Abante Tonite
Jun Lalin
LOS ANGELES, CALIFORNIA -- Matagumpay na ginanap noong Biyernes sa Kodak Theater (Hollywood and Highland) ang First Filipino-American Visionary Awards, kung saan ay pinarangalan ang ilang mga matatagumpay na kababayan natin.
Isa sa mga artistang ginawaran ng parangal ay si Richard Gutierrez. Tinanggap ng Kamandag star ang Visionary Award for Star Power.
Nag-advance taping si Richard para sa Kamandag kaya personal niyang natanggap ang award na ‘yon.
Medyo kabado si Richard nang mag-acceptance speech siya.
Bago ang awarding ceremonies, nagkaroon ng red carpet, pero hindi na umabot si Richard.
Na-late ang limousine service niya dahil nagkaroon ng aksidente sa may freeway at late siyang nasundo sa Universal Hilton Hotel (kung saan nag-stay ang awardees mula sa Pilipinas).
Akala tuloy ng fans ni Richard (sa pangunguna ng Richard Gutierrez Global Fan Club coordinator na si Marie Irao na galing pa ng San Jose, California) ay hindi na darating ang kanilang idolo, pero ipinaliwanag ko sa kanila na nagkaroon lang ng konting problema.
Kahit pinaaalis na ng Kodak Theater staff sa lobby ang fans ni Richard dahil tapos na ang red carpet ceremony, matiyaga pa rin nilang hinintay ang binata at pagdating nito ay palakpakan sila at panay ang wagayway nila ng tarpaulin ng kanilang fans club.
Na-amuse ang local press at kinunan pa ang fans ni Richard.
Bago pumasok ng Kodak Theater si Richard ay nagpa-picture muna siya sa kanyang fans. Nang papasok na siya, nagkasabay sila ni Nora Aunor.
Tuwang-tuwa si Richard nang batiin niya si Mama Guy at kinunan ko pa sila ng picture.
While waiting for his award, panay ang text ni Richard sa kanyang mommy (Annabelle Rama), na tumawag sa akin para ikuwentong kinakabahan si Richard.
Pagkatapos ng awarding ceremony, naikuwento sa akin ni Richard na lalo pa siyang kinabahan dahil nagdatingan sa Kodak Theater ang members ng kanyang fans club.
‘Yung iba ay galing pa ng New York, New Jersey, Oakland, San Diego at kung saan-saan pa.
Sa tuwa ni Richard, nakipagkita siya sa kanyang fans the next day sa Universal Hilton Hotel. Mahigit dalawang oras ding tsikahan ‘yon with matching buffet lunch.
“I’m really happy with this award and masayang-masaya rin ako dahil nakita ko na rin ang officers and some members of my global fans club,” sey ni Richard.
After ng lunch with his fans, pumunta si Richard sa training ni Manny Pacquiao sa may Vines and Santa Monica.
Hindi ko na nasamahan doon si Richard, pero inabangan siya ni Geleen Eugenio (na kasama sa entourage ni Manny).

1 comment:
i was at the buffet while you guys had brunch and took a pic w/ him near the salads! ahhh! i love him.
http://s160.photobucket.com/albums/t162/crt24/?action=view¤t=richard.jpg
Post a Comment