GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, November 27, 2008

‘Kasal’ kay KC, tinawanan ni Richard

‘Kasal’ kay KC, tinawanan ni Richard




DAHIL okey na ang kundisyon nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, magiging mas espesyal daw ang selebrasyon nila ng Pasko ngayon.


Sabi nga ni Richard sa presscon ng Full Force Nature (simula na sa Dec. 02), panay healthy food na ang ihahanda nila, at may party rin sila para sa mga helpers nila.


“Sa family kasi, buong taon naman kaming nagbibigayan, kaya tuwing Pasko, we try to give back to our helpers, at may party kami sa kanila,” sabi ni Richard.


Si Richard nga ang sumagot sa lahat gastos sa operasyon nina Tita Annabelle at Tito Eddie.


“Wala `yon. Kaya nga ako nagtatrabaho, para tumulong sa family ko, lalo na sa mga ganitong sitwasyon.”


Anyway, natawa lang si Richard sa pangyayari, na habang nasa ospital ang mommy niya at inooperahan, napanaginipan nito na ikinasal siya kay KC Concepcion.


“Oo nga, eh! Ha! Ha! Ha! Ha!” tumatawang sabi ni Richard.

No comments: