GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, April 11, 2008

Richard at KC, mag-on na raw




KUKUNAN daw sa bansang Dubai ang next series ni Richard Gutierrez after ng Kamandag, na two weeks na lang ang itatagal sa ere.


Ayon sa aming impormante, Asero ang title ng bagong series ni Chard. Hindi lang kami sure kung komiks material ito. May nagsabi sa aming ito raw ang title ng movie na ginawa noon ni Cesar Montano.


Pero, nung makatsikahan namin siya sa ta­ping ng All Star K Summer Special na kinunan last Wednesday sa Coral View sa Morong, Bataan, wala siyang sinabi tungkol doon.


Nagmamadali nga ito dahil may meeting pa siya with GMA prexy after ng guesting niya sa game show nina Allan K at Jaya.


“Walang masyadong balita sa akin!” nagmamadaling sabi sa amin ni Richard.


Wala na nga dahil obvious na tapos na ang isyu sa tampo niya sa GMA kaya hindi na tumagal ang tsismis na lilipat na siya sa Channel 2, huh!
Pero teka, may kato­tohanan kaya ang kuwento ng isang taong malapit sa kanya na mag-on na sila ni KC Concepcion ngayon?


Anyway, ayon sa mga taga-Kamandag, marami pa raw magagan­dang kaganapan sa nala­lapit na pagtatapos ng Kamandag.


Bale sa April 25 daw ang last episode nito kaya ang buong cast, araw-araw na ang ta­ping upang maibigay ang magagandang wakas sa pagtatapos ng Carlo J. Caparas opus.

No comments: