GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Saturday, March 15, 2008

Richard, lumapit at bumati sa senior stars

Abante Tonite
Jun Lalin

NORTHRIDGE, CALIFORNIA.­ Ilang mga kasamahan sa panulat ang nag-forward sa akin ng isang mapanirang text message mula sa isang unidentified texter.
Nakasaad doon ang tungkol sa pagtataray ko, na hindi ko ikinakaila.

Why should I deny something na ginawa ko? I just want to make it clear na nagtaray ako dahil may mga rason ako!

Hindi ako magtataray nang basta-basta lang, ‘noh!

Pero dahil nagkaintindihan kami ng taong natarayan ko, ayoko nang i-discuss pa ang aking mga rason kaya ko nagawa ‘yon.

Nag-apologize na sa akin ang taong ‘yon, kaya mas magandang manahimik na lang ako.

***

Isa pang issue na nakasaad sa text message na ‘yon ay nagalit daw sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at Sen. Bong Revilla kay Richard Gutierrez dahil ang mga ito pa raw ang unang nambati sa young actor.

Nang i-forward sa akin nina Reggee Bonoan at Gorgy Rula ang mapanirang text message na ‘yon, pinakiusapan ko sila na huwag na lang patulan.

Nang si Ruffa Gutierrez na ang magtanong sa akin tungkol sa mapanirang text message, sinabihan ko siya na tatanungin ko si Richard tungkol doon, pero ang actress/TV host na mismo ang sumita sa kanyang kapatid tungkol sa bagay na ‘yon.

Nagpaliwanag si Richard kay Ruffa na nilapitan at kinamayan pa niya si Sen. Revilla at mentors niya sina Tito, Vic and Joey kaya hindi niya magagawa ang ganoong ibinibintang sa kanya.

Noong Huwebes na kadarating pa lang ni Richard (kasama ang kapatid na si Ritchie Paul at sina Lorna Tolentino, Rudy Fernandez, Raphael Fernandez at Mike Enriquez), nagkita-kita sila nina Tito, Helen Gamboa, Ciara Sotto at Ms. Malou Choa-Fagar sa lobby ng Universal Hilton at nagtsikahan sila.

Nang rebyuhin ko ang mga video na kinunan ko sa Kodak Theater, nakita ko na magkatsikahan sina Richard at Joey sa stage habang kumakanta si Kuh Ledesma.

Magkasama sa Nuts Entertainment sina Richard at Joey, kaya imposibleng hindi batiin ni Richard ang komedyante.

Hindi ko na sana sasagutin ang isyung ito, pero kahapon ay may nag-text sa akin para sabi­hing may lumabas sa isang pahayagan na ang intrigang nabanggit tungkol kay Richard ay kagagawan daw ng kanyang publicist (ang inyong lingkod) at sinend ko raw ang text message na ‘yon sa isa sa mga cellphone ko.

Nakalolokah! Kami na nga ni Richard ang biktima ng mapanirang text message na ‘yon, ngayon ay gusto pang palabasin ng iba na gimik ko ‘yon.

Naku, hindi ko pina­ngarap na siraan ang sarili ko at si Richard para gumimik at mapag-usapan!

I have better things to do at nag-e-enjoy ako sa bakasyon ko rito sa Amerika!

***

May Noranians na nag-text sa akin at nagpapasalamat dahil sa pagpa-publish ko ng litrato ni Richard kasama si Nora Aunor.

May ibang nagre-request na balitaan ko sila tungkol sa superstar.

Sa totoo lang, nang makita ko si Mama Guy sa Kodak Theater, natuwa ako nang batiin niya ako kaagad. Halata ko ang excitement sa kanyang mukha pagkakita sa akin.

Konting kumustahan at pareho na kaming pumasok sa Kodak Theater.

After ng Visionary Awards, dumeretso na ako sa Full House restaurant sa Chinatown with my friends (Sheila Marie Irao, Rose Brooks, Lilian Kingman and Violeta Caballero).

Nagkita na naman kami ni Mama Guy sa lugar na ‘yon at magiliw na naman siyang bumati sa akin. Kasama niya ang ilang mga kaibigang Pinoy.

Nang paalis na si Mama Guy sa restaurant na ‘yon, muli siyang lumapit sa akin at nagpaalam at ipi­nakilala ko siya sa aking mga kaibigan.

Maganda nga­yon si Mama Guy. Fresh ang kanyang dating at mukhang wala na siyang problema.

Masaya na ang aura ni Mama Guy!

No comments: