GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Saturday, November 24, 2007

JUN LALIN
Abante Tonite
November 16, 2007


Kahapon nag-first shooting day si Richard Gutierrez sa Valentine movie nila ni Marian Rivera under GMA Films and Regal Entertainment, at nag-live chat siya sa igma.tv ng GMA 7.Isang oras lang ‘yon, kaya ang sey sa amin ng mga tagahanga ng bida ng Kamandag, sana ay magkaroon ‘yon ng part 2.Aba, pati fans ni Richard sa New York (at iba pang lugar sa Amerika at sa Europe na rin) ay nagpuyat para maka-join sa live chat na ‘yon ng kanilang idolo, huh!Oo nga pala, excited na ang mga tagahanga ni Richard sa pagsisimula ng Kamandag sa Lunes. Miss na miss na kasi ng kanyang mga tagahanga ang binata sa Telebabad ng Siyete.Sa Amerika ay sa Disyembre pa magsisimula sa GMA Pinoy TV ang Kamandag, kaya may mga die-hard kay Richard na nag-uutos sa kanilang mga kakilala sa Pilipinas na i-tape na lang ang bagong show ni Richard at saka ipadala sa pamamagitan ng internet.Sa live chat ni Richard kahapon ay pinasalamatan niya ang kanyang mga tagahanga na sumusuporta sa kanya.Lahat ng kanyang mga tagahanga ay nangakong susuporta sa Kamandag.

No comments: