GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, April 18, 2008

Richard, walang hinanakit kay Dingdong

Allan Diones

AYON kay Richard Gutierrez, wala pang final decision sa pag-alis niya sa Sunday noontime show ng GMA 7 na SOP.

“If ever man na I decide to take a leave, it’s my personal decision,” sabi ni Richard nang makausap namin kamakailan.

Totoo ba na may mga intri-intriga sa mga host ng SOP?

“Well, ako kasi, matagal ko nang naisip na I work hard during the week and then, sa weekends, wala rin akong time off. So, naisip ko, why not have my time off during the weekends?

“Para may free time ako para sa friends and family ko. Kailangan talaga ‘yon, eh!” nakangi­ting dayalog ni Chard.

Totoo ba ‘yung balita na may isyu sa pagitan nila ni Dingdong Dantes na kasama niya sa SOP?

“Ako wala, wala kong tampo sa kanila. I mean, they’ve been working on that show way before I started. So, sa kanila na ‘yon. Kumbaga ako, I’ll do my own thing,” sey ni Richard.

So, walang bad blood sa pagitan nila ni Dingdong?
“Wala, with Dong, wala. At saka naisip ko talaga na I’d rather rest or give time to myself and my family.

“Kasi ngayon, sobrang busy ko talaga. Like sa primetime shows ko, I’m getting more involved with the production and the creative. So, I really want to focus on my show.”

Maliwanag ‘yon na walang problema o hidwaan sa pagitan nila Dingdong…
“Wala. I know Dingdong is working hard and I’m happy for him kung ano ‘yung status niya ngayon. I have zero grudges for him. I’m happy for him!

“At saka maganda nga ‘yon for the network as a whole, eh! At least, sa GMA, ang competition namin, within ourselves. Kung meron mang competition, it’s very healthy, very professional. It’s also good.”

Nag-uusap ba sila ni Dingdong tungkol doon?

“Nagkita kami sa birthday party ni Direk Mark (Reyes). Never kaming nagpaapekto ni Dong sa mga nangyayari sa showbiz. Kasi, kami ni Dong, ang tagal na na­ming kilala ang isa’t isa. Sobrang tagal na!

“So, ‘pag nagkikita kami, hindi kami nagpapaapekto kung anuman ang mga lumalabas sa mga diyaryo o nangyayari sa mga mana­ger namin. Wala ‘yong epekto sa aming dalawa. Ganu’n ako sa lahat ng tao. And I know him better!” pakli ni Richard.

No comments: