GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, March 17, 2008

JUN NARDO
ABANTE ONLINE



Balik-taping na ng Kamandag si Richard Gutierrez matapos tumanggap ng Visionary Award last March 7 sa Kodak Theater sa Hollywood.


By April kasi ay baka magtapos na ang nangungunang fantaserye kaya patayan na naman ang taping ng buong cast.


Kaya naman papaigting nang papaigting ang nangyayari sa gabi-gabing episode ng Kamandag. Ano kaya ang mangyayari sa mag-amang Abdon (Ariel Rivera) at Lucero (Mark Anthony Fernandez) ngayong nakatakas na si Jenny (Jewel Mische) sa kamay nila?


Magupo na kaya ni Kamandag si Haring Gulag ngayong napasakamay na ng una ang sepulkra na naghatid ng dagdag na kapangyarihan niya?


Ano naman ang magiging misyon ni Ragona (Sunshine Dizon) nga­yong nalaman niyang si Boyong ang nawawala niyang anak?


Puwes, kayo na ang bahalang dumiskubre sa kahihinatnan ng mga pangu­nahing tauhan.

No comments: