Pilipino Star
Interviewed by: Salve Asis
Medyo pumayat si Richard Gutierrez. Nagbo-boxing daw siya at talagang nag-cut down siya lalo’t hindi naman action ang ginagawa niyang Full House na pakiramdam ng aktor ay mas magaan sa mga naunang projects niya. “Ang sarap ng feeling na ginawa ko ito (FH). For the first time, normal ako.
“Nakakapanibago, naghahanap ako ng action scenes sa taping. Yung may harness. Kasi dito sa loob lang kami ng bahay nakaupo,” nangingiting kuwento ni Richard.
Sa trailer pa lang ng Full House, ang ganda na kung saan kinunan ang highlights ng mga eksena sa Prague, Czech Republic.
Nag-walong araw doon si Richard kaya napasyalan niya lahat ng magagandang lugar sa nasabing bansa.
Ang Prague ang isa sa most popular tourist destinations sa Europe.
“Ang ganda ng visuals. Kami ang first time na nag-taping doon,” pagkukuwento ng aktor. Mabilis din daw ang naging trabaho nila kaya bumilib sa kanila ang mga nakatrabaho nila roon.
At hindi raw doon masyadong expensive, pagkukuwento ni Richard the other night sa launching ng Full House.
Dahil once a week lang ang original na Full House sa Korea, dinagdagan nila ng ibang elements ang nasabing Koreanovela para mai-adopt na rin sa Pinoy market.
“Ginawa naming mas malaki ang mga eksena,” paniniguro niya.
Anyway, confirmed na pasok sa Berlin Film Festival ang pelikula nilang Patient X.
Nakakuha na rin daw sila ng magma-market sa Amerika ng pelikula na hindi lang siya artista kundi producer din.
May pelikula rin siyang gagawin for Valentine pero surprise pa ang makakasama niya. Ayaw niya pang sabihin.
Ang hula nila, si Angel Locsin. Pero hindi napilit si Richard na magsalita.
Plano niya uling makisosyo sa pelikula.
credits to: mariechard of iGMA

No comments:
Post a Comment