GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, March 10, 2008

Abante Tonite
Jun Nardo

Walang padding o dagdag ang kinita ng Regal at GMA Films Valentine movie na My Best Friend’s Girlfriend nina Richard Gutierrez at Marian Rivera.


Tumataginting na P140M in three weeks ang kinita ng movie at nasa fourth week na ito.

Mahihina rin daw kasi ang local films na ipinalabas this week, kaya biglang na-extend sa fourth week ang MBFGF.


No wonder, super-happy si Mother Lily sa resulta ng movie kahit na nga may prediction siyang tatamlay nang husto ang local films this year.


Kung maganda kasi ang prediction, naku, disin sana ay inapura niya ang movie na ginagawa ng Regal ngayon, huh!


Gayunpaman, on going pa rin ang shooting ng ilang Regal mo­vies gaya ng Manay Po 2 at Love Is All That Matters. Sa April na ang si­mula ng My Monster Mom nina Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama.


Kahit tinatamad sa paggawa ng movies, kailangan pa ring makagawa ng pelikula si Mother Lily dahil ayon sa kanya, “Wala akong pera! Ha! Ha! Ha!”


***


Sunday pa ang libing ng mother nina Herbert, Hero at Harlene Bautista na si Baby Maclang Bautista at hindi last Friday gaya ng nasulat ng co-columnist na si Rey Pumaloy. Sa Holy Cross Memorial Park sa Novaliches ang himlayan ng labi ni Mommy Baby after ng morning mass sa Linggo.


Pumasyal kami last Thursday sa lamay ni Mommy Baby. Mara­ming tao sa labas at nasa labas na rin ng Arlington ang mga bulaklak na ipina­dala ng mga nakiramay.


Palabas si Vice Herbert ng chapel nang dumating kami. Sinama­han niya kami na lumapit sa labi ni Mommy Baby. Mangiyak-ngiyak si Vice sa tabi namin at sinasabi sa mommy niyang nasa harap niya kami.


Isa kami sa mga writers na hindi lang kay Mommy Baby malapit kundi sa buong Bautista family. Kaya hindi maiwasang isipin ni Vice ang maganda naming samahan nu’ng buhay pa ang mother niya.


Nakita namin that Thursday eve sina Manay Ethel Ramos at Mario Bautista, direk Boots Plata at Dolor Guevarra.


Dumalaw rin si Aga Muhlach na kaibigan ni Vice at kasama sa Viva movies na Bagets 1 & 2.

No comments: