GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, March 18, 2008

Source: Abante


Wakas ng ‘Marimar’, 52.6 ang rating!




NAGHASIK ng matinding record ang wedding scene o pagtatapos ng teleserye na Marimar last Friday, March 14, kung ang rating na ibi­nigay ng GMA Research ang pagbabasehan.


Sa text na ipinadala ng PR department ng GMA, umabot sa pinakamataas ng rating ang Marimar nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, dahil nakakuha ito ng 52.6 na rating, kumpara sa katapat nitong Palos nina Cesar Montano at Jake Cuenca ng ABS-CBN 2 na 17.3 lang ang nakuhang rating.


Ang maganda pa rito, hindi rin nagpatalo ang Kamandag ni Richard Gutierrez, dahil nakakuha ito ng 43.3 na rating, kumpara sa kalaban nitong Lobo nina Angel Locsin at Piolo Pascual na 21.7 lang ang nakuha.

No comments: