GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Saturday, April 12, 2008

Richard, never nanggamit para sumikat! — Annabelle


By: Ian F. Farinas


AYOS na pala ang gusot sa pagitan ni Richard Gutierrez at ng GMA Network.

Mismong ang mother ng aktor na si Annabelle Rama ang nagbalita nito sa launching niya at nina Sen. Chiz at Christine Escudero kahapon bilang bagong endorsers ng Circulan.

Tsika ni Tita Annabelle, nakipag-dinner sa kanila (siya, Tito Eddie at Richard) ang pamilya Gozon (Annette Abrogar, Atty. Felipe and wife) nu’ng isang gabi.

Okay naman daw ang naging pag-uusap at kagabi naman sila nag-meeting ng GMA-7 exec na si Wilma Galvante para sa bagong two-year contract ng anak sa Kapuso channel.

Contrary sa tsismis, nilinaw ni Tita Annabelle na walang kinalaman ang talent fee sa mga naging problema ni Chard sa Siyete.

Hindi raw pera ang dahilan ng hindi nila pagpirma nu’ng una sa renewal ng contract ng aktor.

Bago pa man daw lumabas ang isyu tungkol sa sinasabing paglipat ng aktor sa ABS-CBN, eh, plantsado na ang talent fee na tatanggapin nito sa ire-renew na kontrata.

Wala raw problema si Chard sa executives ng home studio, ’yan ang paulit-ulit na nilinaw ni Tita Annabelle. Sumama ang loob nito sa ilang staff ng Siyete, na kung hindi kami nagkakamali’y naagapan naman sa maayos na pag-uusap.

Tumanggi si Tita Annabelle na magbanggit ng mga pangalan, pero ngayon lang daw siya napuno kaya nakapag-dialogue na ng: “Napakabait na bata ni Chard. Bilang manager, minsan sinasabi ko sa kanya, ‘hindi puwedeng ganyan, Chard.’ Ang isasagot niya, ‘okay lang, Ma, kung meron silang ibang gustong pasikatin.’

“Hindi kasi siya nai-insecure sa kahit na sinong artista, alam niya ang kinatatayuan niya. Walang siyang insecurities. Hindi siya natatakot maski kaninong artista, dahil never siyang gumamit ng kapuwa artista para sumikat siya.

“Anuman ang status niya ngayon, sarili niyang kayod ’yon, sariling sikap. Kaya ’yung mga naninira na insecure si Chard sa iba, tumigil sila!

“Sa totoo lang, ha, ang tingin ko riyan, kung EP (executive producer) ka ng isang show, hindi ka dapat nagma-manage ng talent. Por delikadeza. Kasi, conflict of interest, eh. Tapos, ilalagay mo pa sa show mo ang talent mo? Hindi naman yata maganda ’yon, ’di ba? Unfair ’yon sa iba pang mga artista, hindi lang kay Richard.”

Ibinigay din niyang halimbawa ang isang TV executive sa isa ring major network, na ayon daw sa isang nirerespetong showbiz columnist, ay kusang binitawan ang malaki at sikat na talent por delicadeza.

For the record din, nilinaw ni Tita Annabelle na never silang lumapit sa ABS, kaya hindi rin niya alam kung paano lumabas ang tsismis na lilipat nga si Chard.

Since malapit nang magtapos ang Kamandag, binuking ni Tita Annabelle na totoong Asero ang susunod na project ng anak sa GMA.

May ilang portions daw na sa Dubai pa kukunan at si Ehra Madrigal, co-star ni Chard sa Lupin at Kamandag, ang kanyang magiging leading lady.

Sa pag-uusisa naman ng press kung totoong mag-on na si Chard at si KC Concepcion, “Sana nga!” ang maikli pero excited na tugon ng titleroler ng My Monster Mom.

Siyempre raw, botong-boto siya sa dalaga nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, hindi ba naman daw ina ang hindi?

Wish din niya’y matuloy ang kung anumang niluluto ngayon ng GMA Films at Star Cinema para sa dalawa.

Yes, may pag-uusap o negosasyon na raw na nagaganap sa pagitan ng supposed “warring” companies para sa isang Richard-KC movie team-up.

Kaya lang, hindi pa alam ni Tita Annabelle kung ano ang mangyayari.

Nang tanungin naman tungkol sa nabalitang pagpapa-presscon ng dating manugang na si Yilmaz Bektas tungkol kay Ruffa sa Turkey, ang sagot ni Tita Annabelle: “Mula nang mag-Circulan ako, hindi na ako ganu’n kadaling magalit o uminit ang ulo.”

Pero, aminado siyang nu’ng huling bisita ng Turkish businessman sa bansa ay sinubukan pa rin nitong kumbinsihin si Ruffa na sumama na uli sa Istanbul.

“Pero sabi ko sa kanya (Ruffa), dito, may freedom ka, sikat ka, may trabaho ka, ’wag mong sayangin ang suwerte mo,” tsika pa ni Tita Annabelle.

Awa na lang daw para sa mga apong sina Venice at Lorin kaya niya pinapayagang makipagkita ang mag-iina kay Yilmaz.

Wala na raw kasing binabanggit ang dalawang bagets kundi ang pagka-miss sa kanilang ama.

Kahit papa’no, dugtong pa ni Tita Annabelle, kampante na siya dahil nu’ng narito si Yilmaz, hindi na niya nakitang pumasok sa kuwarto nito si Ruffa.

“Sa lobby na lang (ng hotel) niya hinihintay ang mga bata. Saka, parang may takot pa siya. And’yan pa rin ang takot niya,” sabi ni Tita Annabelle.

No comments: