GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, March 18, 2008

Kapuso stars, nanggulo sa Panagbenga!

People's tonight
March 18, 2008 07:15 PM Tuesday


MALAKAS man ang ulan, hindi natinag ang fans na matiyagang naghintay sa event center ng SM Baguio.

Nagsumiksik at nakisilong ang ilan sa mga nagbukas ng kani-kanilang payong at tuluy-tuloy na nakisaya sa Telebabad stars na kasama sa Kapuso mall show, Kapuso Bonggang-bongga sa Panagbenga, sa Baguio City kamakailan.

Pinangunahan nina Kamandag stars Richard Gutierrez, Jewel Mische at Iwa Moto, ESP at Joaquin Bordado leading lady Iza Calzado, Alfred Vargas at Showbiz Central host John Lapus ang mall show.

Ang kuwelang-kuwelang tambalan nina Cookie (Mike ‘Pekto’ Nacua) at Bellie Flory (John Feir) ang nag-host ng event.

Nakabibinging tilian naman ang isinalubong ng mga bata at kababaihan nang tawagin na si Richard sa entablado. Pati ang mga marshal na nagbabantay, napaatras sa biglang paglobo ng tao.

Halatang-halata ang pagkatuwa ng bida ng Kamandag sa maalab na pagtanggap ng mga tao.

Kasama rin ng mga artista ang GMA executives na pinangunahan nina ETV vice president Marivin Arayata, regional TV head Rikki Escudero, ETV senior program manager Redgie Magno, regional ETV program manager Jocelyn Bautista at ETV program manager Rams David.

Bukod sa GMA executives, tuwang-tuwa rin ang SM management sa kinalabasan ng mall show.

Umabot sa tatlo hanggang limang libo ang bilang ng mga taong nanood, ayon sa security ng SM.

Bukod sa Kapuso show, lumahok din ang GMA Network sa float parade. Bilang isa sa mga float na kasali sa non-competing category, ang Kapuso float ang isa sa pinaka-popular kunan ng litrato.

No comments: