GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, June 5, 2008

Chynna Ortaleza looks forward to working with new Kapuso Heart Evangelista

Rose Garcia
Thursday, June 5, 2008
03:55 PM



Bago ang look ng young actress na si Chynna Ortaleza nang makita siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last June 3. Very short ang hair nito, pero halos lahat naman ng nakakita kay Chynna ay nagsasabing bumagay sa kanya ang bago niyang look.



"Ano kasi, in preparation nga sa bago kong role for Codename: Asero. Wala lang. Di ba, alam n'yo naman ako, pati pagta-tackle ko ng role, maging physical looks inaaral ko? Yung sa akin, para naman siyempre hindi magsawa ang mga tao," paliwanag ni Chynna.



Supposedly ay kahapon, June 4, raw sana ang first taping day niya for Asero. Pero na-postpone ito dahil sa may revision pa sa script. Pero aniya, kahit paano raw ay may idea na siya sa magiging role niya.



"Ang description kasi nila sa role ko, kontrabida ni Heart Evangelista at ex-girlfriend ni Richard [Gutierrez], and my character name is Fran," saad niya.



Hindi pa raw sila talaga magkakilala ni Heart on a personal level. At the same time, first time daw niya na makakatrabaho ang dating Kapamilya star kaya hindi pa niya masabi what to expect.



"I don't know pa nga, e," sabi ni Chynna. "I don't know pa what to expect. I haven't really met Heart. We see each other, pero siyempre, in passing lang. Alam mo yung usual na hindi mo pa masyadong kilala? So siyempre, hindi mo pa masyadong gamay. So, hindi ko pa alam kung may instant chemistry kaya.



"A lot of people naman have been saying she's nice and pleasant to work with. E, di good. At least, magiging palagay naman ako with the working relationship."



CHARACTER ROLES. Puwedeng sabihin talaga na nalinya na siya sa mga character roles. Halos lahat kasi ng mga primetime series na ginawa niya ay masasabing kontrabida or bida-kontrabida siya—from Sugo to Atlantika to La Vendetta. At ngayon nga, itong Codename: Asero.



"Actually, hindi nga ako super black except for Atlantika. Yung iba, gray ang character ko."



So, okey lang sa kanya na sa ganito siya nalilinya?



"Oo!" mabilis niyang sagot. "Ewan ko nga ba kung bakit. Actually, sinabi ko talaga ‘yan sa Artist Center, lalo na noong puro pa-tweetums ang mga naibibigay sa aking character, sinabi ko talaga na ayoko na. Para kasi sa akin, mas masarap gampanan ang mga character roles, mas masarap paglaruan at mas challenging."



FROM LEADING LADY TO VILLAIN. Bago siya nagkaroon ng mga character roles, maaalala nating naging leaeding lady si Chynna ni Richard Gutierrez sa Click at ilang pelikula.




Sa muling pagsasama nila ni Richard, okay lang ba kay Chynna na kontrabida siya sa leading lady nito na si Heart?



Sa puntong ito, maagap kaming kinontra ni Chynna at sinabing hindi ito dapat nila-lang-lang. Aniya, "Hindi mo maila-lang ang kontrabida. Para sa akin, ang kontrabida ay halos kasing bigat din ng bida."



Katuwiran pa niya, "Of course, ang bida, nandoon ang simpatiya ng manonood. Mahal siya ng masa, siyempre underdog, e. Pero ang kuwento, hindi uusad kung walang masama, di ba?"



Aminado si Chynna na compared sa ibang mga batang artista, iba siya kung mag-isip.



"Iba talaga, e. Before, nang pinag-audition nila ko for Darna, tinanong ako kung gusto ko raw bang maging Darna. Ang sabi ko, ayoko. Ang gusto ko, maging si Valentina. Well, maybe because ang personality ko ay strong talaga. Hindi naman masama ang ugali ko, pero yun nga, I just find challenge sa mga ganoong klase ng character," lahad niya.



Wala ba siyang nararamdamang panghihinayang na maagang nagwakas ang love team nila ni Richard, na ngayon ay itinuturing na top male star ng Kapuso network? Aniya, mas okay raw sa kanya na hindi na.



"Kumbaga, kami ni Chard kasi, we already showed people yung love team namin before. We have moved on na. And I have to grow rin naman. Feeling ko, ang dami na rin naman niyang naging leading lady, so bakit pa ko makikisiksik? Kung puwede nga lang bigyan ako ng project na ako ang kontrabida ni Chard, it's unexpected. It's something different."



Sa kanya, trabaho lang daw ang lahat.



"Hindi ako magko-complain sa trabaho. Ang hirap-hirap kayang kumita ng pera. Ang dami naming artista. Yung iba, waiting for a long time na magkaroon ng work. ‘Tapos ako, aayawan ko pa ba ang grasya? Parang ang pangit naman yata no'n?" natatawa niyang sabi.



"At saka, ngayon kasi, mas inspired akong mag-work kasi may pamangkin ako na sa amin na nakatira at nag-aaral. So yung work ko ngayon for Asero, it will definitely help my niece kaya naman very thankful akong talaga," pagwawakas niya.


Chynna Ortaleza plays villain to former screen partner Richard Gutierrez in "Asero"

Ruel Mendoza
Thursday, June 5, 2008
08:43 AM




Sporting a new look ang young actress na si Chynna Ortaleza nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa opening ng POP! Nostalgia photo exhibit sa Crucible Gallery ng SM Megamall last June 3.



Bumagay kay Chynna ang short hair niya, na babagay daw sa kontrabida role niya sa bagong teleserye ng GMA-7, ang Codename: Asero na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.



Ito raw ang pagkakataon na makatrabaho ulit ni Chynna si Richard after ng huling pinagsamahan nila na Sugo. Pero this time ay hindi na siya isa sa mga leading ladies kundi, isa siya sa mga magiging kalaban ni Richard sa naturang serye.



Wala naman daw problema si Chynna sa ibinigay na role sa kanya ng Asero. Natuwa pa nga siya dahil binigyan siya ng isang complex na character na puwede niyang laru-laruin once na magsimula sila mag-taping.



"When they told me na isang villainess role ang gagampanan ko sa Codename: Asero, I said okay lang. At least, naiiba naman. This is only my second time na gumanap na kontrabida. The first time was in Atlantika.



"Marami na kasing leading ladies si Chard sa story, e. Tatlo [Heart Evangelista, Rhian Ramos, and Ehra Madrigal] na yata sila ka-partner niya. Hindi na ako makikihati pa, di ba?" sabay tawa ni Chynna.



"That's why I got this new look para maiba naman ang hitsura ko sa mga babae sa show. Halos lahat sila kasi mahahaba ang mga buhok. As a kontrabida, gusto ko naman na may iba akong look para kahit papa'no ay mag-standout naman ako sa mga magiging scenes ko."



FIRST PARTNER. Si Chynna ang unang naka-love team ni Richard nang magbalik ito as a teen actor. Sa youth-oriented series na Click sumikat ang tambalang Richard-Chynna at nakagawa pa sila ng ilang movies together gaya ng Bakit Papa?, Mano Po 2, at Kuya. Nagbida pa ang team-up nila sa second season ng Love To Love at napasama pa sila sa soap drama na Habang Kapiling Ka.



Nang magbida si Richard sa mga telefantasya na Mulawin, Sugo, Captain Barbell, Lupin, at Kamandag ay sa iba't ibang young actresses na siya nai-partner tulad nila Angel Locsin, Rhian Ramos, Camille Prats, Isabel Oli, Katrina Halili, Ehra Madrigal, Jewel Mische, at Maxene Magalona.



Although matagal silang hindi nagkatrabaho, hindi naman daw gaano nami-miss ni Chynna si Richard.



"Marami nga nagtanong sa akin niyan, and I always say na hindi ko naman nami-miss si Chard, kasi parati rin naman kaming nagkikita. Like tuwing Sunday noong nasa SOP pa siya, nagkakakuwentuhan kami. Kaibigan ko ang kambal niyang si Raymond [Gutierrez] kaya I get to see Chard sa mga pinupuntahan namin.



"Siguro ang nakaka-miss lang is yung makasama siya sa isang eksena. I want to see for myself how much he has improved as an actor na. Tulad ngayon sa Asero, kontrabida niya ako, gusto kong ma-feel ang intensity ng mga eksena namin. Nararamdaman ko lang siguro ‘yan kapag nakapagsimula na kaming mag-taping together," pagtatapos ni Chynna.

Saturday, May 31, 2008

KC, kinabahan sa syuting nila ni Richard!

Abante
(RUEL MENDOZA)


NAGSIMULA nang mag-shooting si KC Concepcion last Wednesday para sa debut movie niya sa Star Cinema, na kung saan ay kapareha niya si Richard Gutierrez.


Excited and at the same time ay kinabahan si KC sa pagsalang sa movie cameras. Si Joyce Bernal ang direktor ng first film ng panganay ni Sharon Cuneta.


Siyempre pa, todo naman ang encouragement na ibinigay ng mother niyang si Sharon Cuneta, huh! Kumbaga, mother knows best at aware naman si KC sa karanasan ng mother niya sa paggawa ng pelikula.


Eh, after watching Caregiver ng madir niya, lalo pang na-inspired si KC sa paggawa ng movie na makabuluhan ang tema.
Sa pelikulang ito, nakatakdang mag-shoot sina KC at Richard sa Greece, ayon kay direk Joyce. Ten days silang magsu-shoot doon kaya pansamantala muna siyang hindi magdidirek ng number one fantaserye na Dyesebel. (JUN NARDO)

Friday, May 30, 2008

Richard, nagpadala ng cupcakes kay KC

Jun Lalin


NOONG Miyerkules ay late afternoon ang calltime ni Richard Gutierrez para sa taping ng Codename: Asero.

Tumawag siya sa akin kung pwedeng dumalaw muna siya sa shooting ni KC Concepcion.

Noong araw na iyon ang first shooting day ni KC at hindi muna kasama roon si Richard.

Sa Tagaytay ang alam kong location ni KC that day, pero hindi pala natuloy ‘yon. Sa may Ortigas Center at Aurora Blvd. sila nag- shooting.

Tracking shots ang kinunan sa Ortigas Center at hospital scenes sa Aurora Blvd.
Akala ko ay natuloy ang pagdalaw ni Richard sa shooting ni KC, pero nang makita ko ang dalaga sa birthday party ni Rufa Mae Quinto sa Philosophy Spa sa Makati noong Miyerkules nang gabi, naikuwento niyang hindi na nakapunta ang binata sa kanyang shooting.

“Kasalana ko. Nakatulog kasi ako sa sasakyan nang tatlong beses na nag-text si Richard para sabihing nasa Ortigas Center siya at pupunta sa shooting ko.

“Hindi ko siya nasagot, kaya hindi na siya nakadalaw sa shooting ko.
“He’s so sweet dahil kahit nasa taping na siya, nagawa niyang magpadala ng cupcakes sa shooting,” kuwento ni KC.

Light scenes lang ang kinunan kay KC noong Miyerkules.
Wala siyang ibang artistang nakaeksena.

Next week ang first shooting day together nina Richard at KC.
Sa tsikahan namin ni KC ay nabanggit niyang excited din siya para sa kanilang second movie together ni Richard under GMA Films dahil may mga eksenang kukunan sa Paris, France.

Sey ko kay KC, sasama ako sa Paris kahit sarili ko pang gastos.
“Sige, sige, masaya ‘yan. I’ll show you around,” pangako ni KC sa akin.

***

Pagkatapos ng spa party ni P-chi ay tumuloy ako sa taping ng Codename: Asero.
Dinatnan ko sa set sina Richard, Heart Evangelista at Janno Gibbs.

“Hello, Jun. Goodbye, Jun,” sey sa akin ni Janno na pack-up na pala at pauwi na.
Si Richard din ay pinak-up na rin dahil maaga pa ang flight namin kahapon papuntang Bangkok, Thailand.

Katatapos lang ang kunan sa binata ang isang madugong fight scene na involved ang maraming mga ‘sundalo’ sa eksena.

Malamang na sa first week ng Hulyo ipalalabas ang Codename: Asero.

***

Thursday, May 29, 2008

KC-Richard, susuportahan ng fans ni Heart

Jun Lalin

HAPPY ang fans ni Richard Gutierrez sa dalawang bagong leading lady niya na sina KC Concepcion at Heart Evangelista.

Masaya rin ang fans ni KC na sila ni Richard ang magkapareha sa pelikula. Ang fans naman ni Heart ay suportado ang team-up nila sa telebisyon at si­mula na ito sa Codename: Asero.

Sabi ng fans ni Heart, susuportahan nila ang pelikula ni Richard na si KC ang kapareha dahil alam nilang very supportive ang binata kay Heart.

Nakakatuwa ang fans nina KC at Heart. Palagi akong nakatatanggap ng email messages mula sa kanila thanking me for supporting their idol.

Mukhang walang awayang nagaganap sa fans nina KC at Heart kahit parehong leading man ng dalawa si Richard.