GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, November 25, 2007

Kapatid ni Brandon, crush na crush si Richard
Journal Online

November 25, 2007 06:40 PM Sunday
By: Noel Asiñas

GUSTONG bumalik agad sa Pilipinas ni Brandon Vera dahil nami-miss na niya ang buong cast at staff ng Kamandag. Mahusay ang naging pag-aasikaso ng mga ito sa kanya habang naririto, kaya feeling ni Brandon, kulang ang ginawang two-week stay sa bansa. Isa pa, gusto rin niyang ituloy ang nasimulang pag-aartista, kaya naman panay ang text niya sa mga kasamahan sa Kamandag, kung saan bukod sa pagiging personal fight instructor ng bidang si Richard Gutierrez, ginagampanan din niya ang papel ng isang hired assassin. Ang promise raw ni Brandon, babalik siya bago mag-Pasko at dapat, hintayin siya ng Kamandag cast and staff bago sila mag-Christmas party.
* * *
PAGBALIK ni Brandon, isa rin sa mga pag-uusapan ay ang negosyong itatayo nila ni Richard Gutierrez dito sa Manila. Nakatakda rin siyang bumili ng bahay na paghahatian din nila ni Richard. Puring-puri ni Brandon ang anak ni Annabelle Rama. Sobrang bait daw nito’t hindi feeling superstar. Sikat daw si Richard sa Filipino community sa America dahil sa GMA Pinoy TV. Pati sister nga raw niya’y crush na crush ang kakambal ni Raymond. Ang hindi nabanggit ay kung isasama rito ni Brandon ang kapatid na dalaga para personal na makilala si Richard.

1 comment:

Anonymous said...

who could not have a crush on Chard? People with no taste I assume..lol