GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, April 15, 2008

RICHARD, BABU NA SA ‘SOP’

Jun Lalin


Wala na sa SOP Rules si Richard Gutierrez! Sa pakikipag-meeting ni Richard at ng kanyang management team sa ilang executive ng GMA 7, nagpahayag na ang binata na hindi na siya a-attend pa sa Sunday musical variety show ng Kapuso network.

Sa Linggo ay nasa SOP Rules si Richard para sa grand farewell promo ng Kamandag na magtatapos sa Abril 25.

Nagdesisyon si Richard at ang kanyang management team na huwag na lang maging parte ng SOP Rules ang binata para maiwasan ang ilang intriga sa show.

“Pero kapag may mga promo si Richard, a-appear pa rin sa SOP ang anak ko,” sey ni Annabelle Rama.

Ang tungkol sa renewal of contract ni Richard sa Siyete ay ayos na at isa sa mga araw na ito ay magpipirmahan na sila.

Wala nang makapipigil pa kay Richard sa pagre-renew niya ng da­lawang taong exclusive contract sa Siyete.

Inamin din ni Bisaya na wala siyang problema sa top executives ng Siyete, lalo na kina Atty. Felipe Gozon, Atty. Annette Gozon-Abroagar at Ms. Wilma Galvante.
“Maayos kami ng big bosses ng Siyete. Inayos nila ang anumang problema, kaya happy kami,” sabi ni Bisaya.

No comments: