GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, November 13, 2008

Codename: Asero says farewell

Codename: Asero says farewell
Article posted November 11, 2008
Rating:



Sa pagtatapos ng 'Codename: Asero', balikan natin ang mga pinagdaanan ng cast at creative team ng show. Find out what you might have missed during the run of this action-packed series

Inabangan nating lahat ang mga eksena ng cast sa Dubai, at ang first time team up ni Richard Gutierrez at Heart Evangelista . Nadala tayo sa mga special effects ng big-budget series na ito, at ang mga kakilig-kilig na mga eksena ng ating mga bida. The show started its pilot week in Dubai, a move that caused quite a stir in the entertainment industry.

"[In Dubai] naging good friends kami ni Richard, tapos madami siyang mga advice na binigay sa akin," ayon kay Heart. This helped make the portrayal of their character to be more effective since they had to work with each other on several scenes.

Sa simula, sinundan nating lahat ang adventures ni Grecko Abesamis (Richard Gutierrez) mula Dubai hanggang siya ay bumalik sa Pilipinas, naging robot, na-in love kay Emily San Juan (Heart), bumaliktad sa mga kakampi at pinaglaban ang kanyang pag-ibig.

And throughout all this, Richard has played not just the lead role—naging parte rin siya ng creative team sa pag-conceptualize ng istorya at ng fight scenes.

"I always want to make it different every time, so I use any form of action, kahit na hand to hand [combat], minsan may guns, minsan we just use our environment. We have different choices, we don't limit ourselves." At kita naman natin ito sa mga eksenang lumabas sa show. Sabi rin ni Richard, nakatutulong ang pag-create ng fight sequences para mas mabuo ang character niya.

Ngayon sa pagtatapos ng Asero, ano pa nga ang mga dapat abangan? Maililigtas ba ni Grecko ang in distress na si Emily? Lalo na ngayo't hindi na siya nakararamdam ulit.

"Yung love story nila, pang-forever. Into the future, parang ganoon," teases Richard. Pero ibig sabihin ba nito ay makaliligtas si Emily? We'll see!

Sabi nga ni Direk Mark Reyes, dgpi, "Richard keeps on saying that Heart is the 'heart' of the show. You know, the drama is with the story of Heart, the action-adventure is with the story of Richard."

Pero hindi lang sina Richard at Heart ang may resolution. Dagdag ng ating bida, "Bawat character may closure na mangyayari, kaya kailangan abangan yun, aside from all the action sequences that we did, [and] kung paano [mangyayari doon sa war] ng Advocate vs. Empire."

Sa halo-halong genre ng show na ito, ipinatunayan na hindi lang sa story nakikita ang ganda ng show, kundi sa pagsasama rin ng mga artista nito.

-- Text by Jillian Q. Gatcheco and Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio.

No comments: