GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, June 13, 2008

Richard, ipit na ipit kina Heart at KC!

Dondon Sermino
Abante Online

Naiipit na nga ba si Richard Gutierrez sa sitwasyon niya ngayon, na dalawang babae ang kinakasama niya? Eh kasi, kapag nasa GMA-7 siya, dapat ay puro si Heart Evangelista ang ikukuwento niya, dahil sila nga ang magkasama sa Codename: Asero.


At kapag nasa Star Cinema naman si Richard, dapat ay puro KC Concepcion ang ikukuwento niya, dahil sila ang magka-partner doon.


Aba, dalawalang magagandang babae ang madalas niyang makasama. At kung ikaw si Richard, malilito ka nga, at malamang ay kumanta ka pa ng “Sana Dalawa Ang Puso Ko”.


Eh, sulsol pa ng iba, nag-aaway na raw ang mga fans o kakampi nina Heart at KC ngayon?


Sabi raw ng mga kakampi ni Heart kay Richard, dapat ay hindi muna umeksena si KC, dahil matagal pa naman ang pelikula nila ni Richard.


Eh, sabi naman ng mga kakampi ni KC, ang idol talaga nila ang tunay na girlfriend ni Richard, kaya mas may karapatan ito.


Naku Richard, mahirap talaga ang maging guwapo, `no!


I’m sure, abot-tenga ang smile ng nanay ni Richard ngayon! Ha! Ha! Ha! Ha!




No comments: