GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, March 11, 2008

Abante
Jun Nardo



Sumimple pala si Richard Gutierrez papun­tang Amerika upang tanggapin ang award niya sa Kodak Theater sa Hollywood last March 7.


Ito ‘yung event na dinaluhan din nina Tito, Vic and Joey, Francis Magalona at iba pa na­ting sikat na celebrities.


First award ngang maituturing ito ni Richard kaya kesehodang ilang araw lang ang stay niya roon, sulit naman ang pagod na nangyari sa biyahe, huh!


At least, naka-attend na siya ng awards night, makakapanood pa siya ng laban ni Manny Pacquiao.


Mabuti na lang at nakapag-advance taping na ang aktor para sa series niyang Kamandag. Malapit na rin kasing magwakas ang serye at kung magkakatotoo, isang drama naman ang gusto ng fans niya na gawin niya.


Ngayong gabi nga pala sa Kamandag, mamamangha si Haring Gulag (Zoren Legaspi) sa husay ni Kamandag na gumamit ng sepulkra.


Samantala, malala­man naman ni Reyna Kuran (Francine Prieto) na si Boyong ang anak ni Ragona (Sunshine Dizon) kaya kanyang papatayin ito!

Maligtas naman kaya ni Kamandag si Boyong sa kamay ni Reyna Kuran?

No comments: