Rommel Gonzales
Saturday, April 19, 2008
09:38 AM
Sa pagtatapos ng Kamandag sa April 25, isa sa makaka-miss nang husto sa show at sa mga artistang naka-bonding na niya ay si Maxene Magalona.
"Mami-miss ko kasi naging close na ako sa cast. And siyempre, first primetime [show] ko ‘to. So magiging memorable for me ang Kamandag. Mami-miss ko talaga.
"Parang kailan lang. Nagtagal din ang show, six months. Actually, dapat three months lang siya, e, nag-extend nang nag-extend. So thankful naman kami na mataas pa rin yung ratings hanggang ngayon," lahad ni Maxene sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
May proyekto na ba siya sa GMA-7 pagkatapos ng Kamandag?
"Actually, ang sabi sa akin... Kasi I'm gonna sign with GMA na, siyempre may upcoming show na ako. But hindi pa nila sa akin sinasabi kung ano yung final. I'm sure it's gonna be a good project, so excited ako talaga."
Bilang isa sa leading ladies ni Richard Gutierrez sa Kamandag, ano ang mami-miss niya sa young actor?
"Yung passion niya sa profession niya," sagot ni Maxene. "Yung parang hindi lang siya pumupunta sa set para lang masabi na nagtatrabaho siya. He goes to the set talaga na talagang determined to do what he does best.
"And alam mo yung binabasa niya yung script na mabuti? ‘Tapos kung may ayaw siya, nagsa-suggest siya ng ideas sa director, sa writer. So parang seryoso talaga siya."
Ayon pa kay Maxene, masarap din katrabaho si Richard.
"Ah, oo! Yun, mami-miss ko rin yun, kasi very maalaga si Richard sa set. Makulit pero at the same time, maalaga. Gentleman talaga," banggit ng dalaga.
RICHARD-KC TEAM-UP. Bilang isa sa mga kapareha ni Richard, tulad ni Jewel Mische, hindi naman daw nainis si Maxene sa pagkaka-link ni Richard kay KC Concepcion habang ongoing pa ang kanilang show.
"Siyempre, nagselos ako as a leading lady!" natatawang biro ni Maxene. "Pero as much as possible, gusto kong patunayan na deserving ako to be Richard's leading lady."
What about KC as Richard's possible future leading lady?
"Well, siguro puwede din... Hindi pa kasi natin alam. Pero since kami yung magka-love team ngayon, also si Jewel at si Chard, meron kaming chance na ipakita kung ano yung kaya naming ibigay and gawin with Richard.
"So yung kay KC, siyempre mahirap. Kasi taga-Channel 2 siya, so hindi pa natin alam. So ito, as long as kami yung nandito sa Channel 7 at kami yung pina-partner kay Chard, sorry na lang!" tawa niya.
"Joke lang, ha?" bawi ni Maxene. "If ever naman...like yung sinasabi na ipa-partner siya [KC] kay Chard, siyempre exciting yun, ‘di ba? Yung Channel 2 and Channel 7, something new, siyempre hindi puwede sa show. Tingnan natin sa movie kung kaya, siyempre exciting din yun.
"'Tsaka ayoko naman na sa akin lang si Richard. Kasi ako rin, I came from Oyo [Sotto], Cogie [Domingo]... Gusto ko talaga paiba-iba yung partners, kasi ayokong ma-identify. Ayoko talaga yung naa-identify with one partner lang, so okay lang sa akin na si Richard mapunta kay KC."

No comments:
Post a Comment