GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, April 10, 2008

RICHARD AT DINGDONG, LUMALALA ANG AWAY?

By: Ruel Mendoza


NAGUGULAT si Dingdong Dantes sa mga lumalabas na balitang may gap daw sila ni Richard Gutierrez.


Nagsimula raw ang ‘gap’ nila dahil sa success ng Marimar, na kung saan mas napag-usapan nga si Dingdong, lalo na at nagkasunud-sunod pa ang mga endorsements niya.


Pinakamaingay nga ay ang pagiging Bench underwear model niya na nabigyan pa ng isang grand launch na never daw ibinigay sa ibang mga naging endorsers ng naturang brand.


Ngayon nga ay may Dyesebel na si Dingdong, at lalo raw tumindi ang gap ng dalawa. Eh, sumabay pa ang kumalat na balitang lilipat na raw si Richard sa ABS-CBN 2.


Sabi naman ni Dingdong, wala raw siyang alam na gap sa pagitan nila ni Richard. Though hindi naman daw sila nagkikita parati dahil may kanya-kanya silang mga trabaho, at kapag nasa SOP naman daw sila tuwing Sunday, nagkakakuwentuhan sila at nagkakabiruan pa.


“Wala namang nabago sa amin ni Richard,” pasa­kalye ni Dingdong.


“We’re still the same people at magkaibigan kami. Kelan lang ay magkasama kami sa birthday ni Direk Mark Reyes. Okey kaming dalawa. I think kahit si Richard, nagugulat sa mga lumalabas na ‘yan. Basta kaming dalawa, we’re okay. We’re cool about everything,” paniniguro pa ni Dingdong.


Ang laki nga nang pinayat ni Dingdong dahil sa ginagawa niyang training for Dyesebel. Gaganap siya bilang si Fredo, ang lalaking mortal na iibigin ni Dyesebel na ginagampanan ni Marian Rivera.


Araw-araw nga raw ang ensayo ni Dingdong at gusto niyang maiba ang hitsura niya dito sa bagong show.


“Para magkaroon ng distinction from Sergio to Fredo. Ayokong may makitang similarities ang televiewers. Tapos na si Sergio kasi. Si Fredo na ngayon ang abangan nila.”


“Maraming sorpresa si Direk Joyce (Bernal) para sa marami dito sa Dyesebel. Abangan lang nila kasi kahit kami ni Marian, wala kaming mas­yadong alam pa sa mga eksena namin.


“It’s one big surprise kaya kung naibigan nila ang Marimar, mas iibigin nila itong Dyesebel,” lahad pa ni Dingdong.


Kasalukuyang nasa Coron, Palawan sina Dingdong at Marian para kunan ang mga magagandang underwater scenes ng Dyesebel.

No comments: