GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Wednesday, November 25, 2009

Halikan nina Richard at Heart, pinalakpakan ng mga tao sa Prague

Allan Diones




BINULABOG nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista ang mga tu*rista sa Prague, Czech Republic nang maghalikan si*la sa gitna ng Old Town Square para sa isang eksena sa bago nilang primetime series sa GMA na Full House.
Kuwento ni Chard sa press launch kamakalawa ng Full House, ang daming tao sa nasabing tourist spot sa Prague nang kunan ang kissing scene nila ni Heart.
Nagulat ang mga turista, pero natuwa sa kanila kaya kinunan sila ng pictures kahit hindi sila kilala.
Tsika ni Heart, bigla lang naisipan ni Direk Mark Reyes ang nasabing kis*sing scene at sinabihan silang mag-kiss sa gitna ng maraming tao.
Halos hindi raw makahinga sa halikan nila ni Chard dahil kahit one take lang ‘yon ay matagal ang eksena at umikot nang 360° ang camera shot ni Direk Mark.
Palakpakan daw ang mga fo*reigner na nandu’n matapos ang eksena.
***
Puring-puri ni Ri*chard ang nasabing bansa sa Eastern Europe na bukod sa malamig ay na*pakaganda.
Nagpunta sila sa resi*dence ng Czech president na medyo weird ang name at hindi niya ma-pronounce.
Ang naaalala niya ay ‘yung Charles Bridge at ‘yung Old Town Square kung saan naroon ang Astronomical Clock.
Ang mga gusali at rebulto raw doon ay itinayo noon pang 13th century at hanggang ngayon ay nandu’n pa rin.
Hanga si Chard sa pagkaka-preserve ng history ng Prague at sa architecture ng siyudad. Nagawa nilang mag-ri*ver tour ni Heart sakay ng isang bangka, na halos naikot nila ang buong city.
Beautiful and magical ang description ni Chard sa Prague, na ayon sa kanya ay sa mga pelikula at cartoons lang madalas nakikita.
Kumusta ang mga babae sa Prague?
“Okey naman sila. Hindi kami gaanong magkaintindihan, eh! Ha! Ha! Ha! Kasi, konti lang ang nag-i-English sa kanila. May sarili silang language, it sounds like German, pero very strong ‘yung accent. Bihira ang nag-i-English.
“Pero ‘yung mga katrabaho naming crew doon, they’re very efficient. Isang sabi lang ni direk, naiintindihan na nila.
“Parang mas nakakaintindi sila rather than them speaking English,” sey ng Kapuso heartthrob.
For a change ay wa*lang superpowers si Chard at isa siyang normal na tao sa Full House (na magsisimula na sa Lunes, Nobyembre 30 sa GMA Telebabad).
“Alam n’yo, ngayon ko lang na-realize, ang sarap palang gumawa ng normal human being na project! Medyo matagal-tagal akong walang ginawang ganito. Wala akong fight scene!
“Pero minsan, nagi*ging restless ako. Kasi, ‘yun nga, madali lang ‘yung mga eksena, bahay lang, interior. Sabi ko, ‘Wala ba tayong fight scene o blasting o car chase o harness?’ Ha! Ha! Ha!
“Pero ang sarap. Ang sarap ng pakiramdam. Nag-usap nga kami ni Patrick (Garcia), kasi last time ko siyang nakatrabaho, sa Captain Barbell.
“Sabi niya, ‘Okey ‘tong ginagawa natin ngayon. Kasi, very light and masaya.’ Parang you’re making people happy dahil ‘yung ginagawa n’yo is supposed to be funny. So, ang saya ng atmosphere sa set, very light!”
Enjoy ba siya sa pagko-comedy?
“’Yun nga, eh. Kasi, nagagawa ko sa pelikula ‘yung romantic comedy, pero never ko pa siya ginawa on primetime TV. So, makikita naman dito ‘yung comic side ko,” naka-smile na sey ni Chard.
Mukha siyang laging seryoso, may sense of humor ba siya in real life?
“Medyo. Mahiyain ako, eh! Ha! Ha! Ha! Pero ang sarap-sarap gumawa ng romantic comedy. Sinasabi ko nga na sana, in the future, magkaroon pa ako ng more projects like this.”
***
Ang Asian star na si Rain ang bidang lalaki sa orihinal na Full House.
Palaging nakahubad si Rain sa mga eksena niya sa hit Koreanovela kaya labas ang seksing katawan nito.
Ganu’n din ba ang Justin Lazatin character niya rito?
“Oo nga, eh! Aba*ngan n’yo na lang. Ha! Ha! Ha! Payat na payat kasi si Rain nu’ng gawin niya ‘yung Full House, eh. Abangan n’yo, med*yo I’m preparing myself for that now. Kailangang paghandaan. Pumayat na nga raw ako, eh. I’m still working on it though,” dayalog ni Chard.

No comments: