GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, March 4, 2008

Abante Tonite
JUN LALIN


Sa Huwebes na ang alis ni Richard Gutierrez ng Pilipinas papunta sa Los Angeles, CA para um-attend ng Visionary Awards sa Kodak Theater, Hollywood (kung saan ginaganap ang Oscars) sa Biyernes.

Maraming fans ni Richard ang tuwang-tuwa nang i-announce na makaka-attend si Richard ng awards night na ito.

Noong una kasi, muntik-muntikang hindi matanggap ni Richard ang pag-attend sa event na ito dahil busy siya sa taping ng Kamandag, pero nagawan ng paraan na makapag-advance taping siya, kaya tuwang-tuwa ang producer ng Visionary Awards na si Ramil Gonzales.

Maraming fans si Richard mula sa iba’t ibang lugar sa Amerika ang mag-aabang sa kanya sa Kodak Theater.

Pagkatapos ng awards night na ito, magba-bonding si Richard at ang mga kapatid na sina Elvis at Ritchie Paul.

Susunod sa kanila sina Bisaya at Eddie Gutierrez at manonood sila ng Pacquiao-Marquez bo­xing fight.

No comments: