GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, June 27, 2008

KC, hindi ‘sasaktan’ ni Richard!

(RUEL MENDOZA)


SA presscon ng bagong endorsement ni Richard Gutierrez na Flawless, nakiusap ang binata ni Annabelle Rama na huwag pangunahan ang sitwasyon nila ni KC Concepcion.


Sabi ni Richard sa mga manunulat, huwag daw sanang madaliin ang ‘unawaan’ nila ni KC, dahil baka maudlot pa ito.


Pero, inaamin din ni Richard na mas maganda ang samahan nila ngayon ni KC, lalo na at madalas silang magkasama.


Sa totoo lang, kapansin-pansin ang ningning sa mga mata ni Richard kapag tungkol kay KC ang tinatanong sa kanya.


Katunayan, parang big­lang kumislap ang mga mata ni Richard nang tanungin siya ng mga manunulat kung nasaang le­vel na ang samahan nila ni KC ngayon.


“Nandoon lang. Basta, happy ako na magkasama kami sa kahit saan, sa project, sa pagta-travel.


“Kami ni KC, nandoon na kami sa moment na kapag magkasama kami, masayang-masaya kami. Masyado na kaming magkakilala.


“Magkakilala at magkaibigan ang mga family namin. We have a common bonding, kaya okey ang samahan namin,” sabi ni Richard.


May nagsabi na doble ang effort ni Richard na magpaguwapo ngayon para kay KC?


“Ahmm.. Hindi naman!


“Okey naman kami ni KC kapag magkasama. Hindi naman ako `yung laging nakaporma kapag kasama ko siya.


“Depende sa okasyon. Minsan nga ‘pag tatambay lang kami, naka-jeans lang ako. Mas maganda ngang ipakita ko agad ‘yung ibang side ko sa kanya.”


Ano ang masasabi ni Richard sa reaksiyon ng mommy niyang si Annabelle, na dapat ay huwag na huwag niyang sasaktan si KC?


“Yes, nagpayo siya sa akin. Siyempre, papakinggan ko ‘yung mga sinasabi nila. Pero ang importante sa akin ay ‘yung sa aming dalawa ni KC, kung ano ‘yung nararamdaman ko at nararamdaman niya.


“Siyempre, hindi ako magpapa-apekto kung ano ang sabihin nila. Ang importante kung ano ang na­raramdaman namin ni KC.


“Naiintindihan ko naman ‘yung point nila na gusto nilang ingatan ko si KC, dahil friends ang family namin. Wala silang dapat alalahanin, kasi maingat naman ako. Iniingatan ko naman si KC,” makabuluhang sambit ni Richard.


Siyanga pala, hindi pa sigurado si Richard kung makakasama pa si Pokwang sa pelikula nila ni KC. Pero, nakarating na kay Richard ang ginawang pangi-spoof ni Pokwang sa kakambal niyang si Raymond Gutierrez.


Aminado si Richard, masakit para sa kanya ang ginawa ni Pokwang kay Raymond.


“Masakit isipin na kailangan pa niyang gawin ‘yun. Sana lang huwag na niyang ulitin,” say na lang ni Richard.


Alam na rin ni Richard na nag-sorry si Pokwang sa TV sa pamilya niya.

Pero, gusto pa rin daw niyang makausap si Pokwang ng personal.

No comments: