GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Saturday, April 26, 2008

Richard, pinagku-condom ni Annabelle


By: Ian F. Farinas



DALAWANG araw matapos pumirma ang dating Kapamilyang si Heart Evangelista sa Kapuso Network, si Richard Gutierrez naman, ang unang leading man ng young actress sa bagong home studio, ang nag-renew ng kontrata sa Siyete kahapon ng hapon.

Gaya ni Heart, two-year guaranteed at exclusive contract ang pinirmahan ng tinaguriang “Primetime King” ng GMA-7, kasama ang ina at manager na si Annabelle Rama.

Nauna nang nabalita na ang susunod na project ni Richard pagkatapos ng telefantasyang Kamandag (na nagtapos kagabi) ay ang action-packed Asero (working title), na kukunan sa Dubai sa first two weeks of May.

Kinumpirma ito ng GMA-7 bosses na sina Atty. Felipe Gozon, Jimmy Duavit at Wilma Galvante, na kasamang humarap sa press ng mag-inang Gutierrez sa ginanap contract signing.

Sa harap din ng mga naturang opisyales ay siniguro ni Richard na hindi niya ma-imagine ang sariling nagtatrabaho para sa ibang istasyon maliban sa GMA-7.

Blessed daw siya sa pagkakaroon ng mga boss na tulad nina Gozon at dahil sa pagkalinga na ng mga ito siya lumaki bilang artista, itinuturing niya itong mga “kapamilya” more than anything else.

Tulad ng pahayag ng actor sa isang previous interview, siya raw ang huling nakaalam na may tsikang lilipat siya ng istasyon, sa ABS-CBN.

Sa totoo lang daw, never dumapo sa isip niya ang gayung ideya.

Sinusugan naman ito ni Tita Annabelle, na nagsabing talagang walang alam ang anak sa mga intrigang lumabas dahil puro trabaho lang ang ginagawa’t pinagkakaabalahan nito.

Ayaw na ayaw daw niyang iniistorbo si Chard, kaya sila-sila lang ng ibang miyembro ng Gutierrez clan ang nag-uusap-usap kapag may mga bagay-bagay na kailangang pagdesisyunan.

Saka lang daw sinasabi ni Tita Annabelle kay Chard ang mga kaganapan ’pag nasisiguro na niyang tuloy na tuloy na kung anuman ang napagkakasunduan.

As for Atty. Gozon, ikinuwento niya sa press ang naging pag-uusap nila noon ni Tita Annabelle, kung saan sinabi raw niya rito na mas mabuting sa Siyete pumirmi si Chard dahil wala pa silang artistang lalaki na dine-develop, hindi tulad sa ibang istasyon na marami nang ginu-groom na male talents.

“’Yun ang kagandahan sa ang talent manager, eh, nanay. Hahaha! Du’n ko nakuha si Annabelle,” pagbibiro pa ng GMA big boss.

Dagdag pa niya, naniniwala siya sa lalim ng samahan nila nina Annabelle at Richard at tiwala siya na lalagpas pa ito sa dalawang taong kontrata na pinirmahan ng aktor.

Actually, maliban sa Asero, kasama rin sa mga proyektong gagawin ng young actor hanggang 2010 ang Captain Barbell Meets Darna at ang Pinoy adaptation ng isang Koreanovela.

Hindi nga lang binanggit ni Wilma kung ito na nga ang Pinoy adaptation ng Koreanovelang Full House, na ipinalabas din sa GMA-7 noon.

And since pumirma na rin si Chard ng exclusive contract sa GMA Films, posible raw ang pagtatambal nila ni Heart sa pelikula.

Katunayan, ngayon pa lang ay super excited na si Chard sa pagpapareha nila ng girlfriend ni Jericho Rosales.

Ibinuking pa nga ni Tita Annabelle sa sobrang excitement ng anak, wala na itong ginawa nu’ng Miyerkules kundi tumawag sa kanya para itanong kung nakapirma na nga ang dalaga ni Reynaldo Ongpauco sa Siyete.

Magaling umarte, maganda, mayaman at disente ang ilan sa adjectives na pinawalan ni Tita Annabelle tungkol sa bago niyang alaga. At dahil sa mga ito, wala raw magiging problema sa kanya sakali mang magkatuluyan sina Chard at Heart sa totoong buhay.

Hindi raw niya inaalis ang posibilidad na magkadebelopan ang dalawa, lalo na ’pag nag-umpisa na ang mga itong magtrabaho, dahil araw-araw nang magkakasama sa set.

Paalala lang ni Tita Annabelle kay Chard, kahit sino pa ang maging girlfriend, laging gumamit ng condom o kaya’y pagamitin ang babae ng pills para laging safe. Feeling daw kasi niya, hindi pa handa ang anak sa malaking responsibilidad sa buhay.

Tawa naman nang tawa ang writers na dumalo sa contract signing, dahil casual na casual ang pagda-dialogue ni Tita Annabelle ng tungkol sa condom, hitsura ng katabi lang niya sa kanan si Atty. Gozon, huh! Hahaha!

Seriously, although nasa anak na raw niya ang halos lahat �" magarang bahay, stable job, financial stability, etc. �" mas gusto pa rin ni Tita Annabelle na i-enjoy muna nito ang pagiging binata para hindi sa hiwalayan magtapos ang maagang pag-aasawa gaya ng iba.

After all, 24 years old pa lang daw si Chard. Sa ngayon, hindi pa raw ito puwedeng mag-asawa. Maybe in six years’ time o pagtungtong ng actor ng edad 30, puwede na.

FIRST READ ON PEP: Richard Gutierrez never considered leaving GMA-7

Nitz Miralles
Friday, April 25, 2008
07:21 PM





Nag-renew ng kontrata sa GMA Network si Richard Gutierrez kaninang ala-una ng hapon, April 25. Present sa contract signing ang top GMA executives na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, at Ms. Wilma Galvante. Kasama naman ni Richard ang kanyang ina na si Annabelle Rama, na siya ring tumatayong manager niya.



Two-year guaranteed contract ang pinirmahan ni Richard. Ang una niyang project sa bagong kontrata niya ay ang Asero na ang pilot week ay kukunan sa sa Dubai, U.A.E. Sa first and second week ng May magsu-shoot si Direk Mark Reyes para hindi nila maabutan ang sobrang init na klima ng U.A.E. na nangyayari sa third week ng May.



Bukod kay Heart Evangelista na isa sa leading ladies ni Richard, kasama rin sa cast sina Richard Gomez, Janno Gibbs, Michael V., Ehra Madrigal, Rhian Ramos, at Bubbles Paraiso. Siguradong marami pang papasok na characters habang tumatakbo ang istorya ng Asero.



STILL A KAPUSO. Four years nang Kapuso si Richard at maganda ang sagot nito sa tanong kung bakit mas pinili niyang manatili sa GMA-7.



"Para tayong nasa senado nito," natatawang panimula ni Richard, na kahit puyat sa magdamagang taping ng finale ng Kamandag ay guwapo pa rin.



"Honestly, I can't see myself working with any other bosses than my bosses here in GMA. I'm blessed, I have the best bosses here. I can't see myself working in any other camp. Hindi lang business dito, this is more of a family. Matagal na ako rito, this is my family at napamahal na sila sa akin, from my bosses to the production staff."



Inisip ba niyang lumipat sa ABS-CBN? Inamin kasi ng ina ni Richard na si Annabelle Rama, na pinag-isipan niyang ilipat anak para makatambal nito si KC Concepcion na isang Kapamilya. Pero nang magbotohan daw silang buong pamilya, lahat sila ay tumutol na lisanin ni Richard ang GMA-7.



"Nagising na lang ako isang umaga na may isyu nang ganun. I was the last one to know. Honestly, hindi dumapo sa isip ko ‘yan. Tinawagan nga ako ni Raymond [Gutierrez, his twin brother] at nagtanong if I've read the newspaper at sabi ko, hindi," kuwento ng young actor.



Agad tinapos ni Richard ang isyung paglipat niya sa ABS-CBN at excited na nagkuwento sa Asero.



"Action-packed ito and something fresh for me to be working with Heart [Evangelista]. Fresh sa audience ang tambalan namin and I'm looking forward working with her. That's why I'm very excited," saad niya.


Si Richard na rin ang sumagot kung bakit sa Dubai nila piniling i-shoot ang pilot week ng Asero.



"We wanted something visually stunning and different. Why Dubai? Because of the desert dunes and it is something to see it on screen," paliwanag niya.



Bukod sa Asero, nabanggit ni Ms. Wilma ang Captain Barbell Meets Darna at isang Koreanovela sa mga gagawin ni Richard. Up to year 2010, planado na raw ang mga gagawin ng young actor.



Ibinalita rin ni Ms. Wilma na idinagdag sa naka-lineup na projects ni Richard ang paggawa ng documentary for GMA News & Public Affairs, gaya ng Signos.



"I'm so happy sa feedback ng Signos, it's a new venture for me at isa yun sa project na hindi ko makakalimutan," sabi ni Richard. "Thankful ako sa GMA News & Public Affairs for the opportunity of being part of the documentary. For the new contract, I'm doing an environmental documentary at every year kong gagawin ito."


HEART EVANGELISTA. Nabanggit ni Richard sa PEP na hindi pa sila uli nagkikita ni Heart. The last time they met was two years ago. Kaya excited ang young actor na makita ang bago niyang leading lady at mangyayari ito sa storycon ng Asero na malapit na.



Sa billboards nila sa SM Megamall muna sila nagkikita, dahil katabi ng Bench billboard ni Richard ang Sunsilk billboard ni Heart. Kapansin-pansin din ang pagkakalagay na parang nakatingin ang young actor sa young actress.



Biniro ng PEP si Richard kung dapat bang ma-threaten sa kanya ang boyfriend ni Heart na si Jericho Rosales. Kahit nilinaw na ni Heart na sila pa rin ng actor, may mga tsismis pa rin kasing lumalabas na break na silang dalawa.



"Sinasabi ko naman na ‘di ako nang-aagaw ng girlfriend," sagot niya.



Paano kung ma-in love sa kanya si Heart?



"Wala tayong magagawa, basta hindi ako nang-aagaw," ganting biro ni Richard.

Tuesday, April 22, 2008

Maxene, miss na ang lambing ni Richard!

(JUN NARDO)


Kapwa malungkot sina Ehra Madrigal at Maxene Magalona nga­yong final week na ng Kamandag this week.


“Naging close na kasi ako sa cast. First time ko kasi na kasama sila, kaya malungkot din ako,” say ni Maxene.


Ayon naman kay Ehra, “Dito kasi, sobrang bon­ding na namin. Lahat, masaya, makulit. First time kong nakasama si Miss Eula (Valdez), nakakatuwa.”


Ano ang mami-miss nila kay Richard (Gutier­rez)?


“’Yung passion niya na parang hindi lang siya nagpupunta sa set para magtrabaho. He goes to the set determined to do what he does best.

Binabasa niya ang script talaga at pag may ayaw siya, nire-revise niya talaga. Seryoso siya talaga.


“Pati ‘yung personal na lambing niya sa amin, mami-miss ko ‘yon dahil maalaga siya sa set. Makulit din at gentleman,” sagot ni Maxene.


“I’ve worked with Chard sa NUTS at Lupin. Barkada kasi kami kaya sobrang kompor­table na akong makatrabaho siya,” sabi naman ni Ehra.


Wala pang kasunod na projects ang dalawa sa GMA matapos ang Kamandag. Pero si Maxene, nakatakda nang mag-sign ng contract sa network.


Sa pakikipag-usap namin kay Ehra, inusisa namin ‘yung patuloy na intriga between her sister Michelle and Pauleen Luna. Wala pa raw kasing closure ang awayan nila at naghihintay pa raw si Pauleen ng sorry mula sa sis niya, huh!


“Ang alam ko, nagbati na sila kasi nakuwento sa akin ni Michelle. Nagkita raw sila ni Pauleen, nu’ng sila pa ni Marvin (Agustin) in an event in Makati. Nagpansinan daw sila at si Pauleen pa raw ang lumapit.


“Hindi ko na alam ang isyu kung bakit parang nagkaroon sila ulit ng something. Pero alam ko, nagbati na sila kasi nag-usap na sila sa isang event before pa. Event yata ng play or something,” kuwento na lang ni Ehra.



Richard, naaliw sa kaseksihan ni KC!

Jun Nardo




PINABULAANAN na nga ni Richard Gutierrez na merong bad blood between him and Dingdong Dantes. Just recently, nagkita sila sa birthday party ni direk Mark Reyes at normal lang ang naging pagkikita nila.


“Never kasi kaming nagpapaapekto ni Dong sa nangyayari sa amin sa showbiz. Matagal na naming kilala ang isa’t isa. Sobrang tagal na. So, pag nagkikita kami, hindi kami apektado sa nangyayari o lumalabas sa dyaryo, sa mana­gers namin, hindi kami nagpapaapekto. Ganoon ako sa lahat ng tao.


“Kasi I know him better, you know!” rason ni Richard.


“It’s part of the business. Sabi nga nila, it’s a cutthroat business! And only the strong will survive. So, you have to be strong! Yes, I’m strong! Ha! Ha! Ha!” dagdag pa ng star ng Kamandag.


After ng Kamandag, ang Asero ang next project na gagawin niya at kukunan partly sa Dubai. Teka, akala ba namin ay magdadrama siya sa next show niya?


“Sa mga soaps naman, may drama factor, eh. Baka in the future. Nai-enjoy ko pa kasi ang momentum ko. Exciting sa akin ‘yung developing ng action. Drama will come,” sagot niya.


Eh, kelan naman siya maghuhubad?


“At saka na,” maiksing tugon niya.


Teka, nakita na ba niya ang billboard ni KC Concepcion sa Edsa na seksing-seksi ito?


“Ang ganda! Ha! Ha! Ha! Ha!” tumatawang reaksiyon niya.


Kinunan ba niya ng picture ang billboard para ilagay sa cellphone niya?


“Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa lang ni Richard.

Monday, April 21, 2008

TV Ratings

April 18 (Friday)


Non-Primetime (Partial):

SiS (GMA-7) 10.3%; Boy & Kris (ABS-CBN) 9.8%

Takeshi's Castle (GMA-7) 17%; Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) 17.1%

Eat Bulaga! (GMA-7) 21.5%; Wowowee (ABS-CBN) 15.5%

Daisy Siete (GMA-7) 18.8%; Maging Akin Ka Lamang (GMA-7) 19.4%; Prinsesa ng Banyera (ABS-CBN) 11.6%

Kaputol ng Isang Awit (GMA-7) 17.7%; El Cuerpo Deseo (ABS-CBN) 14.5%



Primetime:

Gobingo (GMA-7) 14.6%; Wheel of Fortune (ABS-CBN) 16%

24 Oras (GMA-7) 26%; TV Patrol World (ABS-CBN) 20.3%

Joaquin Bordado (GMA-7) 32.9%; Kung Fu Kids (ABS-CBN) 21.2%; Lobo (ABS-CBN) 19.1%

Kamandag (GMA-7) 32.5%; Pinoy Big Brother Teen Edition Plus (ABS-CBN) 19.8%

Babangon Ako't Dudurugin Kita (GMA-7) 29.1%; Palos (ABS-CBN) 19.7%

The Legend (GMA-7) 21.8%; Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN) 14.7%

Bubble Gang (GMA-7) 17.3%; Bandila (ABS-CBN) 7.9%