GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Wednesday, February 20, 2008

Richard maraming karibal kay KC


Whatever

Nagbigay ng victory party ang GMA Films last Sunday sa Imperial Palace para sa success ng pelikulang My Bestfriend’s Girlfriend na kumita ng P50M sa unang apat na araw palang nito.

Maagang dumating si Richard Gutierrez kasama sina Tita Annabelle Rama at Tito Eddie Gutierrez. Bandang 6p.m. ay nag-start na ang mass at pagkatapos noon ay sinimulan na ang party.

Dumating si Marian Rivera nang 8:30p.m. kung saan halos lahat ng press ay nakauwi na.

Dinatnan na lang niya sina Mother Lily, Ms. Annette Gozon ng GMA Films at ‘yung ibang cast ng movie tulad nina JC De Vera, Paolo Paraiso, JC Cuadrado, Alex Castro, Chariz Solomon at si Richard.

Kung bakit naman kasi lagi na lang late dumating si Marian sa mga presscons. Mukhang siya na nga ang hottest star ngayon ng GMA kasi sa sobrang pagkabusy niya ay hindi na niya magawan na dumating on time sa mga okasyon na tulad nito.

* * *

Sa victory party ng My Bestfriend’s Girlfriend ay pinutakti si Richard ng mga tanong ng press tungkol kay KC Concepcion.

Inamin ni Richard na pinanood niya ang labas ni KC last Friday sa Maalaala Mo Kaya and for a beginner raw ay na-impress siya sa galing na ipinakita ni KC sa pag-arte. Tinext nga raw niya si KC para i-congratulate ito pagkatapos niyang panoorin ang MMK.

Sa pangungulit din ng press ay inamin din ni Richard na nagbigay siya ng gift kay KC noong nakaraang Valentine’s Day.

Pero ayaw naman niyang sabihin kung ano ‘yun. Basta nagustuhan daw nang husto ni KC ‘yung regalo niya.

Ayaw rin niyang tukuyin kung pumunta ba siya sa bahay nina KC para ibigay niya nang personal ang kanyang Valentine’s gift dito.

Ayaw niyang sa kanya manggagaling ang mga detalye. Hahayaan na lang daw niya na si KC na lang ang magkuwento kung maiinterbyu ito ng press. Naku, umiral na naman ang pagka-gentleman ni Richard!

Hindi naman daw kaya magselos si Jewel Mische dahil niregaluhan niya si KC last Valentine’s Day? “Walang dapat pagselosan si Jewel!”nakangiting tugon ni Richard.
TV RATINGS
(ABU TILAMZIK)

Narito ang Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 noong LUNES (Pebrero 18):

GMA Flash Report 13.2% vs. Boy and Kris 7% at News Patrol 7.7%;

SiS 12.7% vs. Game Ka Na Ba 10.7%;

Eat Bulaga 21.7% vs. Wowowee 14.4%;

Daisy Siyete 17.9% at Maging Akin Ka Lamang 15.9% vs. Prinsesa ng Banyera 10.4%;

My Only Love 15.1% vs. Pinoy Movie Hits 8.5%;

Soon Ae 11.9% at Hana Yori Dango 12.2% vs. Wheel of Fortune 15.8%;

24 Oras 33.3% vs. TV Patrol World 23.6%;

Joaquin Bordado 37.4% vs. Kung Fu Kids 23.9%;

Kamandag 37% vs. Lobo 24%;

Marimar 42.7% vs. Palos 18.6% at Maging Sino Ka Man 13%;

Coffee Prince 31.2% vs. Marrying a Millionaire 9.8%;

Kung Ako Ikaw 14.6% vs. Bandila 6%.

JUN NARDO
Abante Online
February 20, 2008


Panoorin ang Kamandag ngayong gabi dahil mahuhulog na ang loob ni Vergel (Richard Gutierrez) kay Lily (Ma­xene Magalona) lalo na at pinalayas na ito sa bahay ng ina.


Isinama ni Vergel si Lily pati na si Boyong sa bahay upang ipakilala sa inang si Alicia (Eula Valdez) at Lolo na si Don Pepe (Ronaldo Valdez).


Habang kasama si Vergel sa bahay, matutuklasan naman ni Bo­yong ang transformation ni Vergel bilang si Kamandag.

Transcript excerpts of the live chat with Richard Gutierrez last February 10, 2008


Article posted February 15, 2008

Is there a possibility of him falling in love with Marian Rivera? What's his favorite dish? Richard Gutierrez spills all during the iGMA Live Chat for My Bestfriend's Girlfriend (BFGF)!

felfaye: hi poh..mr. richard im felfaye..is there a possibility of having marian as ur 1..in the future???? not in the near future..Im a fan of urs...tlga..
richardgutierrez: ofcourse..but timing is evrything...marian is sweet and its not hard to fall in love wth her

ktl32:hi mr. gutierrez! i just want to say that i really enjoy watching your show on GMA... i just wish the episodes would be more current here in california!
richardgutierrez: hi ..thank u for your support thru pinoy tv..try to catch our movie ni marian

tOinkz_wnx: heyy chard! im twnkle from dumaguete. is there a chance that you can come here? =) lol
richardgutierrez: hi twinkle..i heard so many nice things about dumaguete..i have friends there..the teveses..maganda daw ang beaches jan..watch ka ng movie namin

ktl32: i can't wait to see your new movie with miss marimar. what can your fans look forward to seeing in this movie?
richardgutierrez: a diffrent marian and richard...you will enjoy our movie at the same time fall inlove

stars

rileystarstruck: hi chard! im ur fan frm vegas.. i knw ur cuzin isabella gutierrez frm cali neybor q xa b4 sa pque & skulm8 sa colegio san agustin.. sna mkta kta n person so
richardgutierrez: hi...im going to las vegas for mannys fight..hope to see u there.

cristel_telay: hi richard...ask ko lang if there's any possibility n mging kau ni marian?:)
richardgutierrez: hindi mahirap na mainlove kay yanyan dahil mabait sya at very sweet...pero ngayon we are working hard and taking our time

izzie: paano po maging member ng green peace??
richardgutierrez: hi there..im glad that u are intrested..go to there website and u can also join there activities ...

pjsheryll: ano po favorite food mo?
richardgutierrez: sinigang...;)

grace05: kuya richard, sana nman po dumalaw kau d2 sa cotabato city pouh, lahat kmi d2 kapuso!!!
richardgutierrez: salamat...punta ako jan soon...

***

Richard and Marian didn't just chat -- they played a game, too!

Chika o Chiquita? Chard and Yan-yan asked each other personal questions; if they chose not to answer, they had to dance the “Chichiquita” from Marian’s Dance Album!

M: Sa mga naging ka-partner mo, sino yung pinakagusto mong halikan?
R: Okay kaya yung sa atin, di ba, take eight? Sa’yo lang ako kinabahan!

R: Ano yung una mong tinitingnan physically sa isang lalaki?
M: Mata. Kasi sa mata mo makikita yung pagkatao.

M: Ano pinakagusto mo sa akin?
R: Ito masasabi ko, si Yan-yan, iba sa lahat ng mga babaeng nakatrabaho ko. Iba siya maglambing – sweet siya, pero at the same time, talagang totoo yung pagkatao niya. At saka yung work ethics niya – very professional.

R: Ano pinakagusto mo sa akin?
M: Pinakagusto ko sa’yo, consistent ka sa ginagawa mo sa akin. Sa pagiging malambing mo, pagiging totoo mo. Hindi yung ginagawa lang dahil kailangan. Ginagawa mo dahil gusto mo.

M: Sa tingin mo ba may chance na ligawan mo ako?
R: Kung pwede, bakit hindi? Hindi mo ba napansin, nililigawan na kita?
M: Pansin ko nga, e!

R: Kung liligawan kita, may chance ba ako sa’yo?
M: Mayroon! Hahaha! Nakakahiya!

For more kilig moments and fun pics, click HERE!


Tuesday, February 19, 2008

Is a Richard Gutierrez-KC Concepcion movie possible?

Dinno Erece


Is a Richard Gutierrez-KC Concepcion movie possible?

Is there a possibility of a Richard Gutierrez-KC Concepcion movie?

Second to the last presscon pa lang noon ng My Best Friend's Girlfriend (BFGF) ng Regal Entertainment at and GMA Films, nababalita na ang gumagandang pagtitinginan ng hari ng primetime ng GMA-7 na si Richard at ang pinakabagong prinsesa ng ABS-CBN na si KC.

During the said presscon pa lang, may nakapag-isip na ng isang far-fetched idea na ano kaya kung pagsamahin ang dalawa sa pelikula.

Improbable man ang idea na mapagsama sila sa isang pelikula, mas imposible naman kasi kung sa TV sila magkasama. Richard is an exclusive of both GMA Network and GMA Films, samantalang ganito rin si KC for ABS-CBN and Star Cinema naman.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang matinding network war na namamagitan sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7.

However, a GMA Films top brass seems to be toying with the idea.

Sabi nito, they could consider this and try to propose a co-production with Star Cinema mapagsama lang sina Richard at KC. The ball will be on Star Cinema's side kung tanggapin ito.

Isang Star Cinema executive naman ang tinanong namin thru text about this proposal.

While the executive did not say outright na imposible itong mangyari, puwede niya raw itong itanong sa Star Cinema president na si Ms. Malou Santos.

Kung sakaling matuloy ang pagsasama nina Richard at KC sa pelikula, posibleng ito na rin ang magsara sa hidwaang namamagitan sa dalawang pinakamalaking TV stations ng bansa.