GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, November 25, 2007

November 25, 2007
Dennis Trillo nilampaso ni Richard Gutierrez
By: Ed De Leon



TALAGANG kailangan pa rin naman pala ang stars na may malakas na following para masiguro ang ratings ng isang TV show. May mga nagsasabi nga sa amin na nasira na ang star system sa ating bansa nang sumikat ang ibang TV shows na walang masyadong malalaking stars.
Pero, nang ilabas iyong bagong serye ni Richard Gutierrez (Kamandag), at sa unang araw pa lamang ay tinalo na nito ang tele-serye ni Dennis Trillo na biglang bagsak sa No. 3 spot, aba , eh, maliwanag na lamang pa rin talaga ang sikat na mga star.May nagsasabi naman na baka kaya ganoon ang nangyari ay dahil parang bagsak ngayon ang popularidad ni Dennis Trillo dahil sa hindi magagandang tsismis na kanyang kinasangkutan. Eh, papaano mo naman maipapaliwanag iyong marami pa siyang ibang young stars na kasama roon at hindi pa rin sila makaabante laban kay Richard?

1 comment:

Anonymous said...

that's because Richard Gutierrez's been a bigger star and will always be a bigger star!