GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Saturday, November 24, 2007

Bagsik ng 'Kamandag'!
Alfie Lorenzo



ISANG oras na makulay at maaksyong mga eksena ang ipalalabas ngayong hapon (Sabado), dahil masisilip na ang isang espesyal na dokumentaryo sa likod ng pinakamaganda, pinakabongga at huling telefantasya ng GMA-7 sa taong ito, ang Kamandag."Ang Bagsik ng Kamandag," ang primer ng pinakabagong telefantasya ng GMA-7. Kasama siyempre ang bida ng Kamandag na si Richard Gutierrez bilang host.Ipakikita sa "Ang Bagsik ng Kamandag" ang isang dokumentaryo na mistulang all-access backstage pass sa mundo ng mga Ambog.Mala-video diary ang primer na ito, na magdadala sa mga manonood sa set ng Kamandag.Kakapanayamin ni Richard ang kanyang mga kasamahan sa Kamandag, kabilang na ang kanyang mga leading ladies na sina Maxene Magalona at Jewel Mische at sa mga batikang direktor ng Kamandag na sina Mark Reyes at Topel Lee. Mayroon ding one-on-one interview si Richard sa comics-genius na si Carlo J. Caparas na siyang lumikha ng karakter ni Kamandag.Mapapanood din sa "Ang Bagsik ng Kamandag" ang matinding training na pinagdaanan ni Richard sa kamay ng mixed martial arts expert at international Ultimate Fighting Championship superstar na si Brandon Vera.Ipakikita din sa primer ang magagarang costumes na likha nina Noel Flores at Bill Gustilo at dadalhin din ang mga manonood sa rainforest set, na likha naman ng batikang production designer na si Rodel Cruz at ng kanyang grupo.Matutunghayan din ang ilang bahagi ng pinag-uusapang Kamandag press launch, na sinasabing pinakamaganda at pinakaengrandeng press launch na ginawa ng isang TV network.Ang Kamandag ay kuwento ng binatang si Vergel na magiging pinakabagong superhero ng bayan, dahil sa kanyang natatagong kapangyarihan na tulad ng sa ahas.Makakasama ni Richard sa pinkaengrandeng telefantasya sa taong ito sina Johnny Delgado, Mark Anthony Fernandez, Ariel Rivera, Zoren Legaspi, Maxene Magalona, Ehra Madrigal, Jewel Mische, Francine Prieto, Benjie Paras, Ronaldo Valdez, Emilio Garcia, Mike Nacua, Melissa Mendez, Rainier Castillo, Elvis Gutierrez at ang pinakabagong miyembro ng Kapuso Network na si Eula Valdez.

No comments: