GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, November 29, 2007

Kamandag's Wednesday Episode


Maganda ang Wednesday episode ng Kamandag. Umpisa pa lang ay punong puno na ito ng action. Tinulungan ni Vergel ang batang tinangay ng mga hold upper upang gawing hostage laban sa mga Pulis. Dinala ng mga ito ang bata sa isang Basketball Gym kung saan may isang taong nakakita sa mga pangyayari.



Nagawang sagipin ni Vergel ang kawawang bata, nakilala cya nito. Sabi ng bata "sinabi ko na nga ba super hero ka", ngiti lang ang sagot ni Vergel. At sinabi niya dito na sekreto lang nilang dalawa ito.


Dito narealize ng binata kung ano ang papel nya sa mundo at ano ang kelangan niyang gawin. Kaya umuwi na rin cya sa wakas sa kanila dahil nahanap na niya ang kasagutan sa kanyang mga tanong. Sa pag uwi nya ay naghihintay ang kanyang kababatang c Lily at ang kanyang kapatid. Sa katuwaan ni Lily ay hindi niya namalayang naakap na pala niya c Vergel (Kilig ako).

No comments: