Allan Diones
LOOKING forward si Richard Gutierrez sa biyahe nila ni KC Concepcion sa Greece para mag-shooting ng Star Cinema mo*vie nila na For The First Time na dinidirehe ni Bb. Joyce Bernal.
First time nilang pareho ni KC na pupunta sa nasabing island country kaya kapwa sila excited na i-explore ang Greece.
Sa Hulyo 14 ang lipad ni Richard pa-Greece at bale sampung araw daw silang magsu-shoot doon.
Hulyo 25 ay nandito na siya sa ‘Pinas, just in time para sa malaking fashion show ng Bench sa Araneta Coliseum.
Sa Hulyo 14 din ang pilot telecast ng bagong action series ni Richard sa GMA na Codename: Asero, kaya sabi sa amin ni Chard, habang nagpa-pilot ang show niya rito ay nakasakay na siya ng eroplano pa-Europa.
Bago umalis ay siguradong todo-promote muna si Richard ng seryeng pagtatambalan nila ni Heart Evangelista. Isang cyborg o half-human, half-robot ang karakter ni Chard sa Codename: Asero.
Sa Dubai, UAE kinunan ang pilot episode nito, na mala-Star Wars daw ang bonggang action scenes sa disyerto.
Siyanga pala, hindi kay Richard ang brand-new Audi R8 car na ginamit niya sa press launch niya kamakailan bilang male endorser ng Flawless.
Pinahiram lang ito sa kanya ng may-ari ng Flawless para sa kanyang grand entrance sa nasabing launch.
Feeling Robert Downey Jr. si Chard habang sakay ng magarang kotse dahil ganu’n ang sasakyan ng superhero character ni Downey na si Tony Stark sa pelikulang Iron Man.

No comments:
Post a Comment