GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, April 10, 2008

Richard, problemado sa ‘Kamandag’!

By: Ruel Mendoza


HIRAP ang kalooban at puno ng pagsubok ang mga araw na pinagdaraanan ngayon ng pinakamainit at pinakasikat na si Richard Gutierrez, lalo na at iisa lamang ang hangad nito ngayon - ang maisalba ang kanyang kapatid.


At dahil sa pagmamahal sa kapatid, handang talikuran ni Richard ang lahat mapatawad lamang siya ni Ehra Ma­drigal, ang kapatid na naging halimaw na matagal ring nawalay sa kanya sa nangungunang telefantasya sa telebisyon, ang Kamandag.


Matatandaang dahil kay Vergel (Richard) ay nasalinan ng dugo ng ahas ang kapatid na si Ditas (Ehra) at sa galit ngayon ng dalaga ay gusto niyang maghiganti sa mga taong nang-api sa kanya. Sa maling paraan ginagamit ni Ditas ang kanyang kapangyarihan.


Hindi madali ang kinakaharap ni Vergel (Richard) dahil para malinis ang dugo ng isang kalahating Ambog, kailangan nitong magsakripisyo. Pero ang isang posibleng kapalit ng hinihiling na lunas para sa kapatid ay ang pagkawala ng pagiging Kamandag ni Vergel.


Kailangang mapatay ni Vergel ang gintong usa na matatagpuan sa gubat Yubaba sa Ambugraw na siyang gamot kay Ditas. Pero pagda­ting pa lang doon ni Vergel, isang umaatikabong laban ang kinaharap niya nang makasagupa niya ang higanteng Cyclops.


Makuha kaya niya ang kanyang kahili­ngan para magamot si Ditas? At tuluyan na bang mawawala si Kamandag sa mundo?


Samantala, lalong lumakas si Talim (Mark Anthony Fernandez) sa kanyang bagong kapangyarihan matapos inumin ang dugo ng ahas na si Isisir.


Tuluyan na kayang maging magkaibigan si Elinor (Alessandra de Rossi) at Lily (Maxene Magalona) matapos iligtas ng huli ang una?


No comments: