GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, June 26, 2008

KC Concepcion and Richard Gutierrez both excited and happy on their first time to shoot scenes together

Julie Bonifacio
Tuesday, June 24, 2008
02:03 PM

Finally, nagtagpo na sa set ng kanilang first ever movie together sina KC Concepcion at Richard Gutierrez. Nagkaeksena na rin sila for their Star Cinema movie na For The First Time.

Sa unang araw ng kanilang shooting, masayang-masaya sina KC at Richard na magkasama sa set.

"It's fun, it's good! It's our first scene together. Kasi nagsu-shoot na ako for the last four days. Ang saya na may kaeksena na ako. I'm really happy na finally, we're doing scenes together na," sey ni KC sa The Buzz.

"Matagal-tagal ko nang hinintay itong first day ko. First scene ko with KC at Direk Joyce [Bernal]. It's fun, kasi lahat bago sa kanya [KC]. We just want her to have fun," sabi naman ni Richard.

UNUSUAL SWEETNESS. Sa kanilang mga kilos-ang kakaibang sweetness at pagiging sobrang close sa isa't isa-mahihinuha ng sinumang makakakita na may espesyal nang namamagitan sa kanilang dalawa. Mag-on na nga ba sina KC at Richard?

"Friends, friends kami! Wala, wala! Next time na lang yun! ‘Pag mas marami na kaming nagagawa for the movie. First day pa lang. Ha-ha-ha!" natatawang biro pa ni KC.

"First day pa lang natin, ‘di ba? Marami pang mangyayari, ‘di ba? Enjoy kami ‘pag magkasama kami. Tingnan natin kung ano'ng mangyayari along the way," makahulugan namang sabi ni Richard.

GOING TO GREECE. Sa July 14 pala nakatakdang umalis sina KC at Richard for Greece kung saan kukunan ang iba nilang mga eksena para sa kanilang first movie.

"Excited kami kasi parehong first time namin na pupunta sa Greece," sabi ni KC.

Kung excited ang dalawa sa kanilang pagsasama, ngayon pa lang, marami na sa kanilang fans ang excited na ring naghihintay na mapanood ang kanilang first team up.

No comments: