GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, November 26, 2007

By: Ed De Leon
November 26, 2007
Journal Online
DREAM



NAPAKALAKAS talaga ng dating ng bagongs serye sa telebisyon ni Richard Gutierrez na may titulong Kamandag. At marami nga ang nagsasabi na ilang panahon pa at posibleng malampasan pa nito ang ratings ng Marimar. Maganda kasi ang pagkakagawa ng Kamandag at sa palagay namin ay talagang pinagsikapan ng GMA-7 na tumindi para mapatunayang kaya nilang ulitin talaga kung ano man ang nagawa na nila noon kay Angel Locsin. Akala namin noong una ay pre-sold na nga ang kuwento ng seryeng iyan. Pero, hindi pala iyong serye ni Carlo Caparas na inilabas sa People’s Journal noon ang pinatakbo nilang kuwento kungdi nilagyan ng Kapuso network ng sarili nilang version. Mayroon silang bagong characters na fictional at ang dating nga ng serye, kung kami ang tatanungin, ay mas matindi pa roon sa Mulawin na ginawa nila noon na nag-set ng panibagong trend sa telebisyon. Fantasy pa rin ang dating ng Kamandag ni Richard, na sinasabi nga nilang mukhang siya lang ang makagagawa dahil iyon daw hitsura ni Richard ay mukhang bida talaga sa fantasy series. Kung gayon puwede nang koronahan si Richard Gutierrez na “hari” ng mga fantaserye.




Nagmukha ngang bilasa iyong ibang mga naunang shows na mabilis nilang tinalo sa ratings. At ngayon, sinasabi ng observers na mukha ngang hindi uubra sa seryeng iyan kahit na ang isa pang series na bida si Angel Locsin na maaaring ilabas ng kabilang network.



Sa nakikita namin ngayon, mukhang puro matitinding serye ang inilalabas ng Channel 7, dahil siguro nga, gusto nilang matiyak na hindi makakalaban sa ratings ang anumang show na gagawin ni Angel Locsin sa kalaban nilang istasyon. Oras nga namang mangamote si Angel, who will have the last laugh?

No comments: