GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, November 25, 2007

RICHARD, EXCITED KAY MARIAN
Jun Lalin
Abante Tonite
November 24, 2007



Dumalaw ako sa shooting ng A Very Special Love, ang Valentine movie nina Richard Gutierrez at Marian Rivera under GMA Films/Regal Entertainment, Inc.Sa isang car shop sa EDSA, Greenhills ang locatiion nila that day. Nandoon sina Richard, JC de Vera, Ehra Madrigal, Paolo Paraiso at iba pang artista. Hindi kasama sa shooting si Marian.Ang dinig ko, nakapag-shooting na si Marian, pero sa Disyembre na uli siya magre-resume ng shooting dahil aalis sila ni Dingdong Dantes para sa launching ng GMA Pinoy TV sa Las Vegas, Nevada.Going back to the shooting of A Very Special Love, naikuwento sa akin ni Richard na excited siya sa first team-up nila ni Marian. Noon pa niya kakilala ang dalaga at nakakakuwentuhan na niya ito, pero first time nilang pagsasama ito sa isang project.Very positive si Richard sa pelikulang ito.Siyanga pala, masaya rin si Richard sa magandang feedback sa Kamandag, ang ahaserye niya sa GMA 7.

No comments: