GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, June 5, 2008

Chynna Ortaleza looks forward to working with new Kapuso Heart Evangelista

Rose Garcia
Thursday, June 5, 2008
03:55 PM



Bago ang look ng young actress na si Chynna Ortaleza nang makita siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last June 3. Very short ang hair nito, pero halos lahat naman ng nakakita kay Chynna ay nagsasabing bumagay sa kanya ang bago niyang look.



"Ano kasi, in preparation nga sa bago kong role for Codename: Asero. Wala lang. Di ba, alam n'yo naman ako, pati pagta-tackle ko ng role, maging physical looks inaaral ko? Yung sa akin, para naman siyempre hindi magsawa ang mga tao," paliwanag ni Chynna.



Supposedly ay kahapon, June 4, raw sana ang first taping day niya for Asero. Pero na-postpone ito dahil sa may revision pa sa script. Pero aniya, kahit paano raw ay may idea na siya sa magiging role niya.



"Ang description kasi nila sa role ko, kontrabida ni Heart Evangelista at ex-girlfriend ni Richard [Gutierrez], and my character name is Fran," saad niya.



Hindi pa raw sila talaga magkakilala ni Heart on a personal level. At the same time, first time daw niya na makakatrabaho ang dating Kapamilya star kaya hindi pa niya masabi what to expect.



"I don't know pa nga, e," sabi ni Chynna. "I don't know pa what to expect. I haven't really met Heart. We see each other, pero siyempre, in passing lang. Alam mo yung usual na hindi mo pa masyadong kilala? So siyempre, hindi mo pa masyadong gamay. So, hindi ko pa alam kung may instant chemistry kaya.



"A lot of people naman have been saying she's nice and pleasant to work with. E, di good. At least, magiging palagay naman ako with the working relationship."



CHARACTER ROLES. Puwedeng sabihin talaga na nalinya na siya sa mga character roles. Halos lahat kasi ng mga primetime series na ginawa niya ay masasabing kontrabida or bida-kontrabida siya—from Sugo to Atlantika to La Vendetta. At ngayon nga, itong Codename: Asero.



"Actually, hindi nga ako super black except for Atlantika. Yung iba, gray ang character ko."



So, okey lang sa kanya na sa ganito siya nalilinya?



"Oo!" mabilis niyang sagot. "Ewan ko nga ba kung bakit. Actually, sinabi ko talaga ‘yan sa Artist Center, lalo na noong puro pa-tweetums ang mga naibibigay sa aking character, sinabi ko talaga na ayoko na. Para kasi sa akin, mas masarap gampanan ang mga character roles, mas masarap paglaruan at mas challenging."



FROM LEADING LADY TO VILLAIN. Bago siya nagkaroon ng mga character roles, maaalala nating naging leaeding lady si Chynna ni Richard Gutierrez sa Click at ilang pelikula.




Sa muling pagsasama nila ni Richard, okay lang ba kay Chynna na kontrabida siya sa leading lady nito na si Heart?



Sa puntong ito, maagap kaming kinontra ni Chynna at sinabing hindi ito dapat nila-lang-lang. Aniya, "Hindi mo maila-lang ang kontrabida. Para sa akin, ang kontrabida ay halos kasing bigat din ng bida."



Katuwiran pa niya, "Of course, ang bida, nandoon ang simpatiya ng manonood. Mahal siya ng masa, siyempre underdog, e. Pero ang kuwento, hindi uusad kung walang masama, di ba?"



Aminado si Chynna na compared sa ibang mga batang artista, iba siya kung mag-isip.



"Iba talaga, e. Before, nang pinag-audition nila ko for Darna, tinanong ako kung gusto ko raw bang maging Darna. Ang sabi ko, ayoko. Ang gusto ko, maging si Valentina. Well, maybe because ang personality ko ay strong talaga. Hindi naman masama ang ugali ko, pero yun nga, I just find challenge sa mga ganoong klase ng character," lahad niya.



Wala ba siyang nararamdamang panghihinayang na maagang nagwakas ang love team nila ni Richard, na ngayon ay itinuturing na top male star ng Kapuso network? Aniya, mas okay raw sa kanya na hindi na.



"Kumbaga, kami ni Chard kasi, we already showed people yung love team namin before. We have moved on na. And I have to grow rin naman. Feeling ko, ang dami na rin naman niyang naging leading lady, so bakit pa ko makikisiksik? Kung puwede nga lang bigyan ako ng project na ako ang kontrabida ni Chard, it's unexpected. It's something different."



Sa kanya, trabaho lang daw ang lahat.



"Hindi ako magko-complain sa trabaho. Ang hirap-hirap kayang kumita ng pera. Ang dami naming artista. Yung iba, waiting for a long time na magkaroon ng work. ‘Tapos ako, aayawan ko pa ba ang grasya? Parang ang pangit naman yata no'n?" natatawa niyang sabi.



"At saka, ngayon kasi, mas inspired akong mag-work kasi may pamangkin ako na sa amin na nakatira at nag-aaral. So yung work ko ngayon for Asero, it will definitely help my niece kaya naman very thankful akong talaga," pagwawakas niya.


No comments: