alam kung papaano pasasalamatan ang [GMA-7] at siyempre, ang lahat ng taong nandun na pumunta. I'm just very very happy."

When asked what was his birthday wish this year, Richard paused for a moment thinking, then answered, "Sana maging successful ang pelikula namin."

The young actor was obviously referring to his Valentine movie withe Marian Rivera titled My Best Friend's Girlfriend.

NEW LOVETEAM. Does Richard thinks his new team-up with Marian would also click to the viewers, they way the public accepted his loveteam with Angel Locsin. The young actor replied, "That's what we're all wishing for. Sana, sana... That's what we're all wishing and praying for. Sana matanggap ng audience and sana magusutuhan nila."

Richard then went on describing the movie and his newest loveteam. He said, "Ang kinagandahan dito sa loveteam ni Marian, fresh loveteam siya, e. Bihirang makita ng tao yung pagsasama namin ni Marian, at ngayon lang nila makikita sa sinehan. Napakaganda ng pelikula namin kaya masaya talaga ako, first time namin magsama, e."

The movie will premiere on February 13, a day before Valentine's day. Will Richard ask his partner Marian to go on a movie date?

"Gusto ko sanang makasama si Marian, pero masyado siyang busy," he said, quite disappointed.

Marian said earlier that she will have a taping of Marimar on Valentine's day.

KAMANDAG VS. LOBO. Aside from his new movie, Richard also thanked the viewers of Kamandag who kept glued to his show despite the new shows that ABS-CBN had launched this week.

"Masayang-masaya ako kasi yung mga loyal audience ng Kamandag, nandiyan pa rin sila at hindi pa rin sila bumibitiw. At masayang-masaya ako dahil alam kong masaya din yung mga taong nanonood ng Kamandag at napapasaya namin sila. Ayun, masaya kami sa resulta ng ratings at we're just very proud," he said.

Incidentally, Kamandag's timeslot is directly competing with Lobo, which stars Richard's former loveteam Angel Locsin. Richard said he was surprised about the match-up especially since he spoke to Angel before and she said to him that their shows won't be pitted against each other.

"Nagkita kami ni Angel sa Cebu. Sinabi niya, hindi raw [magtatapat] kaya nagulat ako nung pinagtapat nga," Richard narrated.

He added, "Na-realize ko na ganun talaga, e. There's a network war going on right now and hindi talaga maiiwasan na ipagtapat kami ni Angel. I mean, ganun talaga, feeling ko talaga, mangyayari at mangyayari yun."


Closeness nina Jewel Mische at Richard Gutierrez litaw na litaw

OBVIOUS na obvious ang kakaibang closeness nina Richard Gutierrez at Jewel Mische sa katatapos na taping ng birthday special ng huli na A Handsome Journey sa One Esplanade. Sabagay, ilang beses na rin namang inamin ni Richard na ang Kamandag co-star ang babaing pinaka-close sa puso niya ngayon. Ang haba ng hair ni Jewel, ’no? Anyway, bukod sa belated celebration ng birthday ni Richard at ng twin brother niyang si Raymond Gutierrez, siyempre, masaya rin ang atmosphere at very festive dahil sa pananalo sa ratings ng Kamandag ng GMA-7 laban sa Lobo ng ABS-CBN nu’ng Lunes ng gabi (33.1 as against 27.7 percent). So, double celebration ’yon, kumbaga, para kay Richard, sa pamilya niya, mga kaibigan at kasamahan sa trabaho sa Siyete.Simple, pero “fantabulous” naman ang dating ng special, lalupa’t kung iisipin na ilang sikat at bigating mga artista ang bumati, huh!Nariyan si Marian Rivera, leading lady ni Richard sa Valentine movie ng Regal Entertainment at GMA Films na My Bestfriend’s Girlfriend, na showing na sa Feb. 13.Idagdag pa ang equally interesting VTR greeting ng dalaga ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion sa kambal at ang pagbati ni Anne Curtis sa ex-BF na si Chard.Contrary to earlier balita, hindi lang dumaan si Ruffa Gutierrez sa naturang taping-cum-party. Nagtagal siyempre ito para makisaya sa nakababatang mga kapatid, hitsurang taga-ABS-CBN siya at taga-GMA ang dalawa. Sabi nga, blood is thicker than network war! Hehe!Of course, maraming highlight ang event, pero standout sa mga nagsidalo ang lie detector test portion na ginawa kina Richard at Raymond. Maraming na-reveal, pati na ang pag-arte ni Raymond sa Sugo.Anyway, ang ilan sa Kapuso stars na nakisaya sa birthday celebrators ay sina Richard Gomez, Alessandra de Rossi, Joyce Jimenez, Mark Anthony Fernandez, Ana Roces, Ehra Madrigal ata marami pang iba.O siya, abangan n’yo na lang ang airing ng TV special na A Handsome Journey sa Linggo, Febuary 3, sa Sunday Night Box-Office ng Kapuso Network, okay?


KC Concepcion at Anne Curtis, sinorpresa si Richard!

Jun Nardo

KUMAYOD pa rin si Richard Gutierrez sa birthday party na ibinigay sa kanya ng GMA Network last Tuesday sa One Esplanade na malapit sa Mall of Asia.
Pinaghalong business and pleasure ang naganap dahil habang nagpa-party ang kanyang mga guests, tini-tape naman ang birthday special niyang A Handsome Journey na ipalalabas this Sunday sa GMA 7.
Although kay Richard nakasentro ang special na ‘yon, naging bahagi rin ang kakambal niyang si Raymond na siyang nag-host ng show.
Nakatutuwa ngang pagmasdan ang Gutierrez clan na present that night led by Eddie Gutierrez and Annabelle Rama.
Nandoon din si Ruffa at nang tanungin namin kung may participation siya sa special, “I am with ABS CBN. Guest lang ako rito to support my brother!”
After that ay tawag na naman siya sa kanyang celfone. Halatang imbiyerna siya. Biniro tuloy namin na baka si Yilmaz Bektas ang tinatawagan niya at hindi niya ito makontak.
“Kayo talaga! Hindi si Yilmaz ang tinatawagan ko! ‘Yung mga alalay ko na nawawala! Hindi ko sila makita. Busy rin sila! Ha! Ha! Ha! Ha!” sabi lang ni Ruffa.

***
Sa special na ‘yon, kinarir talaga ni Richard ang pagsayaw. In fairness, graceful ang execution niya sa kanyang opening number, huh!
Take note na dala­wang beses niyang ipinamalas ang kanyang dancing prowess at kering-keri naman niya ang bawat steps.
Nagrampahan naman sina Alessandra de Rossi, JC de Vera, Bubbles Paraiso, Jay-R, Wendell Ramos, Francine Prieto at Richard Gomez.
Sina Janno Gibbs at Ogie Alcasid ay gumawa ng OJ (Ogie-Janno) portion para kay Richard, gaya ng ginagawa nila sa SOP tuwing Sunday.
Present din si Joey de Leon na nakasama ng kambal sa pelikulang Knock-Knock Who’s There? nu’ng mga tsiki­ting pa sila.
Sing and dance naman ang ipinakita ni Richard with Chynna Ortaleza, Rhian Ramos, Bianca King at Isabel Oli. Bukod sa mga girls na ito, nakasama rin ng young actor ang mga babae niya sa Kamandag na sina Maxene Magalona, Jewel Mische at Ehra Madrigal.
Nakadagdag ng excitement ang greetings ng dating girlfriend ni Richard na si Anne Curtis. Baby Bubut pala ang tawag niya rito na ang wish ay maging clo­ser to God.
Hindi rin isinasara ng aktor ang posibilidad na magsama sila sa movie ni Anne.
Simple at maiksi naman ang greetings ni KC Concepcion. Maging si Richard ay nagulat din sa VTR ng dalawa.
Tanong tuloy ng ibang writers: Alam kaya ng Channel 2 ang VTR na ‘yon?Dahil may pupuntahan pa kami, hindi na namin natapos ang pagsalang ni Richard sa lie detector test.
May participation din sa special si Marian Rivera na kapareha ni Richard sa My Best Friend’s Girlfriend, pero sa Linggo na rin ninyo malalaman kung ano ang gagawin ni Marian Rivera (at hindi Marian de Vera, huh)!
Ilan sa namataan naming naki-enjoy sa special at party ni Richard ay sina German Moreno, Mother Lily, Boots Anson Roa, Douglas Quijano, Ben Chan, GMA executives, Ana Roces at Almira Muhlach, na ipinakita lang ang wedding ring nila ni Bong Alvarez, kesa sagutin ang tanong namin kung nagkabalikan na nga sila, huh!
Pero bago ang A Handsome Journey ni Richard, watch kayo tonite ng episode ng Kamandag dahil mu­ling maglalaban sina Kamandag (Richard) at Talim (Mark Anthony Fernandez), para maagaw ng huli ang kalasag ng una.
Lalabas din ang tunay na katauhan ni Ditas (Ehra Madrigal) at dahil sa bagsik ni Elinor (Alessandra de Rossi) kay Lily (Maxene Magalona), lalayas ito sa bahay.

Jojo Gabinete

Abante Online

Mapapanood sa GMA 7 sa darating na Linggo (February 3) ang A Handsome Journey, ang birthday TV special nina Richard at Raymond.Maraming revelation tungkol sa magkapatid na ginagawa nang biruan ang kanilang away noon na tumagal ng ilang buwan.
Sa Don’t Lie To Me segment ng TV special, ina­min ni Raymond na siya at hindi si Richard ang napanood noon ng mga tao sa early episodes ng Sugo.
Pinakiusapan si Raymond ng production staff na mag-double sa kanyang kakambal dahil maraming eksena ang kukunan na kailangang maipalabas kaagad.
Inayunan ng lie-detector machine ang ‘yes’ answer ni Raymond sa tanong na naiinis ito kapag sinasabihan siya na magpapayat. This year, ang magbawas ng timbang ang main goal ni Raymond na hindi imposible na mangyari dahil nasubukan na niya noon na magpapayat at naging successful siya.
“Truth” ang resulta ng lie-detector machine sa ‘yes’ answer ni Richard sa tanong kung meron siyang constant date.
Kinilig ang audience na umaasa na si KC Concepcion ang babae na tinutukoy ni Richard.
Lalong kinilig ang audience nang ipakita sa wide screen ang VTR birthday greeting ni KC para sa actor na nali-link sa kanya.
Maging closer pa sa Diyos ang isa sa mga birthday wish ni Richard dahil may mga pagpapakataon daw na nakakalimot siya.
Ipinangako ni Richard sa sarili na gagawa siya ng paraan na magkaroon ng maraming panahon para sa Diyos, sa kanyang pamil­ya at mga kaibigan.
Ang magalit ang kanyang tatay na si Eddie Gutierrez ang isa sa mga ayaw na mangyari ni Richard.
Napakabait at bihira raw magalit ang kanyang ama kaya galit talaga ito kapag nagalit.
Nagtawanan ang mga tao sa sinabi ni Richard na hindi na ito nababahala sa galit ng nanay niya na si Annabelle Rama dahil nasanay na siya na palaging galit ang kanyang ina.
Habang pinapanood namin sina Richard at Raymond sa Don’t Lie To Me segment, na-realize namin na puwedeng-puwede rin si Richard na maging double ni Raymond bilang host ng Pinoy Idol.
Si Richard ang lalakeng Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama dahil sa kanyang mga nakakatawang hirit at wit.
May special participation sa A Handsome Journey sina Richard Gomez, Joey de Leon, Wendell Ramos, ang cast ng Kamandag at ang mga babae na nakapareha ni Richard sa past TV series na pinagbidahan niya.

LOBO Talo pa rin ng KAMANDAG

May mga nag-react sa ratings na inilalabas ko, lalo na sa resulta ng ra­tings ng mga bagong programa ng ABS-CBN 2 na Kung Fu Kids (Makisig Morales), Lobo (Angel Locsin at Piolo Pascual) at Palos (Cesar Montano at Jake Cuenca).
Hanggang noong Martes ay mababa pa rin ang rating ng mga bagong teleserye ng Dos, kaya mas mabuting huwag na lang siguro nilang basahin ang rating dahil kinukuwestiyon naman nila ang kredibilidad ng AGB Nielsen.
Anyway, narito ang overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS CBN 2 noong MARTES (Hunyo 29):


SiS 11.4% vs. Boy and Kris 7.9%;

Takeshi’s Castle 14.9% vs. Game Ka Na Ba 17.2%;

Eat Bulaga 23.1% vs. Wowowee 15%;

Daisy Siete 22% at Maging Akin Ka Lamang 18.5% vs. Prinsesa ng Banyera 10%;

My Only Love 14.8% vs. Pinoy Movie Hits 10.8%;

Soon Ae 14.3% at Hana Yori Dango 16.1% vs. Wheel of Fortune 15.7%;

24 Oras 30.5% vs. TV Patrol World 24.9%;

Zaido 29.7% vs. Kung Fu Kids 26.4%;

Kamandag 32.8% vs. Lobo 27.7%;

Marimar 42.8% vs. Palos 22% at Maging Sino Ka Man 13%;

Coffee Prince 32.7% vs. Spring Waltz 8.3%;

Kung Ako Ikaw 15.8% vs. Bandila 6.7%.

Richard, sinurpresa ni KC
ni: Allan Diones

Binigyan ng belated birthday party ng GMA ang Gutierrez twins na sina Richard at Raymond nu’ng Martes nang gabi sa One Esplanade Place (SM Central Business Park, Seaside corner Bay Boulevard, Pasay City).
Nu’ng Enero 21 ang 24th birthday ng kambal, pero dahil pareho silang busy ay hindi sila nakapagpa-party. Isinabay na rin sa nasabing dinner party ang taping ng TV special ni Richard na A Handsome Journey (na ipapalabas sa Linggo, Pebrero 3, sa GMA pagkatapos ng Fulhaus).
Sosi ang ambience sa party, na dinaluhan ng mga nagmamahal kina Richard at Raymond. Punong abala siyempre ang parents nilang sina Tita Annabelle Rama at Tito Eddie Gutierrez, at naroon din ang mga kapatid nilang sina Ruffa, Elvis, Ritchie Paul at Ramon Christopher.
Present din ang bigwigs ng GMA (minus Ma’am Wilma Galvante na nasa Amerika), Mo­ther Lily Monteverde, Tito Douglas Quijano, Mr. Ben Chan, atbp.Pagdaan sa table namin ng fashionistang ate ng kambal na si Ruffa ay tinanong siya ni Tito Jun Nardo kung meron din ba siyang spot number sa TV special ni Richard.
Sey ni Ruffing, “No! I’m with ABS-CBN, I’m just a guest! I’m just supporting my brother! Ha! Ha! Ha!”
Biniro rin ni Tito Jun si Ruffa na malamang si Yilmaz (Bektas, Turkish ex-husband niya) ‘yung naririnig naming kau-kausap niya sa celfone.
Natawa ang Ruffing at nag-explain na ‘yung mga bading niyang alalay ang tinatawagan niya dahil biglang nawala ang mga ito at iniwan siyang mag-isa.
***
Bukod sa birthday ni Richard ay sine-celebrate din ng pambatong ma­tinee idol ng Siyete ang 7th anniversary niya sa showbiz (nagsimula ang bilang nu’ng mag-Click siya, hindi isinama ‘yung pag-aartista nila ni Raymond nu’ng mga paslit pa sila).
Bukod doon ay bale victory party na rin daw ‘yon ng telefantasya niyang Kamandag na pa­tuloy na namamayagpag sa ratings (at hindi natinag ng tumapat na bagong show sa kabila) at promo na rin ng upco­ming Valentine movie ni Chard with Marian Rivera na My Best Friend’s Girlfriend.
Applauded ang Justin Timberlake opening dance number ni Richard. Bukod sa ganadong magsayaw si Chard ay halatang well-rehearsed ang kanyang number dahil hindi siya nagkamali ng steps at kabisado niya ang sinasayaw niya.May isang segment na si Richard Gomez ang nag-intro at kapagkuwan ay nagkaroon ng mini-fashion show na nagsi­rampa sina Alessandra de Rossi, JC de Vera, Bubbles Paraiso, Michelle Mad­rigal, JayR, Ehra Mad­rigal, Wendell Ramos at Francine Prieto.
Huling rumampa nang sabay sina Goma at Chard. Ang gandang tingnan ng dalawang Richard: isang dati at isang kasalukuyang heartthrob ng Philippine showbiz.
Sina Janno Gibbs at Ogie Alcasid ay kinantahan si Richard ala ‘Sobrang OJ Pare’ portion nila sa SOP to the tune of Harana ng Parokya ni Edgar.
Naki-sing and dance din si Chard kina Bianca King, Rhian Ramos, Chynna Ortaleza at Isabel Oli. Si Joey de Leon ay nag-intro rin ng segment. Kuwento ni Tito Joe­y, nu’ng 5 y/o ang kambal ay nakatrabaho niya ang mga ito sa pelikulang Knock, Knock, Who’s There?.
That time ay bungi pa raw si Raymond. Nang magbinata na si Richar­d ay si Tito Joey ang nakasama niya sa unang TV guesting niya sa GMA na Kakabakaba. Idol at mentor daw ni Chard ang batikang comedian-TV host.
***
May dance number din si Richard kasama ang Kamandag girls na sina Maxene Magalona, Ehra Madrigal at Jewel Mische.
Mukhang ‘special’ yata talaga si Jewel dahil iba ang kanyang outfit samantalang terno ang kumikinang na mini-dress na suot nina Max at Ehra.
Cute ‘yung portion na ininterbyu ni Raymond ang twin brother niya. Napaamin ni Mon si Chard na mas takot ito sa daddy nila kesa kay Tita Annabelle.“Kasi si mommy, palaging galit, kaya sanay na ako. Si daddy, minsan lang, kaya ‘pag naga­lit si dad, lahat kami, tiklop, pati si mommy,” natatawang sey ni Chard.Dream daw niyang magkaroon ng sariling pamilya in the future, pero idiniin niyang ‘in the future’ at hindi ‘in the near future’.
Lahat ng characters na ginampanan niya sa TV ay memorable sa kanya, pero pinaka-unforgettable for him ang kanyang Mulawin karakter na si Aguiluz “because that was really the beginning for me!”
Ikinatuwa si Richard ang dalawang ‘surprise girls’ na nagbigay sa kanya ng VTR message. Ang una ay ang ex-girlfriend niyang si Anne Curtis, na nagsabing ang first impression niya kay Chard ay super-mayabang. Pero nang magkatrabaho na sila noon sa Nuts Entertainment ay mabait daw pala ito at very simple guy.
Nai-share din ni Anne na “very maalaga” si Chard at “can be very sweet if he wants too.” Hindi makalimutan ni Anne nu’ng mag-on pa sila nito na nag-away sila, tapos ay nag-iwan si Richard ng mga rosas sa condo niya.
Kinantiyawan ni Raymond ang tawagan noon nina Chard at Anne na ‘Baby Booboo’ dahil co­rny raw.
Sey ni Chard, sweet ang dating no’n kay Anne at kinikilig ito sa mga ginagawa niyang pag­la­lambing.
Ang pangalawang surprise girl ay si KC Concepcion na nali-link din ngayon at balitang crush ni Richard.
Mabilis at parang nagmamadali si KC sa kanyang VTR message kaya wala kaming gaanong naintindihan. Very safe ang greeting ng dalaga kay Chard.Ang pinakamasayan­g portion ay nang sumailalim sa ‘lie detector test’ ang dalawang birthday boys. Si Raymond ang nagtanong kay Richard, tapos ay bumuwelta rin ng tanong si Chard kay Mon.
Sa ending ng show ay nag-lead ng toast si Tito Eddie para sa kanyang kambal. Si Richard pala ang ‘kuya’ dahil nauna siyang lumabas nang 3 minutes bago si Raymond.
Larawan ng isang very proud father si Tito Eddie dahil sa success ng kanyang mahal na kambal. Tinaas niya ang hawak na kopita at nagdayalog ng, “Ang tagumpay ko, kayo!” na very Empera­dor commercial nilang mag-aama. Ang huling mensahe ni Richard nu’ng gabing ‘yon para sa kanyang mga Kapuso ay, “I love you, guys! I will always stay by your side, no matter what!” na tinugon ng lahat ng isang masigabong palakpakan.

Wednesday, January 30, 2008

Jewel Mische and Richard Gutierrez: Getting to know each other better
Ruel Mendoza
Wednesday, January 30, 200804:03 PM



Isa sa naging special guest ni Richard Gutierrez para sa kanyang birthday special sa GMA-7, titled A Handsome Journey, ang isa sa leading ladies niya sa Kamandag na si Jewel Mische.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jewel sa birthday celebration ni Richard at ng kambal nitong si Raymond Gutierrez kagabi, January 29, sa One Esplanade Place sa Pasay City. Tinanong namin ang StarStruck 4 Ultimate Sweetheart kung ano ang masasabi niya sa sinabi ni Richard na siya ang pinaka-close na babae ngayon sa buhay niya.
Hindi namin alam kung nagmaang-maangan lang si Jewel na hindi raw niya narinig ang sinabing ‘yon ni Richard. Isa kasi ‘yon sa mga tanong kay Richard nang umupo siya sa hot seat na may nakakabit na lie-detector machine.
"Sorry, hindi ko talaga narinig because I was talking with somebody noong nakaupo ako sa audience," nakangiting sabi ni Jewel. "Sinabi ba ni Chard ‘yon? What can I say about it? Well, siguro right now, ako ang isa sa mga ka-close niyang leading ladies. Lately kasi, marami kaming eksenang kinukunan sa Kamandag, and we're really getting to know each other more.
"Kung noon wala akong masabi kay Richard, because nagsisimula pa lang kaming nagwu-work sa isang show, now I can really say na kilala ko na siya and we're very close na. I am happy na I was able to work with somebody as professional like Richard," pahayag ng dalaga.
Tinanong namin si Jewel kung nabigyan na ba niya ng regalo si Richard para sa kaarawan nito.

"I already gave Chard his gift. I won't say what it is. Siguro if you want to know, tanungin n'yo na lang siya. Basta yung gift ko, bagay sa kanya and he will always remember me when he sees it," nakangiting sagot ni Jewel.
Malakas ang usap-usapan na may relasyon na sina Jewel at Richard. Lalo pa itong umingay nang tumabi si Jewel sa ate ni Richard na si Ruffa Gutierrez sa birthday party nina Richard at Raymond. Biro namin, mukhang aprub na si Ruffa kay Jewel.
"Gano'n ba?" sabay ngiti ni Jewel. "Pinaupo kasi ako sa tabi ni Ms. Ruffa. And she was very nice to me. Nahihiya nga ako kasi sa kanya ako itinabi. Parang na-starstruck tuloy ako.
"I don't know about yung approval ni Ms. Ruffa sa akin. Ayoko namang isipin ‘yon. What's important is that I was able to get to know her and Chard's family. Mababait silang lahat sa akin. Siguro enough reason na 'yon for me to really like them."
Totoo ba na super-bantay daw siya ngayon kay Richard kapag may eksena ito with Maxene Magalona sa Kamandag? Pinagseselosan ba niya si Maxene?
"Naku, ayan na naman ang balitang ‘yan!" bulalas niya. "Hindi po ako nagbabantay doon sa eksena with Chard and Maxene. I was next kasi to be called for the scene. Lalabas na muna sana ako para mag-wait sa standby area. Pero sabi ng isang staff na huwag na raw akong umalis since mabilis lang daw ang kukunan na scene. Kaya I stayed kasi isasalang daw ako agad.
"So, hindi naman ako nagbantay talaga. Kahit itanong n'yo pa kina Chard and Maxene. Trabaho lang ang ginagawa ko doon and sumunod lang naman po ako sa sinabi sa akin ng taga-Kamandag.

"Kami naman ni Maxene, okay kami. We talk, lalo na kapag may mga eksena kami. Usually kasi, hindi kami magkasama sa mga eksena. Pero kapag may scenes kami together sa isang location, nagkukuwentuhan naman kami. Maxene is a very nice person and huwag naman sana nila kaming gawan ng intriga kasi we're working harmoniously on the set," lahad ni Jewel.
RICHARD WANTS TO BE A DIRECTOR



RICHARD Gutierrez told us that he eventually plans to produce and direct his own movies. It seems he’s serious about this as he took the filmmaking and producer seminar conducted by American film instructor Dov Simens last weekend. Richard took the weekend off from his taping of “Kamandag” and the promo of “My Best Friend’s Girlfriend” just to be able to attend it. “It doesn’t mean I’m quitting acting and will now go into producing and directing,” he explains. “Kumbaga, paghahanda lang ito for the future, para kung sakaling dumating ang chance for me to direct a film, ready na ako, may prior knowledge na ako and I will not be caught unaware. As of now kasi, marami akong naiisip na ideas for future movies. Who knows? I might be able to make use of them kung sakaling magdidirek na nga ako.” About “Kamandag”, Richard is happy with the addition of Sunshine Dizon in the cast, playing Ragona, who appears when a nasty soldier whips some slaves of Haring Budog (Johnny Delgado). Ragona breathes fire and helps the slave against the abusive soldier. She can also fly. Succeeding episodes will reveal who Ragona really is. She’ll next be fighting the cohorts of Reyna Kuran (Francine Prieto) and the slaves think she is their promised savior. Meantime, Alicia (Eula Valdes) nurses the wounded Lucero (Mark Anthony Fernandez) back to health thinking he is her long lost son, Vergel (Richard Gutierrez). What she doesn’t know is that Lucero is the evil Talim. But when she sees the real Kamandag helping some victims of a landslide on TV, she gets shocked and realizes that Lucero is not really her son.
New shows fail to beat rivals
By: Aster Amoyo


If I KnowBASED on the ratings, the three existing shows of the Kapuso network beat the three Kapamilya programs that premiered on Monday. Zaido had a rating of 30.5% compared to Kung Fu Kids which had 26.6%. Kamandag starring Richard Gutierrez had 33.1% while Lobo with Piolo Pascual and Angel Locsin , had 27.7%. Marimar had 36.8% compared to Palos which netted 23.6 per cent. In the earlier time slot, Hana Yori Dango 2 had a rating of 18.5 while Wheel of Fortune had 13.7. 24 Oras had 30.5 while TV Patrol had 23.
‘Lobo,’ nagapi ng ‘Kamandag’!


BUKOD sa curiosity sa pagbabalik-telebisyon ni Angel Locsin sa bagong home studio na ABS-CBN 2, ang isa pang inabangan ng karamihan ay ang resulta ng showdown ng comeback vehicle niyang Lobo (opposite Piolo Pascual) at ng Kamandag ng ex-screen partner na si Richard Gutierrez sa GMA-7. Sa natanggap naming ratings data ng katatapos na banggaang “Gr8 January 28, 2008” ng Dos at “Fortified Telebabad Block” ng Siyete, nagapi ng Kamandag ang dapat sana’y mabangis na Lobo by 5.4 points sa rating na 33.1 percent as against 27.7. Ganito rin ang naging kapalaran ng dalawa pang ABS shows na kasabay nitong nag-pilot nu’ng Lunes ng gabi. Hindi umubra ang Kung Fu Kids (26.6 percent) sa Zaido (28.9) at ’di hamak na naging mas “madulas” si Marimar (36.8 percent) kesa sa dalawang Palos (23.6). Maging ang Maging Sino Ka Man ay nilampaso ng Koreanovela na Coffee Prince sa ratings na 13.3 at 31.2 percent, respectively.
‘Lobo’ tinalo ng ‘Kamandag’
ni: Jun Lalin

Kagabi ginanap sa One Esplanade ang birthday celebration nina Richard at Raymond Gutierrez.


Bale isinabay na rin doon ang taping ng TV special ni Richard, ang A Handsome Journey, kung saan ay nag-participate ang mga malalapit na kaibigan ng binata.
Si Raymond ang host ng TV special na ‘yon.


Kaabang-abang ang lie-detector test ni Richard at tama ba ang dinig ko na pati si Raymond ay sumalang sa lie-detector test at si Richard ang nagtanong sa kanya?


Malamang na sa Linggo na ipalabas sa GMA 7 ang TV special ni Richard.
Samantala, balik-taping para sa Kamandag si Richard sa araw na ito at papuntang Iloilo si Raymond para sa audition ng Pinoy Idol.


Malamang na magkaroon ng selebrasyon sa taping ngayon ng Kamandag dahil panalo sila sa Lobo nina Angel Locsin at Piolo Pascual.


Naka-33.1% sa ratings ang Kamandag at naka-27.7% ang series nina Angel at Piolo.


Mas matindi ang kamandag ng ‘ahaserye’ ni Richard at tinalo nito ang bangis ng kalabang show.


Panalo rin ang Zaido (28.9%) sa Kung Fu Kids (26.6%), at ang Marimar (36.8%) sa Palos (23.6%).

Tuesday, January 29, 2008

TV RATINGS January 25 and 28, 2008

January 25 (Friday)

Primetime:
  1. Marimar (GMA-7) - 37%
  2. Coffee Prince (GMA-7) - 32.3%
  3. Kamandag (GMA-7) - 32.2%
  4. Lastikman (ABS-CBN) - 30.7%
  5. Patayin Sa Sindak Si Barbara (ABS-CBN) - 28.3%
  6. Zaido (GMA-7) - 27.2%
  7. 24 Oras (GMA-7) - 26.4%
  8. TV Patrol World (ABS-CBN) - 23.8%
  9. Bubble Gang (GMA-7) - 18.3%
  10. Maging Sino Ka Man (ABS-CBN) - 17.5%


January 28 (Monday)

Primetime:
  1. Marimar (GMA-7) - 36.8%
  2. Kamandag (GMA-7) - 33.1%
  3. Coffee Prince (GMA-7) - 31.2%
  4. 24 Oras (GMA-7) - 30.5%
  5. Zaido (GMA-7) - 28.9%
  6. Lobo (ABS-CBN) - 27.7%
  7. Kung Fu Kids (ABS-CBN) - 26.6%
  8. Palos (ABS-CBN) - 23.6%
  9. TV Patrol World (ABS-CBN) - 23%
  10. Kung Ako Ikaw (GMA-7) - 14.8%

Source: AGB Nielsen Philippines

Photos Taken During SOP January 26, 2008




Taken by: Ali

Photos Taken During SOP



Chard with the Cast of Kamandag.
Posted by:
chardgelmarie2007

Monday, January 28, 2008

Jojo Gabinete
Abante Online


Sa lahat ng ina, kakaiba si Annabelle Rama dahil imbes na malungkot, natutuwa pa siya dahil hindi nagmana sa kanya ang mga anak nila ni Eddie Guteirrez.
Sa birthday celebration kahapon sa SOP nina Raymond at Richard, sinabi ni Annabelle na ipinagmamalaki niya ang mga achievement ng kanyang mga anak.
Natutuwa raw siya dahil lumaki na matatalino ang mga anak niya at hindi nagmana sa kanya. Maga­ling magsalita ng English ang kanyang mga anak at hindi tulad niya na hindi nakapag-aral noong araw.
Dahil sa sobrang tuwa na nararamdaman, nalimutan ni Annabelle na i-plug ang My Funny Valentine, ang pre-Valentine concert na pinrodyus niya na mapapanood sa February 8 sa Crowne Plaza Hotel.
Hinihintay lang ni Annabelle na matapos ang concert nina Ai Ai delas Alas, Ogie Alcasid, Vernie Varga at Diana Zubiri bago sila pumunta sa Amerika ng kanyang asawang si Eddie Gutierrez.
Panonoorin nina Annabelle at Eddie ang laban sa March 2008 nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Las Vegas.
Ipinangako ni Annabelle sa sarili na hinding-hindi na siya pupusta ng “knock-out” sa nabanggit na laban dahil malaki ang natalo sa kanya nang tumaya siya sa huling laban ni Manny kay Marco Antonio Barrera noong October 2007.

Richard, gustong magdirek ng movie

ni: Jun Lalin

Mukhang seryoso na si Richard Gutierrez sa plano niyang magprodyus at magdirek ng pelikula.Noong Sabado’t Linggo ay um-attend ang bida ng Kamandag sa Filmma­king and Producing se­minar ni Dov Simens (ibinotong America’s #1 Film Instructor ng National Association of Film Schools, at nagturo sa USC, NYU, UCLA at mahigit 18 iba pang major universities & film schools around the world).Nag-off si Richard sa taping ng Kamandag at promotions nila ni Marian Rivera ng My Bestfriend’s Boyfriend noong Sabado dahil mula 9:00AM hanggang 6:30PM ay nandoon si Richard sa seminar.Kahapon ay nagpunta siya sa seminar ni Dov bago um-attend ng SOP. Sa pag-uusap namin kahapon ni Richard ay nabanggit niyang basta magkaroon siya ng matagal-tagal na off ay mag-e-enrol siya ng filmmaking.Marami na siyang concepts ng mga pelikulang gusto niyang gawin.“Hindi ko pa naiisip kung sino ang unang gusto kong i-direct. Depende pa sa unang project na gagawin ko in the future,” kuwento niya. Napagkuwentuhan naman namin ang pelikula nila ni Marian at excited siya dahil may mga miyembro ng global fans club niya mula sa Amerika ang uuwi ng Pilipinas para manood ng My Bestfriend’s Girlfriend.Thankful din si Richard dahil patuloy na humahataw sa ratings game ang ‘ahaserye’ niyang Kamandag (kung saan kasama na si Sunshine Dizon).
He loves her eyes!
Article posted January 21, 2008

When Richard Gutierrez introduced his new leading lady during the “Best Friend’s Girlfriend (BFGF)” press conference last January 17, the guests looked expectantly at the door of GMA’s 17th floor restaurant. But to everyone’s surprise, Marian Rivera was already in front – hidden inside a humongous cake! Text by Jillian Q. Gatcheco. Photos by Mitch S. Mauricio.

It was quite a letdown when she didn’t dance her way out, as we have seen in the movie’s trailer, but nevertheless, she looked gorgeous, a perfect match to her dashing leading man all clad in black.

Hitting it off right


Direk Mark Reyes started off the presscon by talking about Richard and Marian’s chemistry. “When we started doing [BFGF], we didn’t know what to expect. I haven’t seen Richard do this much comedy for a long time. For some reason, [he and Marian] hit it off right away. Hindi uubra ang ‘kamandag’ ni Vergel kay MariMar! Maganda ang chemistry nila, nakakatuwa; they support each other. Maraming kwentong hindi ko pwede sabihin dahil baka patayin ako ni Marian at ni Richard!”

But lucky for us, direk Mark did share a couple of kilig stories about the two during our past set visits! One of his kwentos included how Marian is Richard’s cellphone-keeper, and how Richard gives in to all of Marian’s food requests!

Marian confirms the latter, saying that she has always known how nice Richard is because he never failed to greet her even when she wasn’t ‘MariMar’ yet. “Hindi siya suplado sa akin. Hindi niya pinaramdam sa akin na siya si Richard Gutierrez. Tapos habang nagtatagal yung shooting namin, sobrang maaalahanin yan. Yung tipong, ‘Kumain ka na ba? Ano gusto mong kainin?’ Lagi siyang ganoon sa araw-araw ng shooting days namin.”

“ Lagi kong binabati yung kagandahan ni Marian,” says Richard, giving his leading lady a killer smile.

“Usisera!” quips Marian with a laugh, nudging Richard in the ribs.

To prove that what he said was true, Richard continued, “Stunning naman talaga yung beauty ni Marian, especially her eyes…”

Marian vs. Angel?


One member of the Press asked how Marian is compared to Richard’s tried-and-tested leading lady Angel Locsin, who was his partner for three consecutive Valentine flicks [Let the Love Begin (2005), I Will Always Love You (2006) and The Promise (2007)].

Mother Lily, who was present at the presscon, remarked, “I think this is the best team-up. I think magkamukha nga sila! Isang gwapo, at isang gwapa, di ba?”

Richard, who was pressured to reply by everyone, said, “It’s new. Iba. Yung acting range ni [Marian], kung ikukumpara mo sa matagal nang [artista], magaling [talaga] siya. It’s refreshing for me to have a new partner, and si Marian pa naka-partner ko. Yun nga, nagkasundo kami ni Marian, and iba yung chemistry at rapport namin. Mage-enjoy kayo dito. ”

When it was Marian’s turn to comment on Mother Lily’s answer, she said, “Thank you, kung ganoon. Kasi sa bawat trabahong ginagawa ko, lahat, binibigyan ko ng atensyon. Lahat ginagawa ko para gumanda siya. So hindi lang basta umarte lang ako. Lagi kong sinasabi na lagi kong pinagbubutihan yung trabaho, sa kahit anong trabahong ibigay sa akin.”

Richard adds, “Ang taas ng energy level niya, kahit puyat na puyat na kami, nakukuha ko energy ko sa kanya.”

Direk Mark agrees: “Richard has had the same partner for the past three years. Ngayong may bagong partner si Richard, bagong Richard ang makikita niyo.”

More projects

Are the two open to doing more projects together?

“Bakit naman hindi, di ba? Pero syempre, may sari-sarili pa kaming shows na umeere sa TV. One step at a time [dapat]. Pero in the future, why not?” says Richard.

Everyone clapped and hooted when someone commented, “Hihintayin ko na lang ang Captain Barbell Meets Darna!

My Best Friend’s Girlfriend premieres on February 10 and will air nationwide a day before Valentine’s. Richard invites everyone to be his date on the 13th: “It’s a great movie, mage-enjoy kayong lahat. It’s refreshing and very light. Di ba sabi nga, great things happen unexpectedly? Itong team up namin ni Marian happened unexpectedly, and it turned out to be a great, great, movie, that’s why dapat niyo talaga panoorin!”

Direk Mark adds, “You’ll enjoy it, you’ll laugh, you’ll fall in love, and you’ll see Marian dance out of a cake – that’s [enough already]!”

KAMANDAG

January 28 to February 1, 2008: Fall From Grace
Article posted January 25, 2008
Jenny continued to make Lucero believe that Vergel was already her boyfriend, further angering her suitor and destroying the friendship that Lucero once shared with Vergel. When Lucero had enough, he used his Talim persona to exact due punishment to Jenny, but he was foiled by the arrival of Kamandag and Ikoy.Meanwhile, Vergel’s soul-searching in San Isidro proved fruitless and even destructive, as the only thing he managed to do was completely end his friendship with Lucero and put Lily in mortal danger.In the world of Ambograw, the beginning of a war was becoming evident. With Alicia’s escape and Budog’s death, the Hasbaya decided to move against the remaining tribes of Ambograw. But the remaining royal families are ready for war.

Richard at Maxene, parang Eddie at Susan

By: Ernie Enrile


Mismo



MARAMING viewers ang kinikilig sa tandem nina Richard Gutierrez at Maxene Magalona sa Kamandag. May chemistry ang dalawang bagets at bagay sila sa isa’t isa. Ang obserbasyon nga ng ibang mga magulang na sumusubaybay gabi-gabi sa said fantaserye, parang modern-day loveteam na Susan Roces at Eddie Gutierrez ang dalawang young stars. Ang namanang kakisigan ni Richard sa ama ay nagku-compliment sa sweetness and refreshing beauty ni Maxene, na kalabisan nang sabihing minana niya sa kanyang mga magulang, sina Francis M. at Pia Arroyo. Parehong may dugong artista sina Maxene at Richard, partikular sa panig ng dalaga, since mga award-winning actor and actress ang lolo at lola niya, at sikat nu’ng panahon nila sina Pancho Magalona at Tita Duran. Kahit nga raw ni-repackage ng Kapuso bilang loveteam sina Maxene at Richard, tiyak an kakagatin ng viewers. ’Di naman kailangan ang totoong ligawan sa kaso ng dalawa, dahil kung may mga nali-link na iba’t ibang young actress kay Richard, si Maxene naman ay aminadong may non-showbiz boyfriend.

Sunday, January 27, 2008

Nitz Miralles
Journal Online


NAGULAT ang viewers ng Kamandag noong Thursday evening nang ipakita ang picture ni Sunshine Dizon na naka-costume at in-announce na kasama na siya fantasy-action series simula noong Friday.

Ginagampanan niya ang role ni Ragona na sa apoy nanggagaling ang power, gaya ng role niya sa Encantadia.

Bida-kontrabida siya rito na gusto ng tao sa actress.

Siya pala ang sinabi ni Direk Mark Reyes sa presscon ng My Bestfriend’s Girlfriend na isa sa mga bagong character na papasok at madaragdag sa cast.

Extended ang Kamandag ng ilang weeks at para tumakbo ang istorya nang maayos, kailangang magdagdag ng characters.

Malapit sa puso ni Direk Mark ang Encantadia, dahil ito pa lang ang show niya na kahit wala na sa ere, super close pa rin ang cast.

Ang dream project nga ni Direk ay gumawa ng movie version ng Encantadia, hindi lang niya alam kung paano, kaya tiyak na masaya ito sa pagpasok ni Sunshine sa Kamandag.

Ang request ngayon ng viewers, pagtagpuin sina Sunshine at Lucero (Mark Anthony Fernandez) para magkaroon ng reunion ang mga bida ng Impostora.

May nag-comment naman na buong taon nasa telebisyon ang actress at mangyayari ito dahil balitang inihahanda na ang next solo project niya sa GMA-7

Richard Gutierrez vs. Angel Locsin

IT’S Richard Gutierrez versus Angel Locsin naman.

Dating partners both sa TV and movies, sina Richard and Angel naman ang magbabanggaan this Monday when Piolo Pascual and Angel’s Lobo pilots sa ABS Primetime Bida.

This is the schedule of Richard’s Kamandag naman so lovers are now challengers and it is a very good fight between the reigning king and queen of pantaserye.

Ang nakatutuwa pa, kung dati ay si PJ ang ki-nalaban nila four years ago sa Valentine play date nang nagsabong ang Let the Love Begin nina Richard and Angel and PJ’s Dream Boy with Bea Alon-zo, now its PJ and Angel nga versus Richard sa TV.

Everyone will be waiting for the Monday ratings this Tuesday at sa tatlong pair na magbabanggaan sa Monday. Again the question is kung sino ang mas mabagsik, ang kamandag o ang pangil.
Jun Lalin
Abante Tonite


Magandang abangan ang birthday celebration mamayang tanghali sa SOP nina Richard at Raymond Gutierrez.

Punumpuno ng mga sor­presa ang selebrasyong ‘yon.

May isang a-appear sa show na ikagugulat ng kambal.

May espesyal production numbers din ang cast ng Zaido, Kamandag at Marimar mamaya sa SOP.

Dondon Sermino

Abante Online


At sa Kamandag naman, ililigtas ni Alicia (Eula Valdez) si Lucero (Mark Anthony) sa pag-aakalang ito ang kanyang nawawalang anak na si Kamandag (Richard Gutierrez).

Maiisip ni Lucero na ipagpatuloy ang pagpapanggap bilang anak ni Alicia dahil magagamit niya ito laban sa kanyang tunay na anak.

Lalo raw na kaabang-abang ang episode ng Kamandag ngayong Lunes dahil dito unang matutunghayan ang paglabas ni Sunshine Dizon bilang Ragona, ang nilalang na bumubuga ng apoy.

Sikreto ni Richard, binuking ng mga girls!

Jun Nardo


Handsome Journey ang birthday TV special na ini­hahanda ng GMA 7 para sa Primetime King na si Richard Gutierrez.

Wala pa kaming detalye kung sinu-sino ang special guests ng aktor sa special niyang ito pero sa February 3 na ito mapapanood.

Basta ang nakuha naming detalye, kinukunan na ng VTR ang mga artistang naging bahagi sa buhay-showbiz ni Richard upang bumati.

Balita ko nga, mara­ming sikreto na ibinu­king ang mga girls kay Richard, ha! At `yun ang dapat nating abangan.

Tandang-tanda pa namin si Richard nang makasama ni Allan K at ng Sex Bomb Girls sa pelikulang Bakit Papa?

Mahiyain pa siya’t kapag shooting break, nasa loob lang siya ng kanyang van. Si Chynna Ortaleza pa ang kanyang ka-loveteam that time.

Pero heto’t, bankable TV and movie star na ngayon si Richard, huh! Bukod sa regular series na Kamandag, aba, siya pa rin ang pambato ng GMA Films sa Valentine movie nila ni Marian na My Best Friend’s Girlfriend!

Saturday, January 26, 2008

TV RATINGS

Here are the Top 10 daytime and primetime programs from January 22 to 24 based on the overnight ratings conducted by AGB Nielsen Philippines among Mega Manila households:



January 22 (Tuesday)

Primetime:

Marimar (GMA-7) - 37.5%
Kamandag (GMA-7) - 34.7%
24 Oras (GMA-7) - 33.3%
Zaido (GMA-7) - 32.3%
Patayin Sa Sindak Si Barbara (ABS-CBN) - 29.9%
Lastikman (ABS-CBN) - 29.5%
Coffee Prince (GMA-7) - 29%
TV Patrol World (ABS-CBN) - 25.2%
Maging Sino Ka Man (ABS-CBN) - 19.9%
Kung Ako Ikaw (GMA-7) - 16.8%


January 23 (Wednesday)


Primetime:

Marimar (GMA-7) - 36.6%
Kamandag (GMA-7) - 32.8%
Coffee Prince (GMA-7) - 31.7%
24 Oras (GMA-7) - 31.1%
Lastikman (ABS-CBN) - 28.8%
Patayin Sa Sindak Si Barbara (ABS-CBN) - 27%
Zaido (GMA-7) - 26.8%
TV Patrol World (ABS-CBN) - 23.8%
Maging Sino Ka Man (ABS-CBN) - 18.5%
Kung Ako Ikaw (GMA-7) - 16.9%


January 24 (Thursday)


Primetime:

Marimar (GMA-7) - 37%
Coffee Prince (GMA-7) - 34.4%
Kamandag (GMA-7) - 32.2%
Lastikman (ABS-CBN) - 30.4%
24 Oras (GMA-7) - 29.8%
Zaido (GMA-7) / Patayin Sa Sindak Si Barbara (ABS-CBN) - 27.8%
TV Patrol World (ABS-CBN) - 25.9%
Maging Sino Ka Man (ABS-CBN) - 18.8%
Magpakailanman (GMA-7) - 16.9%
Spring Waltz (ABS-CBN) - 10.5%


Source: AGB Nielsen Philippines

Friday, January 25, 2008

Jun Nardo
Abante Online

Samantala, bongga ang Kamandag ni Richard Gutierrez ngayong gabi, dahil kinuha na ni Talim si Lily (Maxene Magalona) sa bahay nito.
Guulat na gulat naman si Don Pepe nang malaman niya na may apo pala siya, si Lucero, kaya gusto niya itong makilala.
Nailigtas naman ni Kamandag si Lily nang i-hostage ito ni Talim. Galit na galit si Kamandag kay Talim. At simula na nga ang matinding laban ng dalawa.
Samantalang si Alicia naman ay maaalala na ang kanyang nakaraan.
Mapagkakamalan niyang anak si Talim.
Ganyan katindi ang labanan ngayon sa Kamandag.

Thursday, January 24, 2008

Richard, ‘binibenta’ ni Angel sa ABS-CBN?


NAGKITA at nagkausap sina Richard Gutierrez at Angel Locsin sa Cebu last week. Ang Pista ng Sto. Niño ang dahilan ng presence ng dating magkapareha sa GMA show and movies.


Wala naman daw isnabang naganap sa da­ting magkapareha ayon sa aming source, kahit na nga naghiwalay na sila ng network.


Ang hindi lang daw nagustuhan ng aming source, matapos yakapin ni Angel ang dati niyang executive producer sa GMA shows niya at sinabing miss na niya ang mga ito, may ibinulong ito kay Richard.


Naku, hayan na naman ‘yang mga bulung-bulong na ‘yan, ‘no!


“Binibenta kita sa kabila,” bulong daw ni Angel kay Richard. Nangiti lang daw ang aktor sa tinuran ng dating kapareha.


Of course, denial ang kasunod tiyak ng sinulat naming ito kapag nabasa ni Angel o ng kampo niya. Basta, galing ito sa aming source na nakasaksi at nakaalam sa ibinulong niya kay Richard, huh!


Tinanong din daw ni Tita Annabelle Rama si Angel kung bakit laging namu-move ang airing ng series nila ni Piolo Pascual sa Channel 2.


“Ewan ko ba sa kanila!” ‘yun lang daw ang naging tugon ni Angel.


Naku, we doubt kung lilipat si Richard sa Channel 2 kahit may tsikang binebenta siya sa network ni Angel.


Sobrang alaga ng GMA si Richard pati na ang series niyang Kamandag, ‘no! Todo-buhos nga ang plugging nito oras-oras pati na promotions nito sa mga diyaryo, huh!


Anyway, ngayong gabi sa Kamandag, masasaksihan ni Talim (Mark Anthony Fernandez) ang halikan nina Jenny (Jewel Mische) at Kamandag matapos mailigtas ng huli ang dalaga sa mortal niyang kalaban.


Dahil sa pangyayari, unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Jenny kay Kamandag. Samantala, nagalit si Haring Budog (Johnny Delgado) kay Agol.


Ilan lang ‘yan sa eksenang dapat abangan tonight sa Kamandag after Zaido sa Channel 7.

Wednesday, January 23, 2008

KC ipapalit ni Richard sa ex-GF

By: Chan-Chan Torres

EksenadoraSo, si KC Concepcion pala ang type ni Richard Gutierrez na taga-ABS-CBN at hindi si Jewel Mische na ipinapareha sa aktor ngayon. Nagkaroon kasi ng hulaan sa mga manonood kung sino ang bagong lipat sa Dos na tinutukoy ni Ruffa Gutierrez na crush daw ng kapatid niya.
Eh, hindi naman pwedeng sina Anne Curtis at Angel Locsin ang mga ito dahil alam ng lahat na past na sila ni Richard. Si Anne ay talagang naging kasintahan ni Richard for quite sometime rin at si Angel naman ay naging kapareha ng aktor sa iba’t ibang proyekto sa Siyete. Never silang naging magdyowa. Brillant guess! Si KC nga ang bagong lipat sa Dos. Na hindi kami nagtataka kung magustuhan siya ni Richard dahil pareho silang smart at beautiful ang karakter inside and out. Saka kung ating maaalala wala pa namang naging dyowa itong si Richard na kapareha niya, di ba? Take note, mestiza at inglesera ang type ni Richard at doon pa lang super pasok na pasok na ang qualities ni KC. Nakakikilig ang dalawang itetch, di ba? Ano naman kaya ang say ng madir niyang si Tita Anabelle Rama tungkol dito? Eh, si Megastar Sharon Cuneta kaya, maging boto kay Richard sakaling magkalakas ng loob na magsabi ang binata tungkol sa nararamdaman? Sana ay mag-bloom ang pagpapa-cute na ito na nagsimula sa crush chorva lang, di ba? It’s so refreshing at parang high school ang dating. Sa gitna ng maraming naghihiwalay at failed relationships, hindi masama magkaroon ng crush uli just like the old times. Feeling bagets.
Jun Lalin
Abante Tonite
January 23,2008


Napuno ng mga taga-showbiz ang Cebu City last weekend dahil sa Sinulog Festival. May mga artista ng ABS-CBN 2 at may mga taga-GMA 7 din.Kuwento sa akin ni Jimmy Aguilera (P.A. ni Annabelle Rama), aksidenteng nagkita sa isang bar doon sina Richard Gu­tierrez at KC Concepcion. Kinilig si Jimmy nang magbatian sina Richard at KC.
Nagtaka si Jimmy nang tanging si Michelle Madrigal lang ang hindi batiin ni Pauleen Luna sa grupo nila nang makita nila ang Eat Bulaga mainstay sa lobby ng Waterfront Hotel.
Deadma rin daw si Michelle kay Pauleen.Sa pagkakaalam ni Jimmy, parehong ex-girlfriend ni JC de Vera sina Michelle at Pauleen.
Next weekend ay ang Iloilo naman ang dadayuhin ng mga taga-showbiz.
~~~~~~~~~
Working birthday noong Lunes para kay Richard Gutier­rez dahil nag-taping siya ng Kamandag.
Hanggang before midnight lang ang taping ng Kamandag kaya nagdesisyon si Richard na magpa-party para sa cast and staff ng kanyang ‘ahaserye’.Ginanap ang biglaang party sa isang restaurant sa Quezon City. Pati ang ibang cast ng Kamandag na hindi kasama sa taping that day ay nagpunta sa big­laang party ni Richard.Ang kakambal ni Ri­chard na si Raymond ay nagkaroon ng birthday dinner kasama ang ilang kaibigan.
Sa Linggo, may birthday celebration sina Richard at Raymond sa SOP

Tuesday, January 22, 2008

Richard-Marian, nakakikilig ang tambalan
ni: Jun Lalin


It’s a working birthday yesterday for Ri­chard Gutierrez.6:00 AM pa lang ay umalis na siya ng kanyang condominium unit at nagpunta sa taping ng Kamandag.
Tinawagan ko si Ri­chard kahapon habang nasa set siya ng Kamandag at nasabi ng binata na kahit may taping siya kahapon ay okey lang daw sa kanya.Isa pa, Kamandag ang trabaho niya kahapon at ganadung-ganado siyang mag-ta­ping ng show na ‘yon dahil pawang magagandang feedback ang natatanggap niya mula sa mga taong sumusubaybay ng “ahaserye” niya sa GMA 7.
Syanga pala, kahit nali-link si Richard kina KC Concepcion at Je­wel Misch ay napakalakas din ng positive feedback sa team-up nila ni Marian Rivera sa pelikulang My Bestfriend’s Girlfriend (BFGF) ng GMA Films at Regal Entertainment.
Marami ang kinikilig sa tambalang Richard-Marian.Noong una ang akala ko ay hindi bagay sina Richard at Marian sa isa’t isa, pero kapag nakikita ko silang magkasama at panay ang biruan nila ay unti-unti kong nakita ang chemistry nila.
Nang mapanood ko ang full trailer ng BFGF ay kinilig din ako.At alam n’yo bang pati ang mga kaibigang sosyal ng kambal na Richard at Raymond ay nagsasabi rin na bagay na magkatambal sina Richard at Marian?Anyway, marami na ang excited na mapanood ang BFGF, na mag-isang local movie na ipalalabas sa Pebrero 13.
Sa Pebrero 10 naman ang premiere night ng BFGF sa SM Megamall.
JUN NARDO
ABANTE ONLINE
Tutukan ngayong gabi ang episode ng Kamandag ni Richard Gutierrez dahil hitik na naman ito sa aksyon at punumpuno ng madamdaming tagpo.
Alamin kung saan hahantong ang matinding galit ni Lucero (Mark Anthony Fernandez) kay Vergel lalo na nga’t nahuhulog na ang damdamin ni Jenny kay Kamandag.
Sa pagkakaligtas ni Reyna Alicia (Eula Valdez) sa kamay ni Reyna Kuran (Francine Prieto), magkita na kaya sila ng anak niyang si Vergel?

Ruffa, umaming sinaklolohan si Richard sa Embassy


MATAPOS sabihin ni Ruffa Gutierrez on-air sa The Buzz last Sunday na babaing lumilipad ang crush ngayon ng kapatid na si Richard Gutierrez sa Dos, tinanong namin siya kung sino ang tinutukoy niya.Binanggit namin ang mga pangalan nina Angel Locsin at KC Concepcion – isang dating “lumilipad” sa Siyete na nasa Dos na ngayon at isang “kalilipad” lang sa Araneta Coliseum, sa birthday concert ng inang si Sharon Cuneta.

Nagulat kami nang ibalik sa amin ni Ruffa ang tanong kung sino pa ba ang mga artistang babaing lumilipad.

Binawi nga lang ito ni Ruffa at sinabing hayaan na lang si Richard na magsalita.

Nabaling naman ang tsikahan namin sa napabalitang insidente sa Embassy involving Richard at mga kamag-anak daw ng ex-GF na si Georgina Wilson.

Ang kuwento ni Ruffa, “May nagsabi lang sa akin na puntahan ko si Richard sa Embassy kasi susuntukin ng isang grupo ng mga lalaki. I don’t know kung bakit kailangan nilang sundan si Richard doon para lang galitin at gawan ng hindi maganda.

“Bakit sila magagalit kung nakipag-break si Chard sa girlfriend niya? Hindi naman sila aatrasan ng kapatid ko dahil brown belter ’yun. Buti na lang at humingi ng paumanhin ang owner na nag-imbita sa amin,” dagdag pa ng actress-TV host.

Samantala, pinuntahan din namin ang twin brother ni Richard na si Raymond Gutierrez sa Showbiz Central para batiin ng happy birthday kahapon.

Inusisa na rin namin si Raymond tungkol sa sinasabing bagong crush ng utol niya sa Dos.

“Marami namang crush si Richard, eh,” panimula ng napiling host ng Pinoy Idol. “Sinasabi niyang crush niya sina Maja (Salvador) at KC. Pero, hayaan na lang natin na siya ang magsalita,” safe na turan pa ni Raymond.

Marian at Richard nag-motel



NAKITANG pumasok sa Victoria Court sa Roxas Blvd., branch sina Marian Rivera at Richard Gutierrez at matagal sila sa loob. Pero, walang dapat ikabahala ang kani-kanyang manager at hindi nag-check-in ang dalawa. Doon kinunan ang stag party scene ng My Bestfriend’s Wedding, kung saan lumabas sa cake si Grace (Marian) at first time silang nagtagpo ni Evo (Richard).

Sa eksena rin mapapanood ang “cake dance” ng actress.

Ang nasabing eksena ay isa sa mga highlight ng pelikulang showing sa February 13 at may premiere night sa Feb. 10.

Tapos na ang shooting at nasa post-production na ito. Sa sipag nga nina Marian at Richard, after the presscon, dumiretso sa dubbing ang dalaga at ang actor nama’y sa taping ng Kamandag.

Napansin pala ng press ang pagngiwi ni Richard sa inamin ni Marian na nakakatakot ma-in love sa kanya’t sobra siyang guwapo.

Saka, pareho silang busy para magkainlaban, pero habang sinasabi niya ’yun, nakapatong sa tuhod niya ang kanang kamay ng actor.

* * *

SA Showbiz Central last Sunday, formal na in-announce ang pagkapili kay Raymond Gutierrez na host ng Pinoy Idol.

Magandang birthday gift sa kanya ang bagong trabaho. Magaling si Raymond at keri niyang mag-host ng PI, pero ang request ng Kapuso viewers, makihalubilo siya sa masa at alisin na ang kanyang sosi image.

Maraming interviews ang ipinalabas ng SC at isa sa tumatak sa amin ay ang ibinalita ni Rolly Concepcion na uuwi next month sina Gabby at ang asawa niya with their baby girl.

Dito raw gustong pabinyagan ng dalawa si Samantha Alexis at para gawin na ang movie sa GMA Films.

Akala ba namin, hindi puwedeng bumalik ng ’Pinas ang actor?

May feature rin sa wedding nina Mabelyn dela Cruz at Michael Fernandez at may exclusive interview kay Nicole Anderson. Ipinagtanggol nito si Bianca King at itinangging boyfriend niya si Jeremy Marquez.

Nagpakatotoo naman si Isabel Oli nang amining natuwa siya nang palitan ni Nadine Samonte si Jennylyn Mercado sa Maging Akin Ka Lamang. Mas close raw siya sa una kesa sa huli at mas nakakausap niya ito.

Ang hindi lang namin gusto ay ang pagdi-deny nila ni Polo Ravales sa paninita ng boyfriend niyang si Paolo Contis sa actor.

’Kaloka ha, may “connivance!”

Richard hina-harass ng ex-GF


Eksenadora

Ilang araw na ring pinag-uusapan ang tungkol sa umano’y bugbugan isyu kung saan sangkot si Richard Gutierrez.

Nu’ng Linggo sa The Buzz, nagbigay ng paha-yag si Ruffa Gutierrez at bilang depensa sa nakababatang kapatid, sinabi ni Ruffa na walang bugbugang naganap.

Ang mga larawang kumakalat ngayon at nasa pahayagan ay kuha raw sa fight scenes ni Richard sa fantaserye nito na Kamandag sa GMA-7.

Eh, bakit nga ba may isyung hinarass daw si Richard at may binugbog ang kapatid?

Say ni Ruffa, nangyari daw ito sa isang exclusive party ng kaibigan nilang si Tim Yap, nagkayayaan sila sa Embassy (isang bar na naisa rin sa may ari si Tim).

Bago sila nagpunta roon, sinabi na ni Ruffa na gusto na raw niyang umuwi at hindi na lang sila sasama ni Richard. Naisip ni Ruffa na baka may ibang outsider na manggulo sa party.

Sinigurado naman umano ni Tim kay Ruffa na walang ganitong kaganapan na mangyayari. They were having fun daw sa loob ng nasabing bar at biglang sinabihan na lamang sila na may mga taong nangha-harass kay Richard sa labas. Siyempre, natakot din si Ruffa para sa kapatid.

In fact, pinapasok pa raw sila sa isang kuwarto by themselves para mapalayo sa gulo.

Habang nagbibigay ng pahayag si Ruffa, binasa rin niya ang statement ng kaibigang si Tim thru text na nagsasabing hindi kinukunsinti ng management ng Embassy ang nangyaring insidente kay Richard at mananagot ang kung sino mang may gawa nito sa aktor.

Sa mga binitiwang salita ni Ruffa, mukhang may kinalaman pa ang ex-girlfriend ni Richard sa nangyari, huh? Apparently, hanggang ngayon ay hina-harass nito ang aktor.

Ganoon?

Mariing sinabi ni Ruffa na tantanan na ang ka-patid niya dahil he has moved on at may bago itong crush na taga-ABS CBN. Sino kaya?

BFGF perfect date movie on Valentine’s Day


TAPOS na ang paghihintay.

Sa wakas, nabigyang linaw na rin kung sino nga ang secret leading lady ng ultimate Valentine movie date na si Richard Gutierrez.

Maaari nang itigil ang hulaan at pagprisinta ng marami sapagkat pinasabog na ng GMA Films at Regal Films ang tunay at natatanging leading lady ni Richard para sa darating niyang Valentine movie. Siya nga ay walang iba kundi si Marian Rivera!

Noong Linggo sa SOP, nasaksihan na ang paglabas sa cake ng magandang dalaga. Matagal na ring isang palaisipan ang misteryosang leading lady ni Richard at sa wakas, matitigil na ang mga haka-haka.

Sa rebelasyong ito, marami ang nagalak at na-excite. Kilala si Richard bilang hari ng mga Valentine movies dahil sa rami ng blockbuster films na kanyang pinagbidahan.

Siya ang dream date ng mga kababaihan sa Valentine’s Day at tiyak ang pelikula niyang My Bestfriend’s Girlfriend o BFGF naman ang dream movie ng mo-viegoers sa Araw ng mga Puso.

Naging phenomenal ang pag-angat ni Marian Rivera sa larangan ng show business. Nagni-ningning siya nga-yon bi-lang Ma-rimar ga-bi-gabi. Halos lahat na ng mga ma-nonood ay nabighani at napa-ibig na ng dalaga. Huli si-yang na-panood sa mga peli-kulang Bahay Kubo at Desperadas na parehong MMFF ‘07 entries. Ito ang unang big break ni Marian sa pe-likula kung saan lead role na ang kanyang ginagampanan.

Si Richard naman ay namamayagpag bilang Kamandag sa primetime. Bata man o matanda, iniidolo ang guwapong artista sa kanyang pagiging superhe-ro sa telebisyon.

Parehong consistent sa pagiging top-rating ang mga programa nina Marian at Richard kung kaya’t kaabang-abang ang unang pagsasama nila sa romantic comedy film na BFGF.

Magkahiwalay silang napapanood sa telebisyon ngunit ngayon, magsasama at mapapanood na sina Kamandag at Marimar sa pelikula. Tunay ngang unbeatable ang tandem ng dalawang young stars.

Maganda ang chemistry ng dalawa on and off screen. Iisipin mo ngang matagal nang magkakilala’t magkaibigan sina Marian at Richard. At sa rami ng kilig scenes nila, mistulang matagal na ring mag-karelasyon ang young superstars.

Ang BFGF ay kuwento nina Evo (Richrd) at Grace (Marian), dalawang nilalang na bubulagain ng pag-ibig. Hindi man nila ito hinahanap o ninanais, dara-ting sa kanila ang inaasam-asam ng marami: true love.

Ang pelikula ay isa na namang obra mula sa GMA Films, ang producer na naghandog ng blockbuster movies na Let the Love Begin at Regal co-produced films I Will Always Love You and The Promise. Ang BFGF ay produkto ng dalawa sa pinagkaka-tiwalaang movie producers sa bansa at inaasahang isa na namang nakaka-in love at nakakikilig na love story ang handog nila para sa mga manonood.

Sure ang GMA at Regal Films na ang BFGF ang perfect date movie sa darating na Valentine’s Day.

Monday, January 21, 2008

Richard Gutierrez teams up with Marian Rivera in Valentine movie


Richard Gutierrez teams up with Marian Rivera in Valentine movie


Sa unang pagtatambal nina Richard Gutierrez at Marian Rivera sa pelikula via GMA Films and Regal Entertainment's Valentine offering, ang My Best Friend's Girlfriend (BFGF), hindi maiwasang ikumpara ang tambalan ng dalawa sa tambalan noon nina Richard at Angel Locsin.

Matatandaang for three consecutive years, palaging may pelikula ang tambalan nina Richard at Angel tuwing Valentine. Nagsimula ito sa Let the Love Begin noong 2005, na sinundan ng I Will Always Love You noong 2006 at The Promise last year.

But this year, dahil nasa bakuran na ng ABS-CBN si Angel, si Marian ang napili ng GMA Films at Regal na itambal kay Richard sa Valentine offering nila, ang BFGF.

Directed by Mark Reyes, ang romantic comedy film na ito ay nagkaroon ng presscon noong January 16 sa 17th floor ng GMA Network. Tinanong ng press si Richard kung ano ang pakiramdam niya na iba na ang kapareha niya sa kanyang fourth consecutive Valentine movie.

Sagot ni Richard, "For the past three years, I've been doing a Valentine movie with the same partner. So now, it's a new start, refreshing start for GMA Films this coming Valentine's. I'm very excited about this movie.

"It's refreshing for me to have a new partner and si Marian pa ang naka-partner ko. Nagkasundo kami kaagad ni Marian simula pa lang nung shooting. Ngayon, I consider her as a good friend of mine. Iba yung pelikula talaga namin, iba yung chemistry namin ni Marian. Maganda yung rapport namin onscreen," pahayag ng young actor.

Para naman kay Marian, hindi naging mahirap ang pakikipagtrabaho niya kay Richard sa unang pagkakataon.

"Si Richard kasi, bago pa kasi ako mag-Marimar, pinapansin na niya ako," kuwento ni Marian. "So, hindi siya suplado sa akin. ‘Tapos habang nagtatagal na yung shooting namin, sobrang maalalahanin niya. Yung tipong, ‘Kumain ka na ba? Ano'ng gusto mong kainin?' Hangga't hindi ka niya nakikita na okay ka, na busog ka, hindi ka niya talaga tatantanan."

Sagot naman ni Richard: "Hindi ko in-expect kay Marian na sobrang saya pala niyang kasama sa set. Enjoy kaming dalawa ‘pag nagtatrabaho kami. Ang taas ng energy level niya kahit talagang puyat na puyat na kami. Talagang kumukuha ako ng energy sa kanya kasi ang taas ng energy. Ang sarap niyang katrabaho."

Nagbigay rin ng kanyang opinyon ang co-producer ng BFGF na si Mother Lily Monteverde tungkol sa tambalang Richard-Marian. Aniya, "I think this is the best team. The way I see it, it's better than Richard and Angel team... I have seen the two of them [Richard and Marian], magkamukha sila. Isang guwapo, isang guwapa."

Nang hingan naman ng reaksiyon si Richard tungkol sa sinabi ni Mother Lily ay hindi nakasagot agad ang young actor. Pero nang mahimasmasan na, sabi niya, "It's new, so it's refreshing... Iba, iba... Yung acting range niya [Marian], from comedy to drama talagang magaling siya."

Pagkatapos marinig ang papuri ng kanyang leading man, nagpasalamat naman si Marian kay Richard.

Dagdag ng young actress, "Sa bawat trabahong ginagawa ko, lahat binibigyan ko ng atensiyon at lahat ginagawa ko para mapaganda siya. Hindi lang yung basta umarte ako, aarte ako. Lagi kong sinasabi, lagi kong pinagbubuti lahat ng trabahong ibinibigay sa akin."

Dahil sa pagtatambal nila sa pelikula, posible kayang mapanood din sina Richard at Marian sa isang TV show?

"Bakit naman hindi, di ba?" sagot ni Richard. "Siyempre, gusto. Pero, personally, I want to take one step at a time. Siyempre, focus muna sa pelikula ngayon at may mga shows pa kaming umeere sa TV. So, focus muna sa movie. In the future, why not? I would love to work with Marian."

Malakas ang ugong ng balita na sina Richard at Marian ang magbibida sa pagbabalik ng mga Pinoy superhero roles na Captain Barbell at Darna sa proyekto ng GMA-7 na may titulong Captain Barbell Meets Darna. Pero ayaw munang magsalita ng dalawa, o maging ang executives ng GMA-7, tungkol dito.

RICHARD, MARIAN ALL-OUT IN THEIR LOVE SCENES

Bong de Leon
Journal Online
January 21, 2008

IS it imperative for a Valentine movie to have an intense love story the way film director Mark Reyes wants it to be? So in GMA Films-Regal Entertainment’s joint offering, “My Girlfriend’s Best Friend,” starring today’s hottest personalities, Richard Gutierrez and Marian Rivera, the two lead stars agreed to do an all-out, intensity-filled love story.

Richard’s mother, Annabelle Rama, finds Marian a perfect leading lady for his son. Marian, for her part, finds Richard as a thoughtful, perfect gentleman, very handsome and caring. Even if Richard has Jewel Mische as his rumor ka-MU (mutual understanding), there’s still the big possibility that Chard and Marian who are both free could fall in love with each other.

According to Regal matriarch Mother Lily Monteverde, this is the best Valentine movie they ever did. It has more ‘kilig’ moments, very romantic and has a tandem composed of two big stars of today. “My Bestfriend’s Girlfriend (BFGF)” isn’t an ordinary love story for the young and adults alike.

Marian admits that she has had three ex-boyfriends already, excluding Mark Herras. She clarifies that she and Mark were never on, although at one point, they were in the MU process already. Something happened along the way, and he dropped his chances.
Allan Diones
Abante Tonite
January 21, 2008

Working day ang 24th birthday ngayong araw na ito (Enero 21) ni Ri­chard Gutierrez.
Ayon sa madir niyang si Tita Annabelle Rama ay may taping ng Kamandag si Richard ngayong araw na ito kaya walang party ang binata.
Kahapon ay may birthday celebration dapat si Chard sa SOP, kaya lang ay nasa Cebu siya para sa Grand Kapuso Fans’ Day roon.
Ang kakambal niyang si Raymond ay nag-celebrate sa Showbiz Central.
Mukhang naibigay na ni Richard ang birthday gift niya sa sarili niya dahil nakuha na niya ang multi-million-peso Porsche Cayenne SUV na matagal na niyang gustong magkaroon.
Loveless pa rin daw si Chard at 24. Dayalog niya, “I’m very busy right now, I can’t afford to have a girlfriend!”
Parang post-birthday treat na rin niya sa fans ang Valentine movie nila ni Marian Rivera na My Best Friend’s Girlfriend o BFGF na ipalalabas sa Pebrero 13.
***
Bukod sa Gutierrez twins na sina Richard & Raymond, birthday din today ng friends naming sina Ate Ian Fariñas (ng People’s Tonight) at Tolites Reyes (aka Shalala ng Walang Tulugan with the Master Showman).
Happy, happy birth­day!!!
JUN LALIN
Abante Tonite
January 21, 2008

Noong Huwebes ay isinulat ko na nainterbyu ni Ruffa Gutierrez para sa The Buzz si Cesar Montano.
Masaya si Ruffa dahil ‘bumigay’ si Cesar sa interbyung ‘yon at sinagot niya ang tungkol sa mga intriga sa kanila ng misis niyang si Sunshine Cruz.
Totoo bang kaya hindi pa naipapalabas ang interbyung ‘yon ay dahil nag-request si Cesar na ma-preview niya ‘yon?
Inusisa ko ang mga taga-The Buzz tungkol doon at inamin nilang gustong ma-preview ni Cesar ang interbyung ‘yon.
Bakit kaya? May mga nasabi kaya si Cesar sa interbyung ‘yon na sa tingin niya ay hindi niya dapat sabihin?
Kung ako ang tatanu­ngin ni Cesar, mas magandang maipalabas ang interbyung ‘yon sa kanya dahil maganda ang mga sinabi niya roon.
Mas magandang maipa­labas ‘yon para maging malinaw na ang mga isyu sa kanila ng misis niya.
***
Kahapon sa The Buzz ay ipinahayag ni Ruffa na may isang taga-ABS-CBN 2 na crush ng kapatid niyang si Richard Gutierrez.
Ang clue ni Ruffa, ‘lumilipad’ ang crush ng kanyang kapatid.
Hindi ba ‘lumipad’ si KC Concepcion noong birthday celebration ng inang si Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum?
Si KC ba ang tinutukoy ni Ruffa?
Anyway, ipinagtanggol ni Ruffa si Richard sa isyung nagkaroon ng gulo ang kanyang kapatid sa The Embassy bar.
Ayon kay Ruffa, hindi nagsisimula ng gulo ang kanyang kapatid. Madalas daw na prino-provoke ng ibang mga tao si Ri­chard.
Lalaki ang kanyang kapatid, kaya natural lang na ipagtanggol nito ang sarili.
***
In-announce na kahapon sa Showbiz Central na si Raymond Gutierrez ang napili ng GMA 7 management para mag-host ng Pinoy Idol, ang Philippine franchise ng American Idol.
Mula Miyerkules hanggang Sabado ay nasa Cagayan de Oro si Raymond para sa auditions ng Pinoy Idol.
Noong una ay ayaw pang ipaalam ng mga taga-Siyete na si Raymond na nga ang Philip­pine counterpart ni Rya­n Seacrest, pero dahil birth­day celebration kahapon sa Showbiz Central, nag-decide sila na i-announce na ang tungkol doon.
Ayon kay Raymond, he’s proud and happy na sa kanya napunta ang pagho-host ng Pinoy Idol.
Aware kasi si Raymond na maraming may gustong mag-host ng show na ‘yon, pero siya ang napili ng big bosses ng Siyete para mag-host ng nabanggit na show.
Siyanga pala, happy birthday today kina Raymond at Richard!