GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, May 9, 2008

Sharon Cuneta approves KC Concepcion-Richard Gutierrez team-up




Isang bonggang-bonggang araw para kay Sharon Cuneta ang magaganap sa Linggo, May 11, sa ABS-CBN. Ilulunsad kasi sa araw na ‘yon ang worldwide premiere ng full trailer ng latest movie ng Megastar under Star Cinema na Caregiver, na mapapanood sa ASAP '08, The Buzz, at Sharon. Kasabay rin ng "Sharon Cuneta Day" sa Linggo ang selebrasyon ng Mother's day.

"Yeah, sa Sunday na. Ang bilis, ‘no?" sambit ni Sharon sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Bukod sa promo ng Caregiver, may special plan ba sila ng pamilya nila ni Senator Francis "‘Kiko" Pangilinan para ipagdiwang ang Mother's day?

"Pag Mother's day, ‘yan ang hindi ko alam kung ano'ng mangyayari. Tsaka ninenerbiyos ako. Nae-excite ako, pero ninenerbiyos ako."

Bakit ganun ang pakiramdam niya?

"Parang iniisip ko, 'Naalala kaya ng mga anak ko Mother's day ngayon? Big deal kaya sa kanila yun? Sana alam nila big deal sa akin ‘to.' Yun ang lagi kong iniisp. So usually naman, may mga letters. Hindi uso sa amin yung nag-e-exchange gifts kami ng mahal, e. Kahit 'pag Pasko, kahit na anniversaries, parang agreement namin ni Kiko yun na walang expensive gifts. Pero bibilhan niya ako kahit papaano."

KC IN PARIS. Sa kasalukuyan ay nasa Paris, France pa ang panganay na anak ni Sharon na si KC Concepcion.

"She missed kasi Paris very much. Apat na taon nga naman ang buhay niya doon siya, so every year, she wants to go. So yun, umalis siya, nagbakasyon siya sandali," lahad ng Megastar.

KC-RICHARD MOVIE. Pagbalik ni KC from Paris ay sisimulan na niya ang shooting para sa kanyang first ever movie with Richard Gutierrez sa Star Cinema. Ano ang masasabi ni Sharon dito?

"Very, not only excited, but very proud," ngiti ni Sharon.

Natutuwa si Sharon dahil KC has made a mark on her own.

"Exactly, this is parang, in a way, it's history making because the two rival networks went beyond themselves. They became bigger that they were to make it possible for these two kids come together and make a movie. At natutuwa ako because even if KC, sabi ko nga, from the moment she was conceived, wala siyang choice. Kawawa naman yung bata, di ba?

"Pero si Richard Gutierez has really made his own mark. He has carried his own shows very successfully, kahit na sabihin mo with ample support, siya yung headliner. Tapos he has made movies din na kumita. I mean, hindi mo makukuwestiyon yung kanyang drawing power. So, there's no doubt makakatulong siya sa anak ko.

"Plus, the boy is very decent. Yung hindi mo... After a while siguro, pati kayo, manu-notice ninyo, mahihiya kayong gawan ng anggulo kung wala. Kasi kung meron, okay. Kung wala, wala. Kasi hindi siya yung tipikal na artistang guwapo, parang mabibilang mo ang mga babaeng nakapila. Sa pagkakakilala ko, sa pagkukuwento sa akin ng mga taong malalapit sa kanya at kay KC mismo, hindi siya ganun. So ito, very clear sa kanilang dalawa.

"Siguro kasi, iba na ang mga bata ngayon kahit na artista. At least the two of them, it's very clear to them na ang priorities nila ay ang career nila. So parang there's no time if I can't give this much to ano, we're not gonna get to that point. Parang at this point, at least ang ganda ng ano nila, they're very professional.

"Tapos, I know he's [Richard] very decent. Kasi kapatid siya ni Tonton [Gutierrez]. Kausap ko si Ton, di ba? Tapos ano, huwag na tayong lumayo kasi anak siya ni Tito Eddie [Gutierrez] at ni Tita Annabelle [Rama], na I think long before many years ago pa, abot-langit ang pagmamahal ko sa pamilya nila because si Ruffa, I met her when she was 11. We never really got to spend every single day together, pero at all these time, I had always have special fondness for her.

"And now, I met sina Richard, Raymond... Especially Richard, parang I'm very happy na for my daughter's very first movie and her formal entry into show business, it's Richard Gutierrez and no one else. I'm very happy. And this will also make her more excited doing movies with the other big stars from ABS-CBN," mahabang pahayag ni Sharon.

KISSING & LOVE SCENES. Aprub ba sa Megastar na magkaroon ng kissing scene si KC sa first movie niya?

"Wala akong problema kahit ano'ng gusto nilang gawin," sagot niya.

What about love scene sa first movie ni KC?

"Alam mo, my daughter is 23, grumadweyt 'yan ng 22 siya. Wala akong naging problema kay KC. Ang pangit sabihin ng mga words, pero hindi naglandi ang anak ko, hindi nag-adik. Walang ganun. So parang after she graduated, alam mo yung she earned my trust, e. Kasi yung trust naman, you don't automatically give it, e. You give it at a certain extent. Pero dahil bata pa at mapusok, di ba?

"Lahat tayo dumaan diyan, natatakot ka. And she earned it. She earned my respect. I told her after she graduated, ‘You can do anything you want.' In the end, ang gusto mo lang pala, maligaya ang anak mo."

Kaya hindi raw totoo ang kumalat na tsismis na minsan ay iniyakan diumano ni Sharon ang mga desisyon ni KC gaya nung nag-pictorial siya nang naka-two piece.

"Tawang-tawa kami doon," sabi ni Sharon. "Si KC kasi, very ano, sinasali niya ako. Kunyari she did this campaign for a clothing line, di ba? Yung mga billboard na nakikita ninyo na naka-two piece siya, merong lumabas yata sa tabloid galit na galit ako. Actually, tawang-tawa ako. Sabi ko, ‘Hindi anak, sabihin mo tuwang-tuwa ako. Dahil ang nanay mo napakatanga nung araw lumabas sa P.S. I Love You, nasa beach, naka-maong!'

"Parang may nagtatanong na, ‘Pinapayagan ninyo ang anak ninyo na mag-pose?' Sabi ko, ‘Bakit, ano ba ang suot mo sa beach? Ikaw ba ay nagte-turtleneck o naglo-long gown?' Siyempre hindi, di ba? Alam mo, kung ikaw ay kaedad nila ngayon at kahit 30 ka pa, even if you're a teenager at hindi ganun kakitid ang utak mo, maiintindihan mo. Ikaw lang ang naglalagay ng malisya. So, lumalabas ngayon napakamalisyoso ninyo. Kasi kung lalangoy ka sa dagat o sa pool, yun naman ang suot mo.'

"Ang nakakatawa, actually, hindi nga ako titigil hangga't hindi ako umaabot sa katawan na yun at wala kaming pictorial pareho na naka-two-piece. So, sorry po, abangan ninyo ‘yan. Alam na ni Kiko ‘yan. Ang asawa ko, understanding ‘yan, supportive ‘yan, e. Kasi nag-e-enjoy siya!" natatawang sabi ni Sharon.

SHARON-GABBY PART 2? Sa first movie ni Sharon nakilala niya ang ama ni KC na si Gabby Concepcion. Hindi kaya magkaroon ng Part 2 ang Sharon-Gabby love story in real life kina KC at Richard?

"Hindi naman. Matagal na bago pa na-develop. Virgin na virgin ako noon!" tawa ni Sharon. "Anything can happen. She can meet Prince William tomorrow. She can marry Richard tomorrow. She can marry Piolo [Pascual]. She can marry whomever. She can marry even Robin Padilla, pero huwag naman Lord!" halakhak niya.

"You don't know what will happen," patuloy niya. "But she has a good head on her shoulders, she has very good head on her shoulders. She has other priorities. I think ang layo ng kaibahan ng panahon ko nung 15 ako sa kanya noon. Fifteen ako noon, 23 siya. May degree siya. Nakita niya kung gaano kalaki ang mundo. Tumira siya sa ibang bansa. I didn't have those opportunities. At her age, 23, hiwalay na ako noon sa asawa. May anak na ako na...how old was she? Almost four years old? Nagtatrabaho na ako. I was growing up while I was raising a child. I don't want her to go through that and thank God she's okay."

SEVEN-YEAR MOMENTS. Naikuwento rin ni Sharon na every seven years ay may malaking pangyayari na nagaganap sa buhay niya.

"So far, na-notice ko lang yun... Kasi, di ba, 12 years old, I did ‘Mr. DJ'? So okay lang, 12. But when I was 14, which is seven years after seven, I did my first George Canseco song which is ‘Langis at Tubig,' which was the theme song of the movie of Ate Vi [Vilma Santos], Dindo Fernando, and Amy Austria na idinirek ni Danny Zialcita. And this was the song, di ba, first Canseco song? Big deal.

"Ito yung naging theme song noon na si Ate Vi naman na buntis kay Luis [Manzano]. She couldn't go to the Cebu Film Festival. Ako yung napakiusapang sumakay ng float. Doon sa Cebu ako nakita nila Direk Danny at doon in-offer sa Mommy ko at sa akin yung Dear Heart. Tapos sabi ni Direk Danny, ‘Pag hindi niya [Sharon] ginawa ‘to, hindi ko gagawin ang movie na ‘to forever kasi it's really for her.' So, doon in-offer yun.

"At 21, I was already separated. I was doing Pasan Ko Ang Daigdig with Direk Lino Brocka. Na-separate ako 21. Nagtataka lang ako... Ah, 28 yung next. Nung 28 ako, this is when I started dating Kiko. Just turned 28, ‘tapos 30 ikinasal na ako.

"Tapos 35, about less than a month before I turned 35, I had Frankie after two miscarriages. And now, seven years after that I'm 42, so I don't know... This can go either way kasi merong good, merong bad. Di ba, 21 naghiwalay; 14 positive; 28 I met Kiko; 35 before that, I lost babies but in the end okay naman. Lagi naman si Lord ang ending ko, maganda kaya sana magtuluy-tuloy na," asam ni Sharon.

No comments: