GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, April 17, 2008

Richard-KC, masaya sa beach party

Allan Diones

Dati nang guwapo si Richard Gutierrez, pero napansin namin na tila lalo pa siyang gumwapo ngayon. Kakaiba ang aura niya at pati ang mga mata niya ay parang may kakaibang kislap.

Happy ba siya ngayon?

“I’m always happy!” matamis ang ngi­ting sagot ng binata nang makausap namin siya sa Heat (EDSA Shangri-La Hotel) kamakalawa sa pocket presscon para sa nalalapit na pagtatapos ng ‘ahaserye’ niyang Kamandag.

Kumusta na sila ni KC Concepcion? Totoo bang sila na ng dalaga?

“Saan n’yo narinig?? I’m the last to know! Why am I always the last to know?! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Chard.

Kaya ba nagse-set na siya ng time para sa sarili niya dahil may iba na siyang ‘priority’ ngayon?

“Hindi naman. Priority ko ngayon ‘yung shows ko talaga. Kasi nga, part na ako ng creative team. Mas involved na ako ngayon, so gusto kong panindigan ‘yon.”
Saan pumapasok ang personal life o lovelife niya?

“Bihira ngang pumasok, eh! Ha! Ha! Ha!”

Anong update sa kanila ni KC?

“Well, nag-birthday siya. Kasabay niya ng birthday ‘yung dalawa kong kapatid, eh! Si Ritchie Paul at saka si Elvis. Same day, April 7 ‘yung dalawa kong kapatid, siya (KC) April 7 din!”

Inamin ni Chard na pumunta siya sa birthday celebration ni KC na idinaos sa isang beach resort sa Calatagan. Batangas.
Anong birthday gift niya kay KC?

“Secreeettt!!! Ha! Ha! Ha!”

Anong reaksyon ni KC na nagpunta siya sa beach party nito?
“Syempre, masaya. Masaya kaming lahat!”
Sinu-sino ba ang nandu’n? Totoo bang small group of friends lang ni KC ang invited doon?

“Ayokong magsalita. Siya nga, hindi siya nagsasalita about her party, tapos, sa akin pa manggagaling?

“Tanungin n’yo na lang siya. Kasi, hindi pa siya nagsasalita about her birthday, tapos, ako pa ang maglalabas? Nakakahiya naman,” pakli ni Chard.
Inlab ba siya ngayon?

“I’m in love with my job!” pa-safe na sagot niya.
Kita kasi sa itsura niya na inlab siya, eh!

“Gano’n? Hindi pa nga ako in love, mukha na akong in love?” pangiti-ngiting hirit niya.

Hindi pa ba siya inlab?
“I’m in love nga!” mabilis na bawi niya, sabay dugtong ng, “I’m in love with my work!”

Kay KC ba, inlab din siya?
“Saka ko na sasagutin…” biting sagot niya.
Posible bang matuloy ‘yung inaabangang mo­vie nila ni KC?
“Oo, may possibility ‘yon. They’re still communicating (about the project). Sana matuloy, di ba? ‘Yun ang ultimate dream ko talaga! I mean, it’s all for the best, eh! Sana matuloy!”

Napag-uusapan ba nila ni KC ang tungkol doon?
“Oo, siyempre gusto namin pareho na matuloy. Sana talaga matuloy…” wish niya.
Ideal girl ba si KC?

“Definitely! Ideal talaga siya in all aspects!”
So, ano pang hinihintay niya?
“The right time!” makahulugan ang mga ngiting sagot ni Richard.

***

Sa wakas ay nagsalita na si Richard hinggil sa isyu na muntik na siyang umalis ng GMA para lumipat sa ABS-CBN.

“Well, ang katotohanan niyan, nagising ako isang umaga at may isyu na. Ha! Ha! Ha! Ako ‘yung huling nakaalam na may isyu,” natatawang pahayag ni Richard
“Kasi nowadays, bihira akong magbasa ng diyaryo dahil sobrang busy. Sina Raymond (twin brother niya) na lang ang nag-a-update sa akin dahil sila ang updated sa ganyang bagay. Tinawagan nila ako, paggising ko, it was all over the the newspapers.

“So, hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yon. Wala akong planong lumipat sa kabila, alam nating lahat ‘yon. Hindi dumapo sa utak ko na lumipat sa kabila kahit isang beses,” bulalas ni Chard.

Totoo ba ‘yung lumabas na isyu na nagtampo raw siya sa GMA dahil hindi siya naisama sa summer plug ng Kapuso network?

“’Yung mga ganu’ng bagay, ako personally, kung ano ang ginagawa ng network, I’ve always said na I’m a soldier of the network, di ba? Kung pwede akong mag-suggest, nagsa-suggest ako.

“Pero ‘yung mga ganu’ng bagay, ang nakakakita no’n, ‘yung management team ko na, eh! Ako personally, kung ano ‘yung ginagawa kong trabaho, I do my best at it. And then, kung may mga ganyang isyu, it’s not me na nakakapansin but my management team,” paliwanag ni Richard.

So, after kumalat nu’ng lipatan isyu, kumusta na ang status niya sa GMA?
“Abangan n’yo next week, may official statement ako. Kasi, ako na lang ang hindi nagsasalita, eh! Nagsalita na si Mommy (Annabelle Rama), nagsalita na si Raymond, ako naman next week (kasabay ng pagre-renew niya ng kontrata sa GMA).

“At saka I really wanted to wait for the right time. Kasi, kung palalakihin ko ‘yung isyu na wala namang katotohanan, eh sayang lang.”

No comments: