GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, April 17, 2008

Richard Gutierrez Lalong Gumagwapo

JOE BARRAMEDA


Lalong gumuwapo si Richard Gutierrez sa bago niyang hairstyle. Bagay na bagay sa kanya ito.

Lalong kinakantiyawan na very much in love na naman ang bida ng Kamandag (na magtatapos sa Abril 25).

Sa pakikipagtsika­han namin kay Richard sa Shangri-La EDSA Plaza Hotel nu’ng isang gabi ay nalaman namin na pinaghahandaan nila nang husto ang last day airing ng Kamandag.

Mula nang nag-umpisa ang Kamandag ay hindi lamang artista ang papel dito ni Richard. Kasali siya sa creative team ng grupo at maraming kontribusyon si Richard sa ikagaganda ng teleserye.

Mixed emotion ang nararamdaman ni Richard sa pagtatapos ng Kamandag. Siyempre, mami-miss niya ang mga kasamahang artista na ilang buwan din niyang nakatrabaho.

Tungkol sa intriga sa pagitan nila ni Dingdong Dantes, ayon kay Ri­chard ay wala itong katotoha­nan.

OK raw ang relasyon nila ni Dingdong. Matagal na silang magkasama ni Dingdong at kahit nagkikita sila ay hindi sila nagpapaapekto sa mga nasusulat o intriga sa pagitan ng kani-kanyang manager.

Basta, sinigurado ni Richard na wala silang problema ni Dingdong.
Kung hindi muna siya mapapanood sa SOP ay gusto raw niyang magpa­hinga tuwing weekend.

Iyon lang daw ang time na puwede niyang makasama ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan.

Sarili raw niyang desisyon ang mag-leave muna sa SOP. Walang katotohanan na aalis siya sa GMA-7.

No comments: