GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Saturday, November 24, 2007

Noel Asinas
Journal Online
November 22, 2007


BITIN si Brandon Vera sa paglabas bilang assassin sa Kamandag. Nasa opening episode siya ng soap nu’ng Monday, na naka-42.7 percent rating.
Kaya, nagpasabi siya sa production na babalik siya sa Pilipinas sa December. Naging maganda ang bonding ni Brandon sa bidang si Richard Gutierrez sa loob ng dalawang linggo niyang pag-i-stay sa Manila.
Bukod dito, titingin na raw si Brandon ng bahay sa Pilipinas para may matuluyan tuwing nasa bansa. Gusto niyang mag-share sila ni Richard ng bahay dahil wala naman siya lagi rito. May trabaho pa rin si Brandon abroad. Siya ang may-ari ng pinakamalaking gym sa San Diego, California, at aktibo bilang player ng Ultimate Fighting Champion (heavyweight division).

No comments: