Source: Abante-Tonite
Asong mapanghi o isdang malansa?
Alfie Lorenzo
Superganda ang live ending ng Marimar as expected. And equally expected is the ratings na lumampas ng 50%.
Nakagawian nila “to quit while on top” (a casino policy but never quite followed by any gambler!), tulad ng Magpakailanman na namamayagpag pa sa ratings pero winakasan na dahil wala na silang matinong materyales pang mailalabas at baka mauwi lang sa pagsasalsal ng kuwento.
Ayaw mang bumitiw ng mga manonood ay hanggang doon na lang ang istorya ni Marimar.
Tingnan n’yo nga ‘yan. How time flies indeed! In so short a time, nakalikha kaagad ang GMA-7 ng isang star in Marian Rivera (daughter kaya ni Ariel Rivera at apo ni Apolonio Rivara? Go and ask that in the Senate, Senator Lapid!). Parang kelan lang na namumroblema especially si Redgie Magno dahil sa paglayas ni Angel Locsin sa blessed seat nito sa GMA-7.
Heto at kinoronahan na si Marimarian. Asan na ang Angel na pinalitan ni Marian, may balita ba kayo kung naging aso na?
Ano na ang nangyari sa kanya? Sa career niya? Ay sus naman kayo. Eh di nga ba, sinabi n’yong napalitan na ni Marian Rivera -- eh napalitan na nga!
Hmph! Ang kulit, huh!
Richard Gutierrez versus Piolo Pascual? Ay excuse me! Tili ni Bisaya, the ‘monster mom’ – “No match, ‘dong!” Which is true naman, “May international award na ang anak ko, ‘noh!”
Ay, oo nga naman pala! Considering known green card holder si Piolo Pascual pero hindi siya recognized doon. Naunahan pa siya ng American citizen na si Richard magka-award doon kesa sa local.
Kinoronahan na si Richard ng publiko locally by making him television’s teleserye-fantaserye king with the consistent five-in-a-row topraters in Mulawin, Sugo, Captain Barbell, Lupin and now Kamandag.
Sa pelikula, nagkaroon na ng head-on collision sina Piolo at Richard. Inilampaso sa takilya ng Let the Love Begin ni Richard ang Dreamboy ni Piolo.
Considering first starring role ‘yun ni Richard at si Piolo ay naging certified hitmaker lang pag si Juday ang kapareha niya -- producers took notice of Richard’s strong box-office come-on.
Hindi ba’t iniwasan na ng Star Cinema na tumapat sa alinmang pelikula ni Richard kapag Valentine playdate? Hayan at umiwas si Sam Milby sa My Bestfriend’s Girlfriend at end of the month inilabas ang kanyang My Big (Flop?) Love.
Heto na ang pinakaiiwas-iwasan ng Star Cinema, ang Valentine offering nina Richard Gutierrez at Judy Ann Santos next year!
And who’s gonna produce it? Richard and Ryan Agoncillo, of course!
GMA Livestreaming: Thanks to mytvko
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment