GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, December 15, 2008

Richard Gutierrez, Green-minded

Richard Gutierrez, Green-minded
Article posted December 11, 2008

Sa pinakabagong show ni Richard Gutierrez, ang 'Full Force Nature,' na-ihighlight ang environmental advocacy ng actor. Marami ang nagulat na miyembro pala ng Greenpeace si Richard kaya naman noong press conference ng show, naibahagi ng actor ang kanyang mga experiences sa pagiging aktibo sa movement na ito. Text by Loretta G. Ramirez, Photos courtesy of GMA Network



Ang Greenpeace ay isa sa pinaka active na environmental groups sa buong mundo. Layunin nito na baguhin ang attitude at behavior ng mga tao upang i-conserve at maprotektahan ang ating environment.

Naging miyembro nito si Richard Gutierrez last year at simula noon, naging active na si Richard sa mga environmental campaigns ng grupo. He even asked the help of GMA Network para matulungan siya sa kanyang adhikain.

"Right now, I'm still talking with Greenpeace kung anong mga puwede naming gawin. Pero I'm very committed. I've approached GMA-7 and Bench to help me out and they're all willing to help out naman. So, it's gonna be a big movement,” ang pahayag ni Richard noong nagsisimula pa lang siya sa movement na ito last year.

So far, bukod sa Full Force Nature, nag-host na rin siya ng isang GMA News and Public Affairs documentary, ang Signos: Banta ng Nagbabagong Klima, kung saan hina-highlight ang climate change sa mundo. Tulad ng Full Force Nature layunin nito na magbigay ng information about global warming at isulong ang movement para ma-save ang environment.



Dinagdag pa niya na masayang masaya siya sa bago niyang show dahil matagal na niyang gustong magkaron ng infotainment show which will highlight his environmental advocacy.

"Very important show sa akin itong Full Force Nature. Matagal kong pinangarap magkaroon ng show na ganito dahil ito talaga ang advocacy ko, tungkol sa nature, and I'm very happy and thankful na binigyan ako ng pagkakataon ng GMA-7 na mai-share din yung mga nalalaman ko tungkol sa nature. And of course, itong show will showcase different natural disasters na nangyayari globally and 'yun 'yung target talaga namin, not only to entertain the viewers but also to give them awareness and also to give them information kung anong pwede nating gawin as Filipinos para maiwasan ang paglaganap ng global warming," ang paliwanag ni Richard sa amin.

Suportahan si Richard at ang kanyang layunin to help save the environment, manood ng Full Force Nature, Tuesday nights, right after the Primetime Telebabad block.

Tuesday, December 9, 2008

Superstar syndrome bad sa career ni Richard Gutierrez




Superstar syndrome bad sa career ni Richard Gutierrez
By: Ed De Leon
Dream

MUKHANG tama ang comment na aming nari-nig mula sa isang movie observer.

Sa ngayon daw, kaya matamlay rin ang industriya ng pelikula at tele-bisyon, dahil wala ngang ibang matinee idols na pinaglalaban-laban kagaya noong araw.

Kung natatandaan ninyo, noon, basta may matinee idols na nagpapasikatan ng kani-kani-lang pelikula o TV show, talagang masigla ang mga fans. Ngayon, maliban kay Richard Gutierrez, si-no pa ang masasabing makinang na matinee idol na talagang malakas ang following at magpapa-excite nang husto sa fans?

Maski nga ang ABS-CBN, aminado na wala si-lang malaking matinee idol. Kaya nga hiniram pa ng Star Cinema, sister company ng Dos, si Richard para maging leading man sa pelikula ng gusto nilang pasikatin nang hustong si KC Concepcion. Kung may mai-lalaban ang Star Cinema kay Richard, hihiramin pa nila ito para may maitambal lang kay KC? Natural mas papaboran nila ang artista nila.

Sa GMA-7 naman, si-no ba ang matinee idol ni-la na mailalaban pa kay Richard?

Ang akala namin no-ong una ay magtutuluy-tuloy na ang pagiging number one ng Gagam-bino ni Dennis Trillo. Hindi pala. Bumaba rin agad ang ratings nito. Hindi kagaya ng shows ni Ri-chard na consistent top-rater at masasabing walang katapat talaga.

Sobra nga ang hatak ni Richard. Na hindi maganda para sa industriya. Ka-si, basta nagkaroon na ng isang top matinee idol at walang ibang puwedeng ipantay sa kanyang puwesto, siya at siya na lang ang binibigyan ng proyekto ng TV or movie producers.

Ang nangyayari, dumarating ang puntong, although siya pa rin ang top matinee idol, kinasa-sawaan nang panoorin ng fans ang kanyang pelikula o TV soap.

Isang halimbawa rito ay ang Superstar syndrome ni Nora Aunor. ‘Di ba super-dami ang kanyang fans, pero hindi naman nila lahat pinapanood ang mga pelikula ni Ate Guy.

Naniniwala kami na da-pat ay mayroon talagang ibang matitinding matinee idols para palaging exci-ted ang fans. Sad to say, sa ngayon, si Richard lang talaga

Monday, December 8, 2008

Gutierrez brothers, malungkot sa pagpanaw ni Marky

Gutierrez brothers, malungkot sa pagpanaw ni Marky
Jun Lalin

LAS VEGAS, NEVADA ­--- Sabado na nang magkita kami ni Annabelle Rama sa Palazzo Resort, Hotel and Casino.

Niyaya akong mag-lunch ni Bisaya sa Zine at kasama niya roon sina Tito Eddie, Mary Ann Opeña (kasama ang anak nitong si Jemel), Rachel Cruz (ground staff ng Philippine Airlines sa Los Angeles) at iba pa.

Pagkatapos kumain ay nagulat ako nang kunin ni Tito Eddie ang wheelchair sa isang tabi at doon suma­kay si Bisaya. Ang veteran actor ang nagtulak ng wheelchair ni Bisaya.

“Hindi ko kasi kayang lumakad nang lumakad. Buti na lang at mahal ako ng asawa ko at siya ang nagtutulak ng wheelchair,” sey ni Bisaya.
“Naku, kahapon si Richard ang nagtutulak ng wheelchair,” sey naman ni Tita Mary Ann.

Ang sweet tingnan nina Bisaya at Tito Eddie.

***

Bago ako umalis ng L.A. noong Biyernes ay tinawagan na ako ni Bisaya kaugnay ng mga pahayag ni Dr. Manny Calayan against her.

Pina-text sa akin ni Bisaya si Dr. Calayan ng, “Sinimulan mo ‘to, tatapusin ko!”
Nananahimik si Bisaya at sinimulan siya ni Dr. Calayan, kaya sasagutin niya ang mga pahayag nito laban sa kanya.

Nakausap ko si Dr. Calayan at naloka ako nang nag-deny siya samantalang maraming nakarinig sa mga pahayag niya laban kay Bisaya.

May dialogue pa si Dr. Calayan na sinabi raw niya na “Ok naman kami ni Tita” sa mga reporter na kausap niya sa L.A.

Dahil sa pinagsasasabi ni Dr. Calayan against Bisaya ay asahang magsasalita na siya kung ano talaga ang dahilan kaya umalis ang anak niyang si Ruffa Gutierrez bilang image model ng beauty clinic ng nasabing cosmetic surgeon.

***

Masaya si Raymond Gutierrez at ang mga kapatid niyang sina Richard, Rocky, Elvis at Ritchie Paul sa pagkakapanalo ni Manny Pacquiao sa boxing fight nila ni Oscar De La Hoya.

Pero ‘yung kasiyahan nila ay nahaluan ng lungkot nang makarating sa kanila ang balitang patay na si Marky Cielo.

Nakasama nina Richard, Rocky at Elvis si Marky sa Codename: Asero. Mabait daw talaga ang namayapang young actor.

Si Raymond ang host ng StarStruck 3 kung saan si Marky ang grand winner.
“I’m so sad. Marky’s so nice pa naman,” paha­yag ni Raymond.

Ako man ay nalungkot din nang ibalita ni Jhops Cruz ng GMA 7 ang pagkamatay ni Marky.

Lungkot na lungkot din ang mga taga-GMA 7, lalo na ang Lalola cast and staff.
Kasama sa cast ng Lalola si Marky bilang si Billy at kapareha ni Lovi Poe.
Sa mga naulila ni Marky, our condolences.

***

Pagkatapos ng bo­xing fight nina Manny Pacquiao at Oscar De La Hoya ay bumalik sa Pa­lazzo Hotel ang pamilya Gu­tierrez at doon sila nag-family dinner.
Kapagkuwan ay pumunta sila sa Mandalay Bay Hotel kung saan ay may after party para kay Pacquiao.

Wala sa after party ang Pambansang Kamao, kaya umakyat na lang si Annabelle Rama kasama ang mister na si Eddie Gutierrez at anak na si Raymond Gutierrez sa suite room ni Manny.

Kasama sina Manny at Jinkee at iba pang mga tao sa loob ng suite room ay pinanood nila ang replay ng boxing fight.

Maingay sa loob ng kuwarto kaya hindi kami gaanong magkarinigan ni Bisaya.
Hindi na raw sumama sa kanila sa suite room ni Manny si Richard dahil pagod na ang binata.

As you read this, pa­balik na sa Los Angeles, California ang pamilya Gutierrez.
Sa Biyernes ang alis nila ng L.A.

Friday, December 5, 2008

Annabelle at Wilma, nagkaayos na




Annabelle at Wilma, nagkaayos na
Jun Lalin

LOS ANGELES, CA. Pagkatapos ng ilang buwang hindi pagkakasundo nina Annabelle Rama at Wilma Galvante (executive vice-president for entertainment ng GMA 7), nagkabati na sila sa LAX (Los Angeles airport) noong Miyerkules nang gabi.
Magkasabay sa Philippine Airlines PR102 flight that day sina Ma’am Wilma at Richard Gutierrez (kasama ang kuyang si Rocky).
After almost an hour na paghihintay sa arrival area, nakita ko kaagad si Ma’am Wilma na nakalabas na. Kasama niya ang anak na si Clara (na production assistant dati sa Codename: Asero).
Nakita rin ni Eddie Gutierrez ang GMA 7-executive at lumapit kaagad dito ang mister ni Bisaya.
Konting kumustahan. Nabanggit ni Tita Wilma kay Tito Eddie na sayang at kinailangang i-give-up ng beteranong aktor ang role sana nito sa Luna Mystica.
“Hindi bale, bibigyan kita ng bago, action naman,” sey raw ni Ma’am Wilma kay Tito Eddie sabay hanap kay Bisaya.
“Nasaan si Annabelle, babatiin ko siya,” sabi raw ni Ma’am Wilma kay Tito Eddie at kaagad inituro ng beteranong aktor ang kanyang misis na nakaupo sa may waiting lounge dahil hindi pa kaya ni Bisaya ang nakatayo nang matagal.
Paglapit ni Ma’am Wilma kay Bisaya ay nag-kiss sila sa isa’t isa. Kinumusta ng GMA 7-executive ang kalagayan ng dating nakatampuhan.
Parang walang nangyaring problema sa kanila sa eksenang nakita ko.
Nag-dialogue pa si Bisaya na medyo hirap pa siya dahil sa kanyang operasyon. Si Ma’am Wilma naman ay nagsabing dapat kasi ay 45 days munang magpahinga ang Gutierrez matriach.
Sey ko sa dalawa, kailangang kunan ko sila ng picture.
“Kailangan may scoop photo ako ng pagbabati n’yo!” sey ko at parehong natawa sina Bisaya at Ma’am Wilma at saka nag-pose para sa aking camera.
Maya-maya ay lumapit si Mother Lily Monteverde sa dalawa at pinag-pose ko silang tatlo.
Masayang-masaya si Mother Lily sa pagbabati nina Bisaya at Ma’am Wilma.
“Ang saya-saya nilang tingnan. Ang ganda na bati-bati lahat. I’m so happy for them,” sey ni Mother Lily, na kasabay rin pala nina Tita Wilma at Richard sa nabanggit na PAL flight.
Si Tito Eddie ay nakatingin lang isang tabi kina Bisaya at Ma’am Wilma. Obvious na masaya rin ang mister ni Bisaya sa pagkakabati ng misis at ng isa sa big bosses ng Siyete.
After no’n ay lumapit na rin sina Raymond at Tita Mary Ann Opeña na tuwang-tuwa rin.
Maya-maya ay nagpaalam na si Ma’am Wilma at ihahatid na raw sila ng sundo nilang si Josh Andowitt (PR ng GMA Pinoy TV).
Pagdating sa arrival area nina Richard at Rocky Gutierrez ay natuwa sila nang malamang bati na ang kanilang mommy at si Ma’am Wilma.
Ang maganda kina Tito Eddie at sa ibang mga anak ni Bisaya (including Ruffa na taga-ABS-CBN), never silang nag-comment sa naging gap ng kanilang ina at ni Tita Wilma.
Gusto rin nila na maayos na ang gap sa pagitan ng dalawa, kaya nang ibalita ko ‘yon kay Ruffa ay nag-dialogue kaagad ang TV host/actress ng, “Salamat naman. That’s good news!”
Nang papunta na kami ni Bisaya sa terminal ng United Airlines para sa kanilang flight papuntang Las Vegas, Nevada ay ramdam ko sa boses ni Bisaya ang kasiyahan na nagkaayos sila ni Ma’am Wilma.
***
Para sa KChardees fans na naghihintay ng update sa second movie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion, this time under GMA Films and Regal Entertainment, ang kuwento sa akin ni Bisaya, sa December 17 na sila magsisimulang mag-shooting.
Hanggang December 23 daw ang shooting nina Richard at KC at magpapahinga lang sila para sa Christmas.
Kukunan sa December 17 ang ilang eksena na gagamiting teaser ng pelikula na malamang na ikarga sa mga pelikula ng Regal Films na ipalalabas sa MMFF.
Sabi ng KChardees, nakahanda silang suportahan nang todo-todo ang second movie nina Richard at KC.
Willing ang KChardees na mag-set-up ng funds na gagamitin para magkaroon ng matinding awareness sa nabanggit na pelikula.
***

Wednesday, December 3, 2008

Richard Gutierrez secure sa ‘relasyon’ nila ni KC




Richard Gutierrez secure sa ‘relasyon’ nila ni KC
By: Tonee Coraza
Whatever

MASUSUBUKAN ang galing ni Richard Gutierrez sa pagho-host at pagiging isang environmentalist sa bago niyang infotainment show na Full Force Nature na palabas tuwing Martes bilang kapalit ng World Records sa Bilib Ka Ba Nights after GMA Telebabad.

Pupunta si Richard sa iba’t ibang sulok ng Pili-pinas para bigyan tayo ng first-hand view ng hagupit ng kalikasan maging bagyo man, lindol, pagsabog ng bulkan o kung anumang ti-yak na ikagugulat at ikamamangha natin.

“Lubos akong nagpapasalamat sa GMA-7 sa pagbibigay sa akin ng ga-nitong show. Kasi, may magandang pagkakataon akong i-share ang kaalaman ko sa environment para maiwasan ang global warming. Isa kasi ‘yan sa pinakamabigat na problema ngayon ng mundo kasama na ang overpopulation, hunger at global warming. Magbibigay ako sa show ng tips at pointers para makatulong sa pagpapabuti ng ating klima,” ani Richard na member ng Greenpeace-Asia.

Naikabit ang pangalan ni KC Concepcion lately sa hiwalayang Sam Milby at Anne Curtis dahil sa lumabas na item na balak daw ligawan ni Sam si KC, na mariin namang itinanggi ni Sam.

Ano ang masasabi rito ni Richard?

“No comment! Basta good luck na lang sa lahat ng gustong manligaw kay KC,”matipid pero malaman na sagot ng aktor.

Mukhang hindi man lang nakikitaan si Richard ni katiting na pagkabahala o insecurity kung may ibang magmanligaw kay KC.

Aminado si Chard na ganoon siya ka-secure sa ‘relasyon’ at pagtitinginan nila ng dalaga ni Mega.

Sisimulan na nina Chard at KC ang shooting ng Valentine’s movie nila under GMA Films ngayong December.

Napagdesisyunan ng GMA Films na huwag nang mag-shoot abroad.

Instead, dito na lang ga-win ang movie at ipakita ang kagandahan ng Pilipinas sa buong mundo.

Ang pinakamalaking location nila ay sa Coron, Palawan.

Sa late January pa lang sisimulang gawin na Ri-chard ang bago niyang teleserye na Mask Of Zorro. Kasi, concentrated muna siya sa Full Force Nature for one season. Isa pa, nag-hahanap ang GMA-7 ng bago niyang leading lady for Zorro.

Tuesday, December 2, 2008

Full Force Nature






Bumilib sa Power ng Kalikasan




Bumilib sa Power ng Kalikasan
Article posted December 02, 2008
Rating:



Simula ngayon, subaybayan ang pinaka-bagong programang yayanig at magpapamangha tuwing Martes ng gabi, ang 'Full Force Nature' sa Bilib Ka Ba Nights ng GMA. Press release and photos courtesy of GMA Network. Additional text by Loretta G. Ramirez.

Panoorin ang full force ng kalikasan simula sa Martes as Richard Gutierrez hosts his first infotainment show on GMA-7, ang Full Force Nature. Humanda na para sa isang exciting na gabi na puno ng maiiksing kwento tungkol sa mga actual na natural disasters all over the world. Alamin dito ang mga makapigil-hiningang epekto dulot ng mga kalamidad sa pamamagitan ng real life footage at natatanging eyewitness accounts.

Being an environmental advocate, pinili ng Kapuso network si Richard para maging host ng nasabing programa. Babalikan, bubuhayin, at bibisitahin niya kung saan naganap ang ilan sa mga natural disasters sa bansa—mula bagyo, lindol, at marami pang iba.

Matapang na susuungin ni Richard ang anumang kalamidad na makakasagabal sa kanyang pagte-taping ng programa. At upang lalong maging kapana-panabik at kagiliw-giliw ang bawa't episode ay magbibigay din siya ng trivia, eco-friendly tips, at payo kung paano makakaligtas ang mga manonood sa isang natural disaster.

Para sa pilot episode ng show, babalikan ni Richard ang isang mapanganib na ilog sa San Miguel, Bulacan, kung saan siya nag-shooting ng una niyang prime time hit, ang Mulawin. Ibabahagi niya ang kanyang personal na karanasan noong tamaan sila ng flash flood, gayon din ang sa mga naninirahan sa lugar na ito.

Abangan ang kakaibang Richard Gutierrez sa programang ito! Panoorin ang Full Force Nature simula December 2, 2008, Tuesdays, sa Bilib Ka Ba Nights.

Monday, December 1, 2008

Richard gets real: Action!





Richard gets real: Action!
By Bot Glorioso Updated December 01, 2008 12:00 AM



After playing a cyborg in the recently-concluded action-packed TV series Codename: Asero on GMA 7, Richard Gutierrez gets in the midst of real action and breathtaking adventure as host of Kapuso network’s latest show on Bilib Ka Ba Nights block titled Full Force Nature, to air Tuesdays starting tomorrow night.

The show needs no fully-choreographed stunts, heartbreaking dialogues and acting skills but a concern for the environment which the 24-year-old actor possesses as one of Greenpeace advocates since two years ago.

“I really got excited when this was offered to me because it will serve as an avenue to create awareness to the people about the problems or issues concerning the environment,” Richard says.

As Greenpeace advocate, what’s number one on his to-do list to help restore nature’s beauty?

“First is to inspire other people to be an advocate, too. I also plan to hold a celebrity tree planting soon in connection with Bench’s green campaign which I spearhead for the apparel brand. I am also proud to say that Bench donated trees for La Mesa dam,” he answers.

”I’d also like to create awareness among the youth so we will go to different schools, as one of my projects next year. Signos, by the way, is now out on DVD. Hopefully, it can be shown to schools because it is very informative,” Richard relates.