GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, April 17, 2008

KC, IDEAL GIRLFRIEND KAY RICHARD!

Jun Nardo



TUTOK ang atensyon at isipan ni Richard Gutierrez sa gagawing finale ng telefantasyang Kamandag. Hands on kasi ang aktor sa series dahil bahagi na rin siya ng creative team ng kanyang proyekto.


“Maganda ang ending. lahat nandoon. Action, drama, love story, sex and rock and roll. He! He! He!


“Basta we made sure na maganda ang ending. Maraming revisions sa story! Pinagaganda lang,” kuwento ni Richard sa amin.


Sa totoo lang, hala­tang masaya si Richard sa buhay niya ngayon. Aba, sobra-sobra nga ang kaguwapuhang taglay niya ngayon.


Ang ibig bang sabihin, nahuli na ba si KC Concepcion ng kamandag niya o siya ang tina­maan ng kamandag ni KC?


“Ha! Ha! Ha! Kahapon....” pabiting sagot niya.


Happy ba siya?


“Happy? I am always happy! Hindi. May stunt kami kahapon. Ha! Ha! Ha!


“‘Yung stunt namin, ilang oras ‘yon. Medyo mahirap at isa ako sa nag-choreograph. Medyo mahirap. Ang daming aksidente.


“Basta maganda ang stunts na ginawa ko. Pero kahapon, ‘yon ang pinaka...Nataga ako ni Rocky dito (sa daliri). Masakit.


“I was focused. Hindi naman naputulan ng daliri. Sumabit ako sa harness din. Natutunan ko ‘yon dati pero sumabit sa rehearsals pero nagawa ko naman ng tama,” paiwas na pahayag pa ng aktor.


Kapansin-pansin nga na pagdating kay KC, puro ngiti lang ang isinasagot niya. Ayaw ngang aminin ni Richard kung totoong mag-on na sila ni KC ngayon.


Sabi nga ng mga reporters na kasama namin, parang nagbibinata ang actor, na parang ngayon lang nagkaroon ng dyowa, huh!


“Saan ba ninyo narinig ‘yan (na sila na ni KC)? I’m the last to know. Why? Ha! Ha! Ha!” sagot niya.


“Ang main priority ko, shows ko talaga. Gusto kong panindigan ‘yon,” paiwas na tugon pa rin ni Richard.


Pero siyempre, ayaw naming tigilan si Richard sa pangu­ngulit sa kanila ni KC. Paulit-ulit nga naming tinanong sa kanya kung kumusta na ang sitwasyon nila ni KC.


“Well, birthday niya recently. Wala. Kasabay niya ang birthday ng dalawa kong kapatid, sina Ritchie Paul at Elvis. Same day, April 7,” sabi niya.
Pumunta ba siya sa beach party ni KC?


“Hindi sa Bora ginawa. Bumisita ako! Ha! Ha! Ha!”


Ano ang gift niya kay KC?


“Gift? Secret!


“Tanungin ninyo siya. Ha! Ha! Ha!” maiksing sagot ni Chard.


May mga nagsasabi na natutuwa si KC kay Richard, dahil very vocal ito sa pagsasalita tungkol kay KC.


“Nasabi ko na nga yatang lahat sa kanya! Sa Batangas ‘yung beach sa Calatagan (ginanap ang party ni KC).


“Masaya kami lahat. Nung nakita niya ako, masaya siya. Ayoko ngang magsalita sa party niya kasi hindi siya nagsasalita. Tanungin ninyo na lang siya. Nakakahiya kung ako pa ang magsasalita,” paiwas pa ring sambit niya.


In love ba siya ngayon?


“With may career!”


Pero, mukha kang in love, eh.


“Imagine, hindi pa nga ako in love, mukha na akong in love!” sabi niya.


Hindi siya in love ngayon? Naku, ayaw ni KC ng ganyan?


“In love…”


Ideal girlfriend ba si KC para sa kanya?


“Definitely! Ideal girl talaga siya in all aspects. Just waiting for the right time!” walang kagatul-gatol na sagot ni Richard.

No comments: