GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, March 13, 2008

Fans nina Richard at Marian, may petisyon sa GMA 7!

Abante
Alfie Lorenzo




NAGPI-PETISYON sa pamamagitan ng e-mail ang mga fans nina Richard Gutierrez at Marian Rivera. Aba, parang bitin na bitin sila sa My Bestfriend’s Girlfriend, kaya heto at gusto na agad nila na masundan ang pagsasama ng dalawa, ha!


Kulang-kulang sa isandaan ang pumirma sa petisyon na ito ng mga fans nina Richard at Marian, na gusto nga nilang iparating sa GMA 7.


Ang petisyon nila, sana raw ay i-remake ng GMA ang Full House, na pinagbidahan nina Rain at Song Hye Kyo.


Si Rain ang gumanap na Justin Lee at si Song Hye naman ang gumanap na Jessie Han sa Full House.


Ito nga `yung kuwento ng dalawang tao na nagsama sa isang bahay, at mistula silang mga aso at pusa, na madalas na nag-aaway, nagkukulitan, at sa bandang huli ay nagmahalan.


“Bagay na bagay sila dahil tested na ang kulitan and kakuwela­han nilang dalawa sa sa BFGF! At naalala niyo, may scene din sila doon na kinagat pa si Richard sa daliri ni Marian, habang nag-aagawan sila ng lisensiya. Eh, sa Full House, kinagat din ni Jessie si Justin,” sabi pa ng isang fan.


“Bagay na bagay sa kanila ‘yon dahil pareho silang magaling sa co­medy,” hirit naman ng isa pang fan.


“Bagay talaga kina Marian and Richard ang Full House, kasi pareho silang magaling sa drama and comedy. Lalo na si Marian, kayang-kaya niya ang mga hirit ni Jessie Han.”
“Sa totoo lang, sila lang ang naiisip kong babagay sa Full House. Hay naku, sorry na lang sa mga fans nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.”


“Kuwela sila sa BFGF. I would like to see them together again in a TV project naman.”
“Kahit na Dongyanatic (fan ni Dingdong Dantes?), mas okey para sa akin ang tandem ni Richard at Marian. They’ve proven sa BFGF na carry nila ang comedy!”
“Hindi ako masyadong fan ni Richard. Pero sa tingin ko, bagay talaga siya na gumanap na Justin. At walang duda na kaya ni Marian ang role ni Jessie.”
“Richard is the best actor to play Justin Lee!”


Oh, hayan, at sangkatutak na request na ang ipinapadala sa amin para lang marinig ng GMA ang side nila na pagsamahin sa TV project sina Marian at Richard.
Pero sorry, kung pagsamahin man ang dalawa, mukhang magtatagal pa `yon, dahil alam naman natin na magiging busy si Marian sa Dyesebel, at si Dingdong Dantes pa rin ang kapareha niya roon.

No comments: