GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, April 4, 2008

Richard, may problema sa GMA 7


Jun Lalin

Sa SiS guesting niya kahapon para sa promotions ng Pinoy Idol na magpe-premiere bukas sa GMA 7 ay nilinaw ni Raymond Gutierrez ang balitang kumakalat na may very tempting offer ang ABS-CBN sa kambal niyang si Richard at ito ay “too good to refuse.”

Ayon kay Raymond, nang makausap ko siya bago siya nagpunta sa SiS kahapon, kailangang klaruhin niya ang ‘offer’ na ‘yon dahil nakahihiya rin sa Dos at wala talagang ganoong offer.

“Baka sabihin pa ng iba na nag-iimbento tayo ng ba­lita. Saan ba talaga galing ang news item na ‘yon?” sey ni Raymond.

Kahit nag-deny si Raymond sa balitang may very tempting offer ang Dos sa kanyang kakambal, hindi niya ikinailang may ilang problema si Richard sa kanilang mother studio.

Maraming taga-Siyete ang nakaaaalam tungkol sa bagay na ‘yon at very vocal ang mom nilang si Annabelle Rama na masama ang loob nito.

“Siguro, maaayos din ‘yon in the co­ming weeks. Sana,” sabi ng host ng Pinoy Idol.

To be fair sa GMA 7 ma­nagement, gumagawa sila ng paraan para ayusin ang ‘hinampo’ ng kampo namin (kasama ako being the publicist of the Gutierrez family).

Isang executive ng Kapuso station ang nagpahayag sa akin na ‘iniimbestigahan’ na nila ang ilang pagkukulang ng staff nila kay Richard.

Ina-assure ni Raymond sa mga naguguluhang fans ni Richard na hindi basta na lang iiwanan ng kanyang kakambal ang Siyete nang hindi napag-uusapan ang lahat ng mga problema ng bida ng Kamandag.

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang taping ni Richard para sa Kamandag at Nuts Entertainment.

No comments: