GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Saturday, November 24, 2007

Alan Diones
Abante Tonite
November 15, 2007

Ang laki-laking tao ng Filipino-Italian-American UFC (Ultimate Fighting Championship) fighter na si Brandon Michael ‘The Truth’ Vera pero ‘kaaliw itong kausap dahil parang bata.English ang mga tanong namin sa kanya sa press launch ng Kamandag pero Tagalog ang mga sagot niya kaya Tinagalog na namin ang pakikipagtsikahan sa kanya.6’2" ang height at ang laki ng katawan ni Brandon, na pinapunta rito ng GMA para maging martial arts trainor ni Richard Gutierrez sa Kamandag.Pagdating sa pag-arte ay si Richard naman daw ang acting coach niya dahil may special cameo role siya bilang assassin sa bagong telefantasya ng Siyete. Magaling ba siyang umarte?"Hindi ko alam! Magaling ba? Okey lang! Ha! Ha! Ha!" sagot sa amin ng 30-anyos na blackbelter ng Brazilian Jiu-Jitsu.Almost 3 years nang kasal si Brandon sa magandang wife niyang si Kerry (American-Yugoslavian Czechoslovakian-Spanish) na isang kickboxer.Paalis na siya bukas ng ‘Pinas para samahan si Kerry sa laban nito sa London.Nagbubugbugan ba sila ng misis niya ‘pag nag-aaway sila?"Hindi, hindi kami nag-aaway. Sobrang tahimik sa bahay namin!" dayalog niya.Muntik nang matupok sa malawakang forest fires kamakailan ang bahay nila sa San Diego. CA. Kasama sina Brandon sa mga nag-emergency evacuation pero mabuti’t hindi nadamay ang house nila.Napa-"Shittt!" siya, sabay tawa nang kumustahin namin ang kanyang sexlife.Sa tanong namin kung bakit wala pa siyang anak hanggang ngayon, ang sagot ni Brandon ay lagi raw kasi siyang nagbibiyahe kung saan-saan para sa kanyang international fights.Hindi kaya baog siya?"Ano? Oh, no! Hindi! I don’t shoot blanks! Ha! Ha! Ha!" tawa ng nakaaaliw na si Brandon Vera.

No comments: