GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, March 18, 2008

Jun Lalin
Abante-Tonite


Nakasama ko sa Las Vegas si Jobert Sucaldito na nagbabakasyon nga­yon sa Amerika.

Noong bisperas ng boxing fight ni Manny, pinuntahan ko si Jobert sa Luxor Hotel kung saan siya nag-check-inn.

Niyaya ko siyang pumunta ng MGM Hotel at nakita namin doon ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Kasama nila si Jean Saburit na nagkuwento sa akin na nandoon din ang anak niyang si Nicole Anderson.

Tapos na ang problema nina Jean at Nicole. Back to normal ang mag-ina.
Si Bisaya naman, sobrang sweet kay Tito Eddie habang nakikinig ng music sa isa sa mga bar ng MGM Hotel.

Si Richard Gutierrez ay hindi kasama ng mag-asawa. Ang mga kapatid na sina Ritchie at Rocky ang kasama ng bida ng Kamandag.
Nagba-bonding daw ang magkakapatid.

Noong Linggo, bumalik na ng L.A. ang magkakapatid at sina Tito Eddie at Bisaya.
Malamang na maunang bumalik ng Pilipinas si Richard at aalis din siya kaagad papuntang Japan kung saan ay may Grand Kapuso Fans Day sa Sabado’t Linggo.

No comments: