GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, November 27, 2009

Abante Tonite
Jun Lalin

Isang loyal fan ni Richard Gutierrez na taga-San Jose, California ang naka-chat ko at tuwang-tuwa niyang ibi­nalita na ipinapakita na sa GMA Pinoy TV ang teasers ng Full House na pinagbibidahan ng binata at ni Heart Evangelista.
Sabi ng fan na naka-chat ko, umaasa sila na sa Nobyembre 30 din magsisimulang ipalabas sa GMA Pinoy TV ang Full House.
Kahit taga-America ang ka-chat ko, excited siyang makita ang mga eksena ng Full House na kinunan sa Prague, Czech Republic.
‘Katuwa sina Richard at Heart. Dahil sa magandang feedback ng Full House, sila mismo ang nagre-request na dagdagan ang kanilang promo schedule.
Nag-request sila sa kanilang executive producer na si Anggie Castrence na mag-mall show sila sa Nobyembre 29 (Linggo) sa SM Fairview, na kaagad pinagbigyan ng GMA 7.
Right after ng promo guesting nila sa Showbiz Central sa Linggo ay deretso na sila sa SM Fairview nang 5:30 PM.
Kahapon ay sabay na nag-recording sina Ri­chard at Heart para sa grand promo nila sa SOP sa Linggo.

Richard prepares for topless scenes

Richard prepares for topless scenes
By: Aster Amoyo
If I know

RICHARD Gutierrez is happy to be portraying a normal guy in his latest soap for GMA7, the remake of the hit Koreanovela “Full House.”

Asked if he is pressured when it comes to the ratings, the handsome matinee idol explains:

“It’s always the case whenever I have a new program. I’m blessed that all my prime time projects from ‘Mulawin’ to ‘Zorro’ became certified top raters. With ‘Full House,’ I feel confident that it would also become a hit since it has a strong recall among viewers. The cast is great and we even shot the key scenes in Prague."

After “Asero,” it’s his second project with leading lady Heart Evangelista.

“She’s a nice gal. We became closer when we shot in Prague. Here in “Full House,” we already reached that point where we share opinions on life and love,” Richard continues.

Interestingly, the popular actor shares that during the initial tapings, he was restless.

Many are curious if he’ll also go topless in one key scene popular to the viewers which Korean superstar Rain did in the original.

“All I can say is for the people to just wait. I’ll make sure that I’m physically prepared for that,” Richard ends.

Dingdong at Richard, talbog ang mga lalakwe sa kalabang network

Dingdong at Richard, talbog ang mga lalakwe sa kalabang network
A day with Dingdong Dantes



ANG bongga rin naman ng career ni Dingdong Dantes, huh!

Together with Richard Gutierrez, talbog talaga nila ang mga lalakwe ng kalabang network dahil sa pinag-iisipang career plans for the two actors.

Nu’ng Martes nga ay nagpa-preskon na ang GMA7 para kay Dingdong Dantes dahil siya na ang magte-takeover sa “Family Feud” ni Richard Gomez.

Nag-excuse lang si Dingdong sa taping ng “Family Feud” sa Studio 5 at umakyat lang sa 17th floor para sa preskon and after that ay balik-taping siya na ang mga naghihintay na magkalabang pamilya ay pamilya ni boxer Gerry Peñalosa vs. bowling all-time champion Paeng Nepomuceno.

Aba, kahapon ay nagkaroon ng one-day date with Dingdong ang press people. Mula alas-dose ng tanghali sa Gateway, alas-tres naman ng hapon ay sa 17th floor uli ng GMA7 bldg. para naman sa thank you party for Dingdong’s “Stairway To Heaven”.

At pagdating naman ng alas-siyete ng gabi ay earliest Christmas party naman ni Dingdong for the press sa Celsius bar.

Naku, hindi papayag si Bisaya niyan na matalbugan ang anak niya, ha!
Humanda kayo at bongga rin ang gagawin ni Bisaya for the press!

Sorry nga pala Bisaya, ‘yung ginawa ko for “Full House” na dapat lalabas ngayon ay binura ng Sto. Nino sa computer ko as in title lang ng column ko ang natira, eh ang haba pa naman ‘yun.

Perhaps a rendezvous muna with Dingdong will help me recall ‘yung haba ng nasulat ko! Wait ka lang ha, BFF?
Abante
Jun Nardo


Richard, naghahanda sa paghuhubad






ALIW na aliw si Ri­chard Gutierrez sa taping nila ng Full House sa The Prague.


“Ang ganda doon. Ang lamig. Nagpunta kami sa castle kung saan nakatira ‘yung President. Hindi ko matandaan ang name kasi ang weird ng names nila. Hindi mo ma-pronounce. Ang naalala ko lang, ‘yung Charles Bridge.
‘Yung Old Town Square kung nasaan ‘yung Astronomical Clock. Parang nu’ng unan­g panahon. 13th century pati ‘yung statutes nila sa bridge, nandoon pa rin. So ‘yun ‘yung nakakaaliw sa kanila dahil na-preserve nila ‘yung history nila.


“Ginawa namin ni Heart ‘yung river tour. Suma­kay kami sa boat at nilibot ‘yung buong city ng Prague. Ang ganda. Seems magical. Para siyang sa pelikula o cartoons,” kuwento ni Chard.


Eh, ang mga babae, attractive ba?


“Okey naman sila. Ahhh, hindi kami masyadong magkaintindihan, eh. Ha! Ha! Ha!


“Konti lang ang English, eh. Hindi French. Sounds like German. Pero very strong ang accent. Bihira ang nag-i-English. Pero ‘yung nakatrabaho namin, very efficient. Parang mas nakakaintindi sila rather than speakin­g,” tugon ng aktor.


Sa Full House, normal ulit siyang tao, unlike sa mga nauna niyang fantaserye.


“Ngayon ko lang na-realize na ang sarap palang gumanap ng normal human being! Ha! Ha! Ha!


“Medyo matagal-tagal akong hindi gumawa ng ganito. Walang harness, fight scenes. Minsan, nagi­ging restless ako dahil ang mga eksena, kung minsan, bahay lang, interior.


“Sabi ko nga, ‘Wala ba tayong fight scenes, blasting o car chase?’ Pero ang sarap ng pakiramdam. Nag-usap nga kami ni Patrick (Garcia) dahil masarap ‘yung ginagawa namin at masaya. You make people funny.
Makikita naman nila ‘yung comic side ko dahil mahiyain ako! Ha! Ha! Ha!”


Sa original version ng FH na bida ang Koreanong si Rain, madalas itong nakahubad. Ganoon din ba ang gagawin niya?


“Abangan na lang nila! Ha! Ha! Ha!


“Payat kasi siya doon. I’m preparing myself for that dahil kailangan.
Pumayat na nga ako although I’m still working on it.?Iniba ko ang look ko para mukhang Asian at modern,” sey na lang ni Richard.

Thursday, November 26, 2009

November 26, 2009 06:32 PM Thursday

Cut!

MAY namuong sweetness kina Richard Gutierrez at Heart Evangelista nang magtaping sila ng one week sa Prague, Czech Republic. May selosan pang nangyari sa dalawa habang naro-roon sila while taping for Full House na kanilang pinagbibidahan.

Ganito ang kuwento ni Heart about the selosan blues:“Lagi kaming mag-kasamang kumakain ni Chard, three times a day. Aba, isang beses ay nakita kong may iba na siyang ka-samang European girl. So, selos ako. Ginantihan ko siya.

“Lagi ko namang kasama si Pat-rick (Garcia). Di-nedma ko siya ta-laga. Aba, kinumpronta niya ako. Bakit daw lagi kong kasama si Patrick. Tawa lang ako nang tawa.

“Sa totoo lang, binulungan ako ni Direk Mark (Re-yes) na pagselosen ko si Richard. Pinag-react ako du’n sa European girl na ka-date niya. Aba, nang ako ang mangdedma sa kanya, nag-react siya.”

Sa totoo lang gustung-gusto ni Heart na kasama sa set si Richard. Kasi, maasikaso ang aktor sa leading lady niya.

By the way, mapapano-od na ang Full House si-mula sa Lunes (Nov.30), bi-lang kapalit ng Rosalinda.

Richard Gutierrez ‘di nakaporma sa girls sa Prague

Richard Gutierrez ‘di nakaporma sa girls sa Prague
By: Tonee Coraza
Whatever

NANINIBAGO si Richard Gutierrez sa magbubukas niyang teleseryeng Full House na isang Koreanovela remake.

Kasi, for the first time, ay magpo-potray siya ng isang normal human being. Hindi siya isang superhero na may super powers o kaya’y isang action hero na todo ang action scenes. He’ll be potraying a famous actor (Justin) na sasagupa sa shootings, intriga at controversy like in real life. At mai-involve siya sa isang struggling writer (Jessie) played by Heart Evangelista. Todo comedy talaga ang Full House which is a big change for Richard.

“Minsan nga tinatanong ko si Direk Mark (Reyes), wala ba tayong fight scenes o blast scenes? Kasi nakaka-miss din ang mga ganitong action scenes. Right now all my scenes are so easy kasi nga normal na tao lang ang ipino-potray ko. But I’m thoroughly enjo-ying myself kasi nga co-medy,”pahayag ni Richard.

Bongga nga ang Full House kasi may mga eksena pa silang kinunan sa Prague. Nagustuhan ni Chard ang mga castle-like buildings do-on na itinayo noong 13th century pa. Hindi na siya nag-karoon ng pagkakataon na maki-mingle sa local girls sa Prague because of the language barrier. Halos lahat kasi ay hindi marunong magsalita ng English kaya gustuhin man niyang paunlakan ang mga local girls na mga gustong makipag-date sa kanya, minabuti ni Chard na umiwas na lang.

Richard at Heart, bigay na bigay sa halikan

Richard at Heart, bigay na bigay sa halikan
Raymond, ninakawan ng salamin

Jun Lalin


SA Lunes ang pilot telecast ng Full House na pinagbibidahan nina Richard Gu*tierrez at Heart Evangelista, kaya ratsada sila sa promo at taping.
Kahapon ay live guests sa SiS ang cast ng Full House at pagkatapos ay dumiretso na sila sa ta*ping.
Bongga ang taping nila kahapon dahil nagpagawa ang GMA 7 ng mock-up ng interior ng eroplano para kunan ang ilang mga eksena roon na kunwari ay papunta at pabalik sila ng Prague, Czech Republic.
Grabe ang production cost ng mock-up na ‘yon ng interior ng eroplano, pero happy si Direk Mark Reyes dahil approved kaagad ng GMA 7 management ang gastos para sa set-up na ‘yon.
Kung sa loob kasi talaga ng eroplano ang taping nila ay mahihirapan sila dahil maliit ang space at limited ang taping hours na puwedeng ibigay sa kanila.
Nakita ko ang set ng mock-up ng interior ng eroplano na ipinagawa nila at parang totoong nasa loob sila ng eroplano, huh!
Bongga ang production cost ng bagong primetime show na ito nina Richard at Heart, kaya lalo silang ginaganahan tuwing pupunta sila sa taping.
Anyway, ang isa sa pi*nag-uusapan sa mga ek*senang ipinakita du*ring the press launch ng Full House ay ‘yung kissing scene nina Richard at Heart na obviously ay bi*gay na bi*gay sila.
Second team-up na ito nina Richard at Heart at close na close na sila, kaya hindi na nahihirapan si Direk Mark na ipagawa sa kanila ang mga ganoong eksena.
Sa sobrang closeness nina Richard at Heart ay minamani na nila ang mga eksena nila, lalo na ‘yung mga eksena kung saan ay palagi silang nag-aaway at para silang mga aso’t pusa.
“Iba ang chemistry nina Richard at Heart, bagay talaga sila na gumanap bilang Justin and Jessie,” sey ni Direk Mark.
***
Sinamahan ko kahapon si Raymond Gutierrez sa optical shop ni Dra. Vivian Sarabia sa SM Megamall dahil nagpagawa ng sunglasses na may grado ang host ng StarStruck V at Showbiz Central.
Sabi sa akin ni Raymond, emergency na ma*kapagpagawa kaagad siya ng sunglasses dahil nahihirapan siyang makakita at masyadong malabo ang kanyang mga mata.
’Yung sunglasses na binili niya sa recent trip niya sa Europe ay nawala noong isang gabi sa isang event na pinuntahan niya.
Ninakaw ang salamin ni Raymond nang ilapag niya ‘yon sa mesa. Tumayo lang siya sandali at pagbalik niya, wala na ‘yon.
Pang-apat na salamin na ‘yon ni Raymond na nawala, kaya wala na siyang extra at kinailangan na niyang pumunta sa optical shop ni Dra. Vivian Sarabia.
Anyway, habang nag*lalakad kami sa SM Megamall ay maraming bu*mabati kay Raymond at kino-congratulate siya.

Wednesday, November 25, 2009

Pilipino Star
Interviewed by: Salve Asis

Medyo pumayat si Richard Gutier­rez. Nagbo-boxing daw siya at talagang nag-cut down siya lalo’t hindi naman action ang ginagawa niyang Full House na paki­ramdam ng aktor ay mas magaan sa mga naunang projects niya. “Ang sarap ng feeling na ginawa ko ito (FH). For the first time, normal ako.

“Nakakapanibago, naghahanap ako ng action scenes sa taping. Yung may harness. Kasi dito sa loob lang kami ng ba­hay nakaupo,” nangingiting kuwento ni Richard.

Sa trailer pa lang ng Full House, ang ganda na kung saan kinunan ang highlights ng mga eksena sa Prague, Czech Republic.

Nag-walong araw doon si Richard kaya napasyalan niya lahat ng magagandang lugar sa nasabing bansa.

Ang Prague ang isa sa most popular tourist destinations sa Europe.

“Ang ganda ng visuals. Kami ang first time na nag-taping doon,” pagkukuwento ng aktor. Mabilis din daw ang naging trabaho nila kaya bumilib sa kanila ang mga nakatrabaho nila roon.

At hindi raw doon masyadong expensive, pagkukuwento ni Richard the other night sa launching ng Full House.

Dahil once a week lang ang original na Full House sa Korea, dinagdagan nila ng ibang elements ang nasabing Koreanovela para mai-adopt na rin sa Pinoy market.

“Ginawa naming mas malaki ang mga eksena,” paniniguro niya.

Anyway, confirmed na pasok sa Berlin Film Festival ang pelikula nilang Patient X.

Nakakuha na rin daw sila ng magma-market sa Amerika ng pelikula na hindi lang siya artista kundi producer din.

May pelikula rin siyang gagawin for Valentine pero surprise pa ang makakasama niya. Ayaw niya pang sabihin.

Ang hula nila, si Angel Locsin. Pero hindi napilit si Richard na magsalita.

Plano niya uling makisosyo sa pelikula.



credits to: mariechard of iGMA
Jun Lalin
Abante Tonite


Humanga ang entertainment press sa AVP (audio visual presentation) ng Full House sa press launch nila noong isang gabi sa 55 Events Place, Sct. Rallos St., Quezon City.
Ipinakita sa AVP ang mga eksenang kinunan sa Prague, Czech Republic.
Napatunayan sa AVP na isang big production ang Full House dahil pati sa taping nila sa Prague ay kumpleto ang crew nila.
May producers, technical people at crew sila na involved din sa ilang production companies sa Europe na tumulong sa taping nila sa Prague.
Full production sila at hindi katulad sa ibang taping abroad na iilan lang ang staff and crew.
Ipinagmamalaki ni Ms. Redgie Acuna-Magno (production unit manager) na hindi patago ang taping nila sa Prague ng bagong primetime series nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista.
Kumuha sila ng permits sa lahat ng locations nila sa Prague.
Sa Nobyembre 30 magsisimula ang Full House sa primetime ng Siyete. Nga­yong umagang ito, guest ang cast sa SiS. Sa Sabado ay nasa Eat Bulaga at Startalk sila.
Big promo nina Richard at Heart sa SOP sa Linggo at se-segue sila sa Showbiz Central.

Make Room for Richard and Heart in GMA’s ‘Full House’

November 24, 2009 by cd

Full House finds its way back into the hearts of Filipino viewers as GMA Network launches the much-awaited Pinoy adaptation of one of Korea’s all-time favorite TV series this November on GMA Telebabad

The most sought-after actor of his generation, Richard Gutierrez and FAMAS Best Actress Heart Evangelista breathe life to Justin and Jessie, two opposing personalities who, through a series of comedic events, meet and end up sharing more than what they bargained for in the first place.
Justin, a famous actor, is scheduled to shoot an international movie in Prague. Right at the same time, Jessie, a struggling wannabe of a writer, presumably won an all-expense paid trip to the same destination as Justin’s. By a twist of fate, the two find themselves seated beside each other on the plane.
Upon their arrival, Jessie discovers that the trip is actually a hoax arranged by her brother Donald (Rainier Castillo). She intends to seek help from Luigi (Patrick Garcia), Justin’s visiting friend whom she met at the hotel, but he has left the country already. With no one else to turn to, Jessie borrows some cash from Justin after fooling him into thinking that Luigi is her ex-boyfriend.
Jessie eventually comes home to an empty house and an empty bank account. Worse, she finds out that her brother had already sold their house to its new owner, Justin. Jessie refuses to give up her house and so does Justin as he had already paid for it in full. So they came to an agreement: Jessie, now that she is beholden to Justin, will work as Justin’s maid in order to pay off her debt and eventually buy her house back.
Things go as planned until Justin gets himself involved in another controversy after trying to make Elaine (Isabel Oli), the woman he’s been secretly in love with, jealous. To save his showbiz career, Justin is now forced to marry Jessie – but only on paper. Their resulting agreement sets off a series of outrageously amusing events that will eventually lead them to the inevitable trap of… falling in love!
Completing the cast of this riotous romantic-comedy series are Keempee de Leon, Epi Quizon, John Lapus, Rainier Castillo, Sheena Halili, Raquel Villavicencio, Chariz Solomon, Marky Lopez and in very special roles, Ronaldo Valdez and Ms. Pilita Corrales.
Trust GMA-7’s discerning team of experts to pick yet another foreign material worth “Filipinizing”. Full House, aside from having the distinction of being the highest rating Asianovela shown on Philippine primetime since 2003, possesses a unique storyline – one that revolves around family and goodness of heart making it all the more endearing to the Filipino audience.
This version of the popular Koreanovela helmed by Director Mark A. Reyes and written by Denoy Navarro-Punio makes use of advanced production features as it aspires to achieve that high-end and sophisticated look on the small screen. The production team paid careful attention to every detail including the costumes, production design, and most importantly, the locations, hence the decision to shoot several sequences in Prague, Czech Republic. For the first time, primetime viewers will have the chance to experience the magnificence of Prague, which is known for being one of the most architecturally exquisite cities in the entire world.
Likewise, the cast had to undergo intense preparation for their roles – from immersing themselves in their characters to watching the original version to ensure that everything is done to the letter. Here, Richard will play the part originally played by famous actor Rain while Heart, on the other hand, will reprise the character played by actress Song Hye Kyo.

FULL HOUSE opens on November 30 after Darna on GMA Telebabad.

-starmometer.com

credits to micfercab of HW

Halikan nina Richard at Heart, pinalakpakan ng mga tao sa Prague

Allan Diones




BINULABOG nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista ang mga tu*rista sa Prague, Czech Republic nang maghalikan si*la sa gitna ng Old Town Square para sa isang eksena sa bago nilang primetime series sa GMA na Full House.
Kuwento ni Chard sa press launch kamakalawa ng Full House, ang daming tao sa nasabing tourist spot sa Prague nang kunan ang kissing scene nila ni Heart.
Nagulat ang mga turista, pero natuwa sa kanila kaya kinunan sila ng pictures kahit hindi sila kilala.
Tsika ni Heart, bigla lang naisipan ni Direk Mark Reyes ang nasabing kis*sing scene at sinabihan silang mag-kiss sa gitna ng maraming tao.
Halos hindi raw makahinga sa halikan nila ni Chard dahil kahit one take lang ‘yon ay matagal ang eksena at umikot nang 360° ang camera shot ni Direk Mark.
Palakpakan daw ang mga fo*reigner na nandu’n matapos ang eksena.
***
Puring-puri ni Ri*chard ang nasabing bansa sa Eastern Europe na bukod sa malamig ay na*pakaganda.
Nagpunta sila sa resi*dence ng Czech president na medyo weird ang name at hindi niya ma-pronounce.
Ang naaalala niya ay ‘yung Charles Bridge at ‘yung Old Town Square kung saan naroon ang Astronomical Clock.
Ang mga gusali at rebulto raw doon ay itinayo noon pang 13th century at hanggang ngayon ay nandu’n pa rin.
Hanga si Chard sa pagkaka-preserve ng history ng Prague at sa architecture ng siyudad. Nagawa nilang mag-ri*ver tour ni Heart sakay ng isang bangka, na halos naikot nila ang buong city.
Beautiful and magical ang description ni Chard sa Prague, na ayon sa kanya ay sa mga pelikula at cartoons lang madalas nakikita.
Kumusta ang mga babae sa Prague?
“Okey naman sila. Hindi kami gaanong magkaintindihan, eh! Ha! Ha! Ha! Kasi, konti lang ang nag-i-English sa kanila. May sarili silang language, it sounds like German, pero very strong ‘yung accent. Bihira ang nag-i-English.
“Pero ‘yung mga katrabaho naming crew doon, they’re very efficient. Isang sabi lang ni direk, naiintindihan na nila.
“Parang mas nakakaintindi sila rather than them speaking English,” sey ng Kapuso heartthrob.
For a change ay wa*lang superpowers si Chard at isa siyang normal na tao sa Full House (na magsisimula na sa Lunes, Nobyembre 30 sa GMA Telebabad).
“Alam n’yo, ngayon ko lang na-realize, ang sarap palang gumawa ng normal human being na project! Medyo matagal-tagal akong walang ginawang ganito. Wala akong fight scene!
“Pero minsan, nagi*ging restless ako. Kasi, ‘yun nga, madali lang ‘yung mga eksena, bahay lang, interior. Sabi ko, ‘Wala ba tayong fight scene o blasting o car chase o harness?’ Ha! Ha! Ha!
“Pero ang sarap. Ang sarap ng pakiramdam. Nag-usap nga kami ni Patrick (Garcia), kasi last time ko siyang nakatrabaho, sa Captain Barbell.
“Sabi niya, ‘Okey ‘tong ginagawa natin ngayon. Kasi, very light and masaya.’ Parang you’re making people happy dahil ‘yung ginagawa n’yo is supposed to be funny. So, ang saya ng atmosphere sa set, very light!”
Enjoy ba siya sa pagko-comedy?
“’Yun nga, eh. Kasi, nagagawa ko sa pelikula ‘yung romantic comedy, pero never ko pa siya ginawa on primetime TV. So, makikita naman dito ‘yung comic side ko,” naka-smile na sey ni Chard.
Mukha siyang laging seryoso, may sense of humor ba siya in real life?
“Medyo. Mahiyain ako, eh! Ha! Ha! Ha! Pero ang sarap-sarap gumawa ng romantic comedy. Sinasabi ko nga na sana, in the future, magkaroon pa ako ng more projects like this.”
***
Ang Asian star na si Rain ang bidang lalaki sa orihinal na Full House.
Palaging nakahubad si Rain sa mga eksena niya sa hit Koreanovela kaya labas ang seksing katawan nito.
Ganu’n din ba ang Justin Lazatin character niya rito?
“Oo nga, eh! Aba*ngan n’yo na lang. Ha! Ha! Ha! Payat na payat kasi si Rain nu’ng gawin niya ‘yung Full House, eh. Abangan n’yo, med*yo I’m preparing myself for that now. Kailangang paghandaan. Pumayat na nga raw ako, eh. I’m still working on it though,” dayalog ni Chard.

Tuesday, November 24, 2009

"FULL HOUSE,"
LUMAMPAS SA BUDGETJUN LALIN
Kagabi ang press launch ng Full House sa 55 Events Place sa Scout Rallos, Quezon City.3:00 PM pa lang ay nasa venue na sina Ri­chard Gu­tierrez, Heart Evangelista at iba pang cast ng nabanggit na series ng GMA 7 para mag-rehearse ng gagawin nila during the press presentation.Maaga akong pumunta sa venue ng Full House press launch at obvious na masaya ang lahat dahil puro positive ang feedback sa teasers ng kanilang bagong series.Ilang kasamahan sa panulat ang nakausap ko na nagsabing napakaganda ng mga eksenang kinunan sa Prague, Czech Republic.Ang dinig ko, nag-over sa budget ang taping ng Full House sa Prague, pero hindi raw nag-react ang GMA 7 management nang mapanood nila ang mga kinunang eksena sa bansang ‘yon dahil napakaganda raw talaga.Puring-puri raw ni Redgie Acuña-Magno (production unit manager) ang direktor nilang si Mark Reyes dahil bukod sa nakakakilig ang mga eksena nina Richard at Heart ay very cinematic din ang dating ng mga eksenang ‘yon. Sa Nobyembre 30 na magsisimula sa GMA 7 ang Full House at mapapanood ito pagkatapos ng Darna.

Tuesday, November 17, 2009



FH Teaser http://www.youtube.com/watch?v=MwKYdWWjsN0

The Source
Jojo Gabinete
11-13-09

Habang binabasa ninyo ito, nasa Prague na ang lead stars ng Full House para sa taping ng bagong primetime show ng GMA 7.

Sina Richard Gutierrez at Heart Evangelista ang mga bida sa Full House.

Kukunan muna ang lahat ng mga eksena ni Heart dahil mula sa Prague, lilipad siya sa China para sa shooting ng Mano Po 6.

Sa kuwento ni Redgie Magno sa amin, hindi nagkamali ang GMA 7 sa pagpili sa Prague para maging location dahil napakaganda ng lugar at mura ang mga bilihin, pero halos 300 lamang ang mga Pilipino na naninirahan doon. Nagpapasalamat si Redgie sa Philippine Embassy staff sa Prague dahil sa walang sawa na pag-aasikaso sa mga pangangailangan ng GMA 7 people na naroroon ngayon. Si Redgie ang Senior Program Unit Manager ng Kapuso network at siya ang in-charge sa Full House production sa Prague.




FOR a change, Richard Gutierrez plays a normal guy in the upcoming GMA soap Full House, na base sa popu­lar Koreanovela na pinagbidahan ni Jeong ‘Rain’ Ji-hoon.

Nasagad na nga si Chard na gumanap na superhero, kaya tama lang na mapanood naman siya ng mga fans na tumatawa, nai-in love, umiiyak at nagagalit, bilang normal na tao.

Si Heart Evangelista naman ang gaganap na Song Hye Kyo, na sikat din sa Korea. Nasa Prague, Czech Republic na ngayon sina Chard at Heart, kasama si direk Mark Reyes.

Familiar ang Prague sa mga Pinoy dahil dito matatagpuan ang Santo Niño de Praga. Kilala ang Prague bilang isa sa pinakasikat at architecturally-beautiful ci­ties sa silangang Europa kaya ito ang napili para maging location ng Full House. Napili nila ang Prague upang mapanatili ang “high-end” at “sophisticated look” ng programa.

Ang Full House ay kuwento ng isang babae at lalaki na kasal sa papel, at nakatira sa isang bubong. At wala silang ginawa kundi ang mag-away, ha!
Si Rain ay maitutu­ring na sikat sa buong mundo, dahil napili siya ng Time bilang isa sa 100 Most Influential People Who Shape Our World, at tinanghal na isa sa Most Beautiful People ng People.

Si Chard nga ang ka­tapat ni Rain dito sa Pinas. Pero sa totoo lang, no match si Rain kay Chard, kung kaguwapuhan ang pag-uusapan.

Richard ‘marries’ Heart

November 17, 2009 06:08 PM Tuesday



Richard ‘marries’ Heart
By: Mario E. Bautista
Freehand

RICHARD Gutierrez is back to being normal.

After playing fantastic characters in "Mulawin," "Capt. Barbell," "Kamandag," "Zorro" and other actioners, he now plays a role dear to himself in real life, that of a top movie star in the local remake of the Koreanovela, "Full House," a hit series all over Asia that starred Korean superstar, Rain, who now stars in the Hollywood actioner "Ninja Assassin."

"I love my role as Justin as he's a normal guy, hindi lumilipad o nakikipag-espadahan," says Chard. "It's both romantic and comic, something I've done on the big screen but first time ko sa TV."

Paired with Heart Evangelista, they play a couple living under the roof of one beautiful house, supposedly married but in paper only. Many comic and intriguing situations arise while they're living together, with them starting off as enemies until they realize that... but that's getting ahead of the story, so be sure to watch out for "Full House" when it starts airing on November 30 to replace "Rosalinda". As you read this, Chard, Director Mark Reyes and other members of the cast have flown to Prague to tape some important scenes there. One of the most beautiful cities in Eastern Europe, it's best known for the Infant Jesus of Prague (their version of the Sto. Niño) who attracts millions of devotees all over the world.

Chard is elated to work with Heart again after "Code- name: Asero." "We have good on-screen chemistry and I'm sure viewers will enjoy seeing her in the role of the perky, bubbly Jessie, originally played by Korean actress Song Hye Kyo. Jessie is a writer who owns the house called Full House."

Supporting them in "Full House" are Patrick Garcia, Isabel Oli and Pilita Corrales. With "Full House," we're sure Richard's reign as the Primetime King will continue. The question now is: will Richard's version of "Full House" top that of Rain’s in the ratings game?

FULLHOUSE PIX 2






CREDITS AS TAGGED

FULLHOUSE PIX




justin and jessie




CREDITS AS TAGGED