Julie Bonifacio
Saturday, June 28, 2008
09:58 PM
For the first time ay kumuha ng major male celebrity endorser ang Forever Flawless sa katauhan ni Richard Gutierrez. Ito rin daw ang unang pagkakataon na nag-endorse si Richard ng isang beauty clinic. Pero may nagtatanong kay Richard kung bakit Flawless at hindi Belo Clinic or Calayan Surgicenter ang ini-endorse niya.
"E, nandun na si Ate [Ruffa Gutierrez] sa Belo kaya ako, dito naman ako sa Forever Flawless. Sister company and this is like family. I'm being part of Flawless, para na rin akong nasa Belo," paliwanag ni Richard sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Inamin ni Richard na nagpupunta rin daw siya noon sa clinic ni Dr. Manny Calayan.
"This is actually my first endorsement for a beauy clinic. Before kay Dr. Calayan, it's because of my mom and my sister. But I'm not really part of Calayan," paglilinaw niya.
Hindi naman daw siya inalok ng Calayan para mag-endorse sa kanila.
"It's an honor for me to be part of Flawless family," diin ni Richard. "I can say now this is the product that is named after me, so I cannot say no to that."
Sabi ng iba, hindi na raw kailangan ni Richard ang isang beauty clinic dahil sa kanyang kaguwapuhan.
"Kailangan yun, e," sabi naman niya. "Hindi naman ako sobra sa pagka-vain. Ang sa akin lang, consistency by taking good care of your skin. I think I'm very blessed kung ano meron ako sa skin ko. Yung pagiging guwapo, it's a blessing and a curse," biro ni Richard.
"No," balik seryoso ni Richard. "Siyempre you have to balance yourself. Hindi kailangang siyempre laging guwapo. Mayroong gising na hindi rin ako guwapo. May off days din."
OFFICIALLY ON? Naitanong din kay Richard ang umuugong na balita na sila na officially ng kanyang katambal sa pelikulang For The First Time na si KC Concepcion. Totoo ba ito?
"Sinabi naman namin sa inyo na hindi kami nagmamadali. Huwag magamadali, relax lang," sabi ni Richard.
Madalas daw kasi silang makitang magka-holding hands kaya duda na mag-on na sila ni KC.
"Wala pa," tanggi niya. "Pareho lang kaming sweet sa isa't isa. We treasure each moment together. Yun nga, kami ni KC, doon lang kasi sa moment na laging magkasama kami kaya masaya. Masaya lang kami.
"Kami ni KC ngayon, we're taking things step by step. Kami ni KC , hinahayaan namin na mag-enjoy kami sa company ng isa't isa. Nagkakaalaman kami nang husto. So sa movie namin, there's a big possibility na magkakilala kami nang husto. Kaya we're just taking it slow. Let it flow."
Kapag magkasama sila ni KC, napapansin ng marami na mas showy ang dalaga sa kanyang feelings towards Richard.
"She's just very sweet," sabi naman ng young actor.
Bukod sa holding hands, kailan naman niya hina-hug si KC?
"Kapag kailangan niya ng hug," nakangiting sabi niya.
May kissing scene ba sila sa first movie nila together?
"Depende," sagot ni Richard. "I'm not sure yet. Kung meron, I think it's an important factor to our movie. Kinakabahan nga ako, e. Hindi pa kami dumarating sa point na yun kasi di pa napapag-usapan ‘yan.
KC'S DEBUT ALBUM. Sa debut album ni KC, nakasama ang favorite song ng ex-boyfriend niya na si Lino Cayetano, ang "Imagine."
"Ah, ganoon ba? Hindi ko alam yun," reaksiyon ni Richard.
Nagselos ba siya?
"Hindi, hindi ako seloso."
What about Richard, may favorite song din ba siya na nakasama sa album ni KC?
"Favorite ko sa album niya yung ‘Dobidoo.' Nung natapos niya ang album, una niyang ipinarinig sa akin. Nagustuhan ko yung ‘Dobidoo' niya."
RUFFA'S SUITOR. Ano naman ang masasabi niya sa manliligaw diumano ng kanyang Ate Ruffa?
"Talaga? That's good. I'm happy for her. She's doing well in her career. I'm happy for her. Sana lang makatagpo siya ng lalaking magmahal talaga sa kanya. Okey lang na mag-boyfriend si Ate, pero huwag siyang magmadali. Pero okey lang."
Nakilala ba niya ang manliligaw ng ate niya?
"Hindi ko pa siya nakikilala. Nakita ko pa lang siya. Mukhang giant, e," lahad ni Richard.
Napansin daw ni Richard yung sinasabing suitor ni Ruffa sa party ng ate niya.
"Pero hindi ko alam na poporma siya. But you cannot miss him dahil ang tangkad niya."
POKWANG'S SPOOF. Lastly, nagalit ag mommy ni Richard na si Annabelle Rama sa ginawa ni Pokwang na panggagaya sa kanila ng kambal niyang si Raymond Gutierrez sa show ng komedyana sa Music Museum. Ano ang masasabi ni Richard dito?
"Kasi hindi rin magre-react ang mommy ko kung walang nag-text sa kanya. Hindi ko rin alam yun, e. May nagsabi sa amin. Hindi namin siya [Pokwang] kilala. Hindi naman kailangang gumamit ng ibang artista para magpatawa. Siyempre, sino na ang may gusto na babuyin ka sa stage?" reaksiyon ni Richard.
Lingid sa kaalaman ni Richard, makakasama niya si Pokwang sa For The First Time bilang yaya ni KC.
"Ah, talaga? E, di may konting excitement sa set," nakangiting sabi ni Richard na tila may ibig ipakahulugan.
"She already asked an apology sa TV. Pero kung mag-a-ask ulit siya personally, huwag na sa TV-TV. Masakit lag kasi siyempre hindi na niya kailangang gawin yun. Huwag na lang niyang gawin ulit ‘yon," pagtatapos ni Richard.

No comments:
Post a Comment