GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, November 25, 2007

Abante Tonite
Alindog ni Marian, puring-puri ni Richard
Rey Pumaloy



Wala na ngang maisagot si Richard Gutierrez sa entertainment press kapag kinukumusta sa kanya ang dati niyang ka-loveteam na si Angel Locsin.Sabi ni Richard, matapos ang syuting nila ni Angel para sa isang shampoo sa Thailand ay hindi na sila nagkausap muli.Sabi pa ni Richard, busy rin siya sa Kamandag at alam niyang busy rin si Angel sa trabaho nito sa ABS-CBN.Pero, sinisiguro ni Richard na friends pa rin sila ni Angel at hindi magbabago `yon, kahit ano pa ang mangyari.Anyway, si Marian Rivera nga ang napipisil na makapareha ni Richard sa isang pelikula. At para sa kanya, pasadung-pasado si Marian.Say ni Richard, bukod sa maganda ay charming pa si Marian. Hindi nga raw kataka-taka kung ligawan ni Richard si Marian.Pero, ngumiti lang si Richard, sabay puri sa kagandahan ni Marian. Sabi pa niya, kahit sinong lalake ay magugustuhan si Marian.Pero, iginiit ni Richard na wala muna siyang panahon ngayon sa mga babae. Marami raw kasing naglalarong project sa kanyang utak na kailangan niyang pagtuunan ng pansin.Well, kapag walang lovelife si Richard at puro trabaho ang nasa utak, ang mommy niyang si Annabelle Rama ang siguradong tuwang-tuwa."Hindi ko alam kung natutuwa si mommy dahil wala akong lovelife ngayon. Si mommy kasi, biglang naghahanap ng girlfriend ko kapag wala akong girlfriend."Siya pa ‘yung nagsasabi sa akin na bakit daw ako nakipag-break, eh, ang bait-bait daw nu’ng girl. Ganun si mommy."Teka lang, hanggang kailan kaya siya makakatiis na walang babae sa buhay niya?"Hindi ko alam. Pero sana mapanindigan ko. Kapag iniisip ko ang mga schedules ko, alam ko na agad na magiging unfair lang ako sa babae kapag nakipagrelasyon ako."Pero nandiyan naman ang family ko," say na lang ni Richard.



credits to: chardgelmarie2007

No comments: