Rey Pumaloy
Ngayong April na matatapos ang Kamandag ni Richard Gutierrez. At ngayon pa lang, pinaghahandaan na umano ang bagong serye na gagawin niya sa GMA 7.
Base sa narinig kong impormasyon, pinaghalo-halong “Rush Hour”, “Bourne Identity”, “Mission Impossible” at “X-Men” ang concept ng bagong serye ni Richard.
Sabi pa, mistulang si Wolverine ng X-Men ang gagawing karakter ni Richard. Well, hindi naman katakataka na ganito kataray ang concept ng bagong serye ni Richard, dahil kasama siya mismo ng writer na si RJ Nuevas at GMA big boss na si Annette Gozon-Abrogar sa paggawa ng konseptong ito.
Sabi nga, malaki ang tiwala ng Kapuso Network kay Richard, lalo sa kaalaman nito, o sa pagiging creative nito.
Ito nga raw ang kauna-unahang pagkakataon na umupo nang husto si Richard para ilahad ang kanyang mga ideya sa gusto niyang klase ng programang lalabasan.
Natuwa naman ang Siyete sa interest ni Richard na makialam sa creative side ng show na parang pang-Hollywood ang dating.
Ayaw lang ipasabi ng source ang ibang konkretong detalye. Pero, sa abroad daw kukunan ang ilang malalaking eksena ng bagong serye ni Richard.
At kung walang susulpot na problema, sa katapusan ng Abril sisimulan ang taping nito.
Siyanga pala, nung oras na dumalaw kami sa taping ng “Kamandag” ay inaapoy ng lagnat si Richard. Pero, kung iniisip niyo na nagrereklamo siya dahil maysakit siya, tila naaliw pa ito sa kanyang sitwasyon.
Sabi ni Richard, naninibago raw kasi siya dahil ngayon lang siya nagkasakit. Ngayon lang daw siya tinamaan ng trangkaso.

No comments:
Post a Comment